PONDO NG PCG SA 2024 DINAGDAGAN NG SENADO

KINUMPIRMA ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na itinaas nila ang panukalang pondo ng Philippine Coast Guard para sa susunod na taon. Sa gitna ito ng mga pangangailangan ng PCG para sa pagtupad sa mandato nito partikular sa pakikipaglaban sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Sa deliberasyon sa panukalang pondo ng Department of Transportation, lumitaw na dinagdagan ng Senado ng P1.3 billion ang pondo ng PCG. Kinumpirma naman ng sponsor ng panukalang pondo na si Senador Grace Poe na marami sa mga barko ng PCG ang hindi na…

Read More

PAGLILIPAT NG BATASAN PAMBANSA SA TAGUIG UMUSAD

kongreso12

UMUSAD na ang resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa paglilipat ng tanggapan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso malapit sa bagong gusali ng Senado sa Bonifacio Global City, Taguig. Sa sesyon kahapon ng hapon, pinagtibay ng Kamara ang House Resolution (HR) 1390 na nagsusulong sa pagbuo ng isang Ad Hoc committee na mag-aaral para sa konstruksyon ng bagong gusali na lilipatan ng Kapulungan. Itinalaga bilang chairman ng komite si Camarines Sur Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte habang sina House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Quezon Rep. David Suarez at…

Read More

PAGLAYA NI DE LIMA WELCOME SA FOREIGN ENVOYS

WINELCOME ng European Union (EU) at ni US ambassador Marykay Carlson ang paglaya ni dating Senador Leila de Lima matapos ang mahigit anim na taong pagkakabilanggo dahil sa kasong ilegal na droga. Sa kanyang X (dating Twitter) account, sinabi ni EU Ambassador Luc Veron na siya ay “Very pleased by the news of Leila de Lima’s release. A significant step for rule of law in the Philippines.” “A positive turn in the pursuit of justice! I hope that resolution of the remaining charges will be accelerated,” ayon pa kay Veron.…

Read More

BARONG-BARONG PINASOK NG ARMADO, 2 PATAY

DEAD on the spot ang isang 34-anyos na lalaki habang hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 9-anyos batang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa loob ng isang barong-barong sa Barangay 649, Baseco Compound Port Area, Manila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang target ng suspek na si Rusty Lipusan na agad namatay sa insidente habang idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang batang si alyas “Uyag”, kapwa residente ng nasabing lugar. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, bandang…

Read More

RORE mission magpapatuloy AFP HINDI MAGPAPASINDAK SA TAMBAK NA CHINESE VESSELS

ITO ang naging tugon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine kasunod ng ulat na pagdami ng mga barko ng China sa bahagi ng West Philippine Sea sa bisinidad ng Ayungin Shoal, kasunod ng pinakahuling Rotation and Resupply Mission ng Philippine Navy. Ayon kay AFP Spokesman, Col. Medel Aguilar, walang sinomang makapipigil sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa pagsasagawa ng Rotation and Resupply (RoRe) Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kasunod ng huling matagumpay na resupply Mission sa BRP Sierra Madre. Nilinaw ni Col. Aguilar, lehitimo ang…

Read More

BOC NAGSAGAWA NG NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

PARA tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC), nagsagawa ang ahensya ng kanilang quarterly National Simultaneous Earthquake Drill noong Nobyembre 8, 2023. Ang aktibidad na ito ay nakalinya sa inisyatiba ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC). Layunin nito na pahusayin ang paghahanda at kamalayan ng mga ahensya ng gobyerno at mga empleyado. Ang drill ay naging matagumpay sa pamamagitan ng aktibong partisipas­yon ng kalalakihan at kababaihan ng BOC. Ito ay pang-apat na drill na pinangasiwaan sa pamamagitan…

Read More

BOLIVIAN PASSENGER, HULI SA P47.7-M COCAINE

NAHULI ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang isang Bolivian traveler mula Addis Ababa, na duma­ting sa pamamagitan ng Ethio­pian Airlines Flight ET 644, na may dalang cocaine sa loob ng kanyang bagahe. Bunsod ng derogatory report mula sa foreign counterpart, ang passenger’s luggage ay naging pakay ng mahigpit na screening, kasama ang X-ray scanning at lubusang physical examination, na naging daan ng pagkakadiskubre sa 8.99 kilograms ng cocaine…

Read More

PAGBAHA NG SMUGGLED AGRI-PRODUCTS NAPIGILAN NG BOC-SUBIC

Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO DALAWANG linggo na lang bago sumapit ang buwan ng Kapaskuhan (Disyembre), muli na namang sinubukan ng smuggler ng agri-pro­ducts na magpasok ng kanilang mga produkto sa bansa, pero nabigo sila. Kamakailan, nakasabat ng misdeclared fresh agricultural products ang mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Subic (BOC-POS). Sa natanggap na ulat mula sa mapagkakatiwalaang impormasyon, ang Port of Subic ay nag-isyu ng walong Pre-Lodgement Control Orders at dalawang Alert Orders laban sa labing-limang 40-footer container van shipments na sinasabing naglalaman ng frozen…

Read More

PANGAKO NG NEPC: KURYENTENG RELIABLE AT UNINTERRUPTED SA NEGROS

LUMIWANAG ang pag-asa ng mga taga-Negros makaraan ang preliminary approval ng House Committee on Legislative Franchises sa House Bill 9310, na nagbibigay ng prangkisa sa Negros Electric and Power Corporation (NEPC). Sa pamamagitan ng NEPC, magiging maayos ang electric power distribution system sa key cities kabilang ang Bacolod, Silay, Talisay, at Bago, maging sa mga munisipalidad ng Murcia at Don Salvador Benedicto—pawang nasasakop ng probinsya ng Negros Occidental—at matitiyak ang tuloy-tuloy at walang patid na supply ng kuryente sa mga nabanggit na lugar. Sa ginanap na hearing na pinamunuan ni…

Read More