Ni JOEL O. AMONGO KAGYAT na aksyon ang naging tugon ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) sa idinulog na problema ng mga negosyante, customs brokers at mga trucking firm hinggil sa perwisyong dulot ng pagsisikip ng mga daungan. Daing ng Practicing Customs Brokers Association of the Philippines (PCBAP) at Port Truckers Association (PTA), lubhang naaantala ang paglalabas ng kanilang kargamento dahil sa pagsisikip sa lugar kung saan nakabarega ang mga container (basyo) na pinaglalagyan ng mga naunang kargamento. Ayon kay Reynaldo Soliman ng PCBAP, lubha silang apektado sa pagsisikip…
Read More