TOURISM WORKERS SA A1 PRIORITY, TAMA LANG

IKINAGALAK ni Senador Nancy Binay ang desisyon ng Inter Agency Task Force na isama na sa A1 priority group ang mga empleyado ng mga hotel na nagsisilbi bilang quarantine o isolation facilities. “Tama ang desisyon ng IATF na isama sa A1 priority group ang mga nagta-trabaho sa mga hotel at iba pang quarantine facilities. Their lives are also at risk daily because of constant exposure,” saad ni Binay. Sinabi ni Binay na sa naturang desisyon ng IATF, makatitiyak ang mag empleyado sa isolation facilities at quarantine hotels na hindi rin…

Read More

ROLLOUT NG SERVICE CONTRACTING PROGRAM, TAPUSIN SA LOOB NG ISANG BUWAN

MULING pinuna ni Senador Grace Poe ang mabagal na rollout para sa service contracting program sa transport workers. Sinabi ni Poe na dahil sa mabagal na rollout, maraming mga driver ng public utility vehicle at transport sector workers ang hindi nabibigyan ng tamang kita sa gitna ng pandemic. Sa datos, simula nang umpisahan ang programa noong Sept. 11, 2020, nasa P461.8 milyon pa lamang ng P5.58 bilyong pondo sa ilalim Bayanihan 2 ang naipamamahagi. Iginiit ni Poe na dahil magtatapos ang availability ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 sa…

Read More

HEIGHT HINDI NA SAGABAL SA PNP, BFP, BJMP, BUCOR

PINURI ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri nitong Biyernes ang paglagda ni Pangulong Duterte sa batas na nagpapababa sa height requirements para sa gustong pumasok sa PNP, BFP, BJMP, at BuCor. “This is great news for many Filipinos, and we thank the President for signing it into law. Marami tayong kababayang nakaabang dito, at sigurado po akong matutuwa sila sa balitang ito,” ayon kay Zubiri, principal author ng panukala. “And of course we thank Sen. Bato Dela Rosa for passionately sponsoring this on behalf of his servicemen and…

Read More

Laban sa mga lumalabag sa health protocols KONGRESO PINABUBUO NG NAT’L QUARANTINE LAW

NANANALIG ang Malakanyang na gagawa ng hakbang ang Kongreso para gumawa ng batas na may kinalaman sa pagbalangkas ng national quarantine law. Layon nito na magkaroon ng malinaw na batas lalo na sa kung anong kaparusahan ang dapat ipataw laban sa mga lalabag sa ipinatutupad na health at quarantine protocol. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa ibang mga bansa ay may pinaiiral ng malinaw na panuntunan tungkol dito na kung saan ay itinatakda ang mabigat na parusa sa mga violators. Sa ngayon, ang pamahalaan ay mayroon lamang na…

Read More

PAGLAGO NG EKONOMIYA INAASAHAN SA 2Q NG 2021

MAAARING muling lumago ang ekonomiya ng bansa sa second quarter ng 2021 dahil sa mass vaccination program at pagbawas ng bilang ng COVID-19 cases. Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, kapag nakapag-deliver pa ang overseas manufacturers ng ipinangako nitong volume ng doses ng bakuna, mayroon na kaagad na sapat na COVID-19 vaccines ang pamahalaan na ituturok hindi lamang sa 70 milyong matatanda kundi sa 15 milyong kabataan sa oras na maaprubahan na ang bakuna para sa mga ito. “There is good news on the horizon, however. In the second quarter…

Read More

Pairalin habang may pandemya – solons NO TUITION FEE INCREASE POLICY

(BERNARD TAGUINOD) ITINUTULAK ng minority bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso ang polisiya na pipigil sa mga private school institution na magtaas ng tuition fees at iba pang bayarin sa eskuwela habang may pandemya. Ayon sa nasabing grupo na pinamumunuan ni House minority leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano, binubuo na ng mga ito ang resolusyon para sa “No Tuition Fee Increase Policy” habang nasa gitna ng pandemya ang bansa. “The ongoing global Coronavirus (COVID-19) pandemic has brought the country to a catastrophic and unprecedented health and economic crisis that has…

Read More

PANGGIGIPIT SA MGA TSUPER SA RIZAL INIREKLAMO

NAGREREKLAMO ang Common Transport Service Cooperative (CTSC) dahil sa panggigipit umano ng lokal na pamahalaan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal sa mga miyembro ng naturang transport group. Ito ay matapos paghuhulihin ng Montalban Traffic Management and Development Office (MTMDO) ang mga bumibiyaheng driver na miyembro ng CTSC. Ayon sa general manager ng (CTSC) na si Ginang Dhelta Bernardo, masyado silang ginigipit ng lokal ng pamahalaan makaraang paghuhulihin, tikitan at kumpiskahin ang lisensya ng mga bumibiyaheng miyembro ng CTSC ng grupo ng MTMDO na ang ilan ay na-impound pa. Sinabi…

Read More

Pasaway sa health protocols wala nang lusot MARSHALS ITATALAGA SA PUVs

IDUDULOG ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang panukala ni Samar Representative Edgar Sarmiento na maglagay ng marshals sa mga Public Utility Vehicle (PUV) upang masiguro na sumusunod ang mga pasahero sa COVID-19 protocols. “Well, we will discuss this with the DOTR Secretary Tugade. As I have said before, even with the Public Utility Vehicles, we have the manpower to assist DOTr,” ayon kay Abalos sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque. Hindi naman lingid sa…

Read More

DOTr, LTFRB binira ng senador AYUDA SA TRANSPORT SECTOR MAKUPAD

BINATIKOS ni Senadora Mary Grace Poe ang Department of Transportation and Communication (DOTr) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) dahil sobrang kupad ng implementasyon nito sa ayuda para sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan. “The rollout of the service contracting program is happening at a sluggish pace that denies our public utility vehicle (PUV) drivers and transport sector workers a decent income amid the pandemic,” banat ni Poe. Ang pinuno ng DOTr ay si Secretary Arthur Tugade, samantalang ang hepe ng LTFRB ay si Atty. Martin Delgra…

Read More