2022 US Open 9-Ball KORONA DEDEPENSAHAN NI BIADO

Ni ANN ENCARNACION

MAGANDA ang simula ni Carlo Biado sa kanyang title-­retention bid sa 2022 US Open 9-Ball Championship sa Atlantic City.

Dinaig ni Biado sina Nikollin Dalibor ng Serbia at Russian Kristina Tkach, 9-1.

Sunod na makakalaban niya ang kapwa Pinoy na si Joven Bustamante sa ikatlong round ng eliminations. Bitbit ni Bustamante ang bandila ng Amerika sa nasabing torneo.

Kasama ni Biado na nanalo ang pinuno ng US Pro Billiards na si Roland Garcia at Mhett Vergara. Pawang kailangan na lang nila ng isa pa tungo sa knockout round.

Pinabagsak ni Garcia sina Jeremy Seaman ng US, 9-7, at Sullivan Clark ng Australia, 9-5.

Tinalo naman ni Vergara si American Cash Lance, 9-4, at Lithuania’s Pijus Labutis, 9-8.

Sunod na makakatapat ni Garcia si Austrian Mario, habang si Vergara ay si Abdullah Alyousef ng Saudi Arabia.

Ang iba pang Pinoy na sina Jeff de Luna at Dan Segui ay ‘di kasing swerte at na-relegate sa losers’ bracket, habang ang tatlong iba pa na sina Johann Chua, Lee Van Corteza at Roberto Gomez ay hindi pa sumasalang sa laban.

Kabuuang 256 players ang kasalukuyang nagpapaligsahan sa pinakamatanda at prestihiyosong billiards tournament sa mundo.

245

Related posts

Leave a Comment