Aralin ng anak dinadaya ng magulang ‘SAGOT-FOR-SALE’ IIMBESTIGAHAN

HINILING si Senador Win Gatchalian na paimbestigahan ang “sagot-for-sale” ng module na posibleng magdulot ng pinsala sa kaalaman ng mag-aaral matapos matuklasan na may ilang magulang na nagbabayad sa pamamagitan ng internet upang masagot ang aralin ng kanilang anak. Sa pahayag, binalikan ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education ang iniulat ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na may ilang magulang na nagbabayad ng maaaring sumagot sa modules ng kanilang anak. Binabayaran ng magulang ang ilan sa pamamagitan ng internet. Magkakaroon muli ng pagdinig sa Senado upang matalakay ang…

Read More

TIDBITS INFORMATION CAMPAIGN SA COVID VARIANTS IPINAKAKASA

IKINAALARMA nina Senador Sonny Angara at Grace Poe ang paglobo ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 kaya’t nanawagan silang kumilos agad ang pamahalaan at maglunsad ng information campaign hinggil sa bagong variant na mabilis makahawa. Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Angara at Poe na lubha nang nakaaalarma ang ang ganitong sitwasyon at kailangan magkaroon ng dagdag na pag-iingat ulit dahil tila nakampante ang ilan. “We have to go back to observing social distancing as these new variant are reportedly more infectious and require less contact time than…

Read More

CRIMES AGAINST HUMANITY

Itinuturing naman ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na isang uri ng “crime against humanity”ang umano’y “state terror attack” sa mga militanteng grupo sa Southern Tagalog. “This is particularly mass killing or murder and extermination based on political ideology, which is categorized as crimes against humanity in Article 7 of the Rome Statute,” ani Casilao. Dahil dito, umapela ang dating mambabatas sa international community partikular sa International Criminal Court (ICC) na makialam na dahil habang tumatagal ay lumalala umano ang state terror attack.   “BLOODY SLAUGHTER” Ganito naman inilarawan…

Read More

SC kinalampag sa ‘Bloody Sunday raid’ MARAMI PANG MAMAMATAY

(BERNARD TAGUINOD) PINALALANSAG ng isang mambabatas sa Korte Suprema ang aniya’y ‘factory’ ng search warrants na ginagamit ng mga otoridad laban sa mga progresibong grupo na karaniwang nauuwi umano sa tokhang-style operations. Ginawa ni ACT party-list Rep. France Castro ang panawagan kasunod ng panibagong operasyon laban sa mga progresibong grupo sa Southern Tagalog Region noong Linggo ng madaling araw na ikinamatay ng siyam na aktibista. Kabilang sa mga biktima sina Bagong Alyansang Makabayan – Cavite Secretary-General Manny Asuncion na napatay sa Dasmariñas City, Cavite at ang mangingisdang mag-asawa na sina…

Read More

DEHADO LAGI ANG POBRE

ALAM natin na kahit kailan ay hindi mababaliktad ang tatsulok para yung mga maliliit na mas nakakarami ay nasa ibabaw at yung mga kokonti naman ay siyag mapupunta sa ilalalim. Hindi ito mangyayari dahil mabubuwal ang lipunan dahil kahit sa literal na tatsulok, hindi ito tatayo. Tutumba yan ng tutumba maliban lamang kung ito ay hahawakan para tumayo. Mananatiling isang pangarap na lamang ang mabaliktad ang tatsulok pero ang gobyerno ay hindi dapat hayaan na manatili ang tatlusok sa lipunan. Dapat gumawa ito ng aksyon para yung tatsulok ay maging…

Read More

DTI-DAO IMINUNGKAHING ‘WAG IPATUPAD

ANO kaya ang dahilan at gigil na gigil ang Bureau of Philippine Standards at Department of Trade and Industry (BPS/DTI) na ipatupad agad ang isa nilang Department Administrative Order (DAO)? Ang tinutukoy po natin ay itong isang kautusan na may kaugnayan na gawing mandato para sa lahat ng mga nag-aangkat ng yerong pambubong na magsumite ng isang sertipikasyon mula sa nabanggit na ahensiya. Mukha yatang masyadong pinahihirapan ng DTI ang mga maliliit na negosyante sa pagpapatupad ng nasabing DAO? May mga report kasing lumabas na wala diumanong konsultasyon na naganap…

Read More

HOY MGA POLITIKO, HUWAG KAYONG SUMINGIT SA BAKUNA!

HAYAAN ninyong talakayin ko muna ang programang baksinisasyon na karagdagang proteksyon sa coronavirus ­disease 2019 (COVID-19) dahil “matindi” ang babala ng World Health Organization (WHO) sa administrasyong Duterte. Nitong Sabado, isa sa tatlong banner story ng SAKSI Ngayon ang istorya kong “PH BANTAY-SARADO SA WHO” kung saan tinalakay dito na mahigit na binabantayan ng WHO ang pagbabakuna ng pamahalaan. Ang bantay-saradong ginagawa ngayon ng WHO ay nakabatay sa pahayag ng kinatawan nito sa ating bansa na si Dr. Rabindra Abeyasinghe. Sabi ni Abeyasinghe, kailangang tiyakin na ang ­dumating na 487,200…

Read More

NO. 1 MOST WANTED, 1 PA LAGLAG SA PARAK

ARESTADO sa mga operatiba ng Novaliches Police Station (PS-4), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD), ang tinaguriang station level no. 1 most wanted person, sa San Ildefonso, Bulacan nitong Lunes. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen, Danilo Macerin, ang suspek na si Gilbert Veneranda, 53-anyos, tubong Masbate, at residente sa #6 Baco St., Amparo Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City. Si Veneranda ay naaresto dakong alas-9:40 ng umaga sa nasabing petsa sa Andrew St., Borja Subdivision, San Ildefonso, Bulacan. Ang…

Read More

BABAENG DALAW SA PRESO, KALABOSO SA SHABU

KALABOSO ang isang babae makaraang mahulihan ng umano’y shabu nang dumalaw sa nakakulong niyang mister sa custodial facility ng La Loma Police Station (PS-1) noong Linggo. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin, ang suspek na si Justine Kate Guinto, 19-anyos, ng San Miguel, Manila City. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tip ang duty jailer na umano’y may illegal drugs na ide-deliver sa loob ng male custodial facility. Agad namang humingi ng tulong ang duty jailer sa SDEU operatives para magsagawa ng routine check…

Read More