Duterte-Duterte tandem labag sa Konstitusyon PAANDAR NI PANELO ILEGAL

(BERNARD TAGUINOD) SI Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang mamumuno sa bansa sa susunod na anim na taon pagkatapos ng kanyang termino sa 2022 kapag nanalo ang itinutulak ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na Duterte-Duterte Tandem. Kapag nangyari ito, malalabag na ang 1987 Constitution na nagbabawal sa isang pangulo ng bansa na mamuno pagkatapos ng kanyang anim na taong termino. Ito ang tinuran ni Albay Rep. Edcel Lagman kaugnay ng Duterte-Duterte Tandem 2022 na inilunsad ni Panelo at iba pang appointee ni Pangulong Duterte, sa Pangasinan kamakailan. While there…

Read More

Gatchalian sa mga naniningil ng ‘pautang’ CREDIT CARD FRAUD VICTIMS ‘WAG I-HARASS

HINDI dapat makaranas ng panggigipit at unethical debt collecting practices ang mga biktima ng credit card fraud ayon kay Senador Win Gatchalian. Ginawa ni Gatchalian ang panawagan matapos idulog sa kanya ng ilang naging biktima ng mga tinatawag na financial cyber thieves na lumobo ang kanilang bayarin sa credit card dahil sa panloloko ng mga kawatan. “Hindi na nga tama na obligahin ang mga biktima na panagutin sila sa bayarin na hindi naman nila dapat akuin, mas lalong hindi tama na pagdaanan nila ang mga mapang-abusong paraan ng paniningil ng…

Read More

ILANG PROBINSYA IBABALIK SA GCQ

NAGPAHIWATIG na ang Malakanyang na may ilang probinsya sa bansa ang ibabalik sa general community quarantine mula sa modified general community quarantine sa buwan ng Pebrero. Ito’y bunsod na rin ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kasalukuyan ay mas makabubuting hindi na muna tukuyin ang mga lugar na isasailalim sa GCQ. Aniya, bahala na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mag-anunsyo sa bagong community quarantine. Sa ulat, nagkaisa at pabor ang mga Metro Manila mayor na i-extend ang general community quarantine (GCQ) hanggang…

Read More

MEDIA WORKERS PINASASAMA SA BAKUNA

IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pangangailangan na iprayoridad ang media workers sa pag-rollout ng COVID-19 vaccine sa oras na maging available na ito. Sinabi ni Sec. Andanar na kailangan din na ikonsidera bilang frontliners ang mga media worker. “Frontliners ‘yan. Kahit anong mangyari, ang media ay araw-araw nand’yan nagbabalita, at kailangan ng kababayan natin na mayroong nagsasalita na nagsasabi sa kanila kung ano’ng gagawin ,” ayon kay Sec. Andanar. Nauna na kasing inanunsyo na ang first batch ng bakuna ay inaasahang darating sa Pilipinas…

Read More

Sa sablay na NPA list AFP INTEL CHIEF SINIBAK

SINIBAK kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Armed Forces of the Philippines deputy chief of staff for intelligence or AFP-J2 dahil sa paglalabas ng maling listahan ng mga alumni ng University of the Philippines na sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA). ” I am relieving MGen Alex Luna from his post as Deputy Chief of Staff for Intelligence, J2, effective today (28 Jan 2021),” sa inilabas na pahayag ng Defense Department kahapon. Ayon kay Lorenzana, nagmula sa opisina ni Luna sa J2 ang maling listahan ng mga NPA…

Read More

Iginiit din ang importasyon ng baboy at manok DAR IPINAHAMAK SI DU30 SA PRICE CAP

MISTULANG ipinahamak ni Agriculture Secretary William Dar si Pangulong Rodrigo Duterte nang makumbinsi niya itong maglabas ng Executive Order (EO) upang mapatigil ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sumulpot ang paniniwalang ito makaraang ianunsiyo ni Presidental Spokesman Harry Roque Jr. na maglalabas ng kautusan si Duterte na patungkol sa pagtigil ng presyo ng mga bilihin, lalo na ng karne ng baboy. Sa ilalabas na EO, itatakda rito ang pinakamataas na presyo ng mga produkto. Matatandaang inanunsiyo ni Dar sa media kamakailan na nararapat na maglabas si Duterte…

Read More

ABS-CBN franchise ipinasa sa next Congress VELASCO IWAS PUSOY

MISTULANG umiiwas si Speaker Lord Allan Velasco sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN matapos nitong ipaubaya ang kapalaran ng nasabing network sa susunod na Kongreso. “Based on my understanding from the House leadership, the ABS-CBN franchise issue is best left to the next Congress,” ani House committee on legislative franchises chairman Franz Alvarez ng Palawan. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos igiit ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa sesyon ng Kamara noong Miyerkoles na tapusin muna ang mga unfinished business tulad ng prangkisa ng ABS-CBN bago talakayin ang…

Read More

Pagresolba hanggang 2 taon lang ELECTION PROTEST ‘DI NA PWEDENG ‘UPUAN’

(BERNARD TAGUINOD) BUMUO ng Technical Working Group (TWG) ang House committee on suffrage and electoral reform para gumawa ng final draft sa panukalang batas na resolbahin ang lahat ng electoral protest ng hanggang 2 taon lamang lalo na sa presidential at vice presidential race. Sa pagdinig ng nasabing komite na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Juliet Marie de Leon Ferrer, nagkasundo ang mga mambabatas na bumuo na ng TWG para sa final draft ng House Bill 2761 o ang “Fair Electoral Protest Act,” na inakda ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez.…

Read More

Riding in tandem talamak pa rin SENATE PROBE IKINASA SA SERYE NG PATAYAN

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Richard Gordon ang extra-judicial killings kabilang ang pagpatay ng riding in tandem sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa kanayunan na hindi nasasawata ng mga awtoridad. Nitong Enero 18, nagsagawa si Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, ng isang privilege speech saka kinondena ang sunod-sunod na patayan sa bansa na isinasagawa ng riding-in-tandem. Dahil dito, nanawagan si Gordon sa awtoridad na kumilos kaagad upang matigil ang patayan at umapela upang maaresto at maikulong ang mga salarin. “One killing is one too many.…

Read More