E-TRAVEL CUSTOMS SYSTEM INILUNSAD

INILUNSAD ng Bureau of Customs (BOC) ang magpapatibay sa national security at pag-streamline sa customs procedures sa pakikipagtulungan ng pangunahing stakeholders, ito ay ang ipinakilalang E-Travel Customs System noong Nobyembre 21, 2023. Ang makabagong sistemang ito na inilunsad sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, ay pinagsamang pagsisikap ng Bureau of Immigration (BI), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Ang pagsasama ng Electronic Customs Baggage Declaration Form (e-CBDF) at Electronic Currencies Declaration Form (e-CDF) sa BI’s eTravel System…

Read More

GIFT GIVING SA TARLAC

Binasahan ng maikling kwento ni Vice President Sara Duterte ang 120 kabataan at hinandugan ng regalo kasama sina Tarlac Heritage Foundation Founder Isabel Cojuangco at Dr. Isa Suntay sa Macara Compound, Zone 7, Sitio Molave, San Isidro, Tarlac City noong Sabado. Bahagi ito ng mga aktibidad para sa 16th Belenismo sa Tarlac Awards Night na dinaluhan din ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner. (DANNY BACOLOD) 343

Read More

UMAARAY PA RIN MGA PINOY SA MAHAL NA BIGAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO UMAARAY na ang mga Pinoy sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas. Masakit sa bulsa, nakababahala, at tiyak, ibayong pagtitipid sa pagkain ng kanin. Sa patuloy na pagsirit ng presyo, malamang hindi na masasabing kanin is life. Nababahala na nga ang publiko sa pagsirit ng presyo ng bigas at ibang paninda at kagamitan, eto may pakunswelo na naman ang Department of Agriculture (DA). Sigurado ba ang pagtiyak ng DA na magiging matatag ang supply, presyo ng bigas, at iba pang kalakal para sa holiday season?…

Read More

MAGING MAINGAT AT MAPANURI PARA MAIWASAN ANG MGA SCAM

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO TALAGANG mas pinadali ng digitalisasyon ang marami sa ating mga araw-araw na gawain kagaya ng pagbili ng mga kailangan natin at maging ang pagbabayad ng ating mga bill online. Pero dala na rin ng madalas nating paggamit ng online channels, hindi na rin natin masyado naiisip na mag-ingat sa mga transaksyong ginagawa natin. Napakahalagang paalalahanan ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay na maging mapanuri at palaging i-check ang mga transaksyon para makaiwas sa panloloko. Isa itong napapanahong paalala lalo ngayong Kapaskuhan dahil…

Read More

BILLS NI CONG. FIDEL NOGRALES AT PAAYUDA NG MAG-AMANG ROXAS SA MGA MAGSASAKA

TARGET KA ni REX CAYANONG SA ilalim ng pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez, patuloy ang pag-usbong ng mga makabuluhang panukalang batas na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Kasabay nito, nandiyan ang mahalagang papel ni Cong. Fidel Nograles sa komite at naglalayong itaguyod ang kapakanan ng mga manggagawa. Isang mahalagang hakbang ang isinusulong na pag-amyenda sa Presidential Decree No. 442, o mas kilala sa tawag na Labor Code of the Philippines, upang mapanatili ang pangangalaga at benepisyo para sa mga kapus-palad na manggagawa. Nariyan ang House Bill…

Read More

PAGPAPAPASOK SA ICC SA BANSA HINDI PAGSUKO NG SOBERANYA – SOLON

IGINIIT ni Albay Representative Edcel Lagman na ang pagtanggap sa International Criminal Court (ICC) para mag-imbestiga ay hindi pagsuko ng soberanya ng bansa. “If we believe in the rule of law, then we must let ICC come in,” wika ni Lagman. Ipinunto ni Lagman na ang pagpayag sa ICC na magsagawa ng imbestigasyon ay hindi magko-compromise sa ating national sovereignty bagkus ito ay pag-exercise sa ating soberanya. Naghain ng House Resolution 1482 si Representative Lagman, habang naghain naman ng House Resolution 1477 sina Representatives Bienvenido Abante at Ramon Gutierrez, parehong…

Read More

LAUREL DADAAN PA RIN SA BUTAS NG KARAYOM SA CA

TULAD ng ibang appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dadaan pa rin sa butas ng karayom sa Commission on Appointment (CA) si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Ito ang tila mensahe ni CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel matapos itakda ang unang pagdinig sa unang interim appointment ni Laurel sa December 5, 2023. “The 25-member CA is empowered by the Constitution to vet the competence, fitness and integrity of key presidential appointees, including Cabinet members, and to approve or disapprove…

Read More

LONG WEEKEND SINAMANTALA NI ROMUALDEZ PARA MAMAHAGI NG AYUDA SA ISABELA

SA halip na makasama ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pamilya nitong weekend, namahagi ito ng P500 milyong ayuda at mga programa sa mga taga-Isabela Province sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Dair (BPSF) ni Pangulong Marcos. Kasama ni Speaker Romualdez si Deputy Speaker Tonypet Albano na kinatawan ng Isabela at iba pang lokal na mga opisyal ng lalawigan. “Batid po namin na hindi madali sa inyo na humingi ng tulong sa pamahalaan sa Maynila, kaya kami na po ang nagpunta dito,” ani Speaker Romualdez sa mga tao. Bukod…

Read More

P200-B SOBRANG SINGIL NG MERALCO PINABABALIK NI CONG. FERNANDEZ

IPINABABALIK ni Santa Rosa City, District Representative Dan S. Fernandez sa Manila Electric Company (Meralco) ang P200 bilyon sa mga consumer ng ‘in cash’ at hindi sa pamamagitan ng off-setting sa bills base sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC). Sa isinagawang deliberasyon ng Committee on Legislative Franchises, inihayag ni Cong. Fernandez sa kanyang privilege speech ang sobrang pagkolekta ng Meralco sa 7.7 milyong consumer nito. Ayon kay Fernandez, walang karapatan ang ERC na magdesisyon kung ano ang kagustuhan ng consumers sa makokolekta nilang refund mula sa Meralco. “The people’s…

Read More