PNP malambot sa parusa PANGGAGAHASA NG PULIS PAULIT-ULIT

HINDI dapat palagpasin ng Philippine National Police (PNP) ang pinakabagong insidenteng kinasasangkutan ng isa nilang tauhan na nanghalay diumano sa babaeng rider na nahuli sa checkpoint makaraang walang maipakitang lisensya sa pagmamaneho. Giit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa PNP, agad tuldukan ang kalakarang sex-for-quarantine pass ng mga tiwaling pulis sa mga checkpoint sa mga hangganan ng mga bayan, lungsod lalawigan at rehiyon. “Hindi pwedeng pag pumutok lang ang isyu sa publiko, tsaka lang gagawa ng aksyon,” ayon sa mambabatas lalo pa aniya’t hindi ito ang una at huling…

Read More

WALK-INS ‘WAG PAYAGAN SA BAKUNAHAN NG MINORS

NGAYONG nakatakda nang simulan ang pagpapabakuna ng mga menor de edad laban sa COVID-19 sa Oktubre 15, hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na huwag pahintulutan ang “walk-in system” upang maiwasan ang pagkukumpol-kumpol sa vaccination sites. Inihayag ni Gatchalian ang panawagang ito sa isang pagdinig sa pilot testing ng limited face-to-face classes. Tinalakay rin sa naturang pagdinig ang pagbabakuna ng mga menor de edad. Unang babakunahan ang mga kabataang may comorbidities at may edad labindalawa (12) hanggang labing-pito (17). Ang mga kabataang ito ay…

Read More

PAGLALAGAY NG HEALTH FACILITIES SA TOURISM DESTINATIONS, PINATITIYAK SA DOT

HINIMOK ni Sen. Grace Poe ang Department of Tourism na tiyaking may health facilities na nakatutugon sa standards sa mga tourist destination upang maging kumpyansa ang mga tao sa kanilang kaligtasan sa pagbiyahe. “In all areas in our country, ideally, there should really be basic health facilities that can address the needs of the people. We’ve heard stories of tourists going to certain areas where the local health center is not equipped to treat certain emergency situations,” pahayag ni Poe sa hearing ng Senate committee on tourism nitong Martes. Bago…

Read More

SENATE LEADERS, TIWALANG PAPABORAN NG SC ANG PAGDETINE KAY ONG

TIWALA ang dalawang lider ng Senado na papaboran ng Supreme COurt ang kanilang kautusan sa pagdetine kay Pharmally Pharmaceutical Corporation Director Linconn Ong. Una nang inatasan ng Korte Suprema ang Senado na sagutin ang petisyon ni Ong laban sa patuloy na pagkulong sa kanya dahil sa contempt. Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na marami nang desisyon ang Korte Suprema na kumilala sa kapangyarihan ng Senado. “There are a number of decisions and jurisprudence established from the SC favoring the Senate on that aspect,” saad ni Sotto. Tinukoy naman…

Read More

2K SAKO NG SIBUYAS, NADALE SA BULACAN

MEYCAUAYAN, Bulacan – Hindi bababa sa 2,000 sako ng mga smuggled na red onions ang kinumpiska ng mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs sa ikinasang operasyon sa Barangay Bahay-Pare kamakailan. Bukod sa mga sibuyas na pinaniniwalaang puslit mula sa bansang Tsina, tumambad din ang santambak na iladong pagkaing dagat, mga gamit sa bahay at mga cosmetic products na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA). Bitbit ang Letter of Authority na ipinalabas ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng mga operatiba…

Read More