DAPAT “resonableng bayad”. Ito ang giit ng Toll Regulatory Board (TRB) bago payagan ang hinihinging toll rate ng San Miguel Corporation (SMC) para sa Skyway Stage 3 mula Buendia, Makati hanggang Boni-Balintawak Quezon City. Nakasalang sa TRB ang kahilingan ng SMC na P274 ang toll fee sa buong haba ng byahe sa Skyway. Ang pinakamababang bayad na hinihingi ng SMC sa mga motorista ay P110 para sa pinakamaikling ruta. Binanggit ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Finance Gary Guzman sa isang broadsheet na kahit malaki ang tulong ng Skyway…
Read MoreMonth: January 2021
Babala sa schools na manggigipit ng estudyanteng may utang IIPIT SA SCHOOL RECORDS PARURUSAHAN
ISINUSULONG ni Senador Joel Villanueva ang panukala na magbabawal sa mga education institution na i-hold ang official records ng mga estudyante na hindi nakapagbayad ng tuition o iba pang school fees. Sa paghahain ng Senate Bill 2021 o ang proposed Anti-Withholding of Student Records Act, sinabi ni Villanueva na marami sa mga estudyante ang napipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Idinagdag pa ng senador na ang iba naman ay lumilipat sa paaralan na mas mababa ang gastusin subalit dahil sa nabibinbin ang official records, marami ang hindi nakakapag-transfer. “This…
Read MorePNP: DACERA ‘DI GINAHASA, ‘DI PINATAY
(NELSON S. BADILLA) HINDI ginahasa at lalong hindi pinatay si Christine Dacera. Ito ang resulta ng autopsy report ng Crime Laboratory ng Philippine National Police (PNP) na lumabas noong Enero 11. Kahapon inilabas sa media ng PNP ang nasabing ulat. Ayon sa masusing pagsisiyasat at pag-aaral ng medical experts ng PNP, si Dacera ay binawian ng buhay dahil sa “ruptured aortic aneurysm”. Tumaas sa 500 gramo ang timbang ng puso ng dalaga na malayo sa 300 gramo na siyang normal na timbang ng puso, ayon sa ulat ng PNP. Nilinaw…
Read MoreUPGRADING SA 1,300 ROADWAY LIGHTS SA NLEX SINIMULAN
IA-UPGRADE ng NLEX Corporation ang may 1,300 roadway lights mula sa bayan ng Balagtas hanggang sa San Fernando City, Pampanga na may kabuuang 33 kilometers bilang bahagi ng kanilang programa na mapabuti at masigurong ligtas ang mga motorista. Ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi L. Bautista, isasagawa ito ngayong Pebrero kabilang na ang replacement ng existing LED (light emitting diode) lights at upang mas mapaliwanag ang level nito mula sa 16 lux ay magiging 20 lux na ito. Ito umano ay magdudulot ng ibayong liwanag para…
Read MorePhilHealth officials ‘di pa rin lusot kahit nag-liquidate – Lacson P15-B ILEGAL NA NILUSTAY
(ESTONG REYES) AYAW tanggapin ni Senador Panfilo Lacson ang paliwanag ng bagong pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagsasabing liquidated na ang mahigit 92% ng P15 bilyon na ginastos sa Interim Reimbursement Mechanism, overpricing at iba pa. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na magkaiba ang liquidation sa audited na pondo na kahit nakita kung saan ginastos ang pondo, hindi nangangahulugan na legal ang paggastos dito. “Say, if public funds were spent not for COVID-19 as required under the Interim Reimbursement Mechanism but for dialysis centers and infirmaries and…
Read MoreVALENZUELA, NAVOTAS,1 CALOOCAN AYAW PA SA MGCQ
TINANGGIHAN ng mga alkalde ng mga lungsod ng Valenzuela, Navotas at Caloocan ang pagluluwag sa quarantine restrictions sa kanilang nasasakupan sa gitna ng pagharang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na hayaaan nang lumabas ang mga 10-14 taong gulang sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) simula Pebrero. Idinahilan nina Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang mga nasasakupan makaraan…
Read More11-ANYOS, HINALAY NG BARKADA NI TATAY
BATANGAS – Nahaharap sa kasong rape at child abuse ang isang 22-anyos na lalaki makaraang gahasain umano ang 11-anyos anak na babae ng kanyang kabarkada sa Tanauan City sa lalawigang ito. Noong Martes ng hapon nang arestuhin ng mga pulis ang suspek na si Jason Rabo, may asawa, residente ng Barangay San Juan, makaraang ipagharap ng reklamo ng mga magulang ng biktima sa Tanauan City Police station. Batay sa report ng Tanauan City Police, nangyari ang panggagahasa sa 11-anyos na batang babae dakong 1:00 ng madaling araw sa damuhan malapit…
Read MoreMAG-AMIGA, 1 PA ARESTADO SA DROGA
CAVITE – Arestado ng Cavite police ang magkaibigang babae at isang lalaki na luminya sa pagtutulak ng ilegal na droga, sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Dasmariñas City. Kinilala ang mag-BFF na sina Maricel Vasquez, 42, at Jasmin Hernandez, 30, at Edwin Rogelio, 43, pawang residente ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon sa ulat ni Corporal Lorenzo Cawaling ng Dasmariñas City Police, dakong alas-9:30 noong Lunes ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang…
Read MorePasyente nakabalik na sa United Kingdom UK VARIANT NAPIGILAN SA CALAMBA CITY
LAGUNA – Binigyang linaw ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Calamba na hindi na kumalat pa ang napabalitang bagong virus na UK variant. Ayon kay Dr. Adelino Labro, head ng Calamba City Health Office, mabilis na napigilan ang pagkalat ng UK Variant. Dahil umano ito sa maagap na pag-self quarantine ng mga kaanak ng pasyenteng lalaking nasa edad 23 taong gulang na health personnel at nagtatatrabaho bilang Radiologic technician sa bansang United Kingdom. Nilinaw din nito na negatibo ito noong umuwi sa Pilipinas noong Disyembre 6, 2020 at matapos…
Read More