NUCLEAR ENERGY PARA SA KINABUKASAN

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MATAGAL nang usapin ang paggamit ng nuclear energy para matugunan ang patuloy na lumalaking pangangailangan ng suplay ng kuryente sa bansa. At kamakailan nga, naging matunog ang ilang mga development na may kinalaman sa posibleng adoption nito. Isa na rito ang pagpapatupad ng 123 agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na pinirmahan noong nakaraang taon. Inilalatag ng kasunduang ito ang legal na framework na makatutulong na mapabilis ang pagdating ng nuclear energy technologies sa bansa. Inaasahang makatutulong ang humigit-kumulang 40 kumpanya mula sa…

Read More

LABANAN ANG PAGNANAKAW NG METRO AT KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO TALAMAK pa rin ang paggamit ng mga illegal service connection sa kuryente kagaya ng mga jumper, at talagang lumalalang problema ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Bukod pa riyan, lumalalang problema rin ang pagnanakaw ng kable at metro ng kuryente. Pati sa online channels kagaya ng Facebook marketplace, ibinebenta na ang mga ito! Kamakailan nga ay pinaigting pa ng Meralco, ang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa, ang kampanya nito laban sa pagnanakaw ng mga metro ng kuryente. Aktibong nakikipagtulungan ang Meralco sa pulisya…

Read More

KAHIT SA PAGGAMIT NG SARANGGOLA, KAILANGAN PA RIN MAG-INGAT

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA panahon ngayon, sobrang madali na ang maghanap ng mapaglilibangan dahil sa dami ng pagpipilian. Kaya medyo nagulat ako nang malamang marami pa rin pala ang nagpapalipad ng saranggola kahit dito sa Metro Manila. Nakatutuwa rin kasi na sa kabila ng inobasyon at dami ng mga libangang dala ng technological advancements, nakapagbibigay pa rin ng kasiyahan ang ganitong mga simpleng bagay. Pero nakababahala rin na marami rin palang insidente kung saan ang pagpapalipad ng saranggola ay nagdudulot ng perwisyo o ng aksidente. Mayroon ngang kumalat…

Read More

UNAWAIN AT SURIIN BAGO MAGREKLAMO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAPAKADALI na para sa atin na magpahayag ng opinyon at hinaing sa social media at marami sa atin, ito na nga ang ginagamit na pangunahing plataporma para magpahayag ng saloobin. Kasabay ng digitalisasyon, naging tulay na ang social media para marinig ang ating mga boses tungkol sa iba’t ibang isyu—mula sa personal na karanasan hanggang sa malalaking pangyayari sa lipunan. Pero may mga pagkakataon na nagiging problema ang hindi pagkakaroon ng sapat na kaalaman bago tayo magreklamo o magbigay ng opinyon, at siyempre mahalaga na…

Read More

PAGRESPETO SA IBA’T IBANG PANANAW SA DIVORCE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA kabila ng pagiging isa sa mga bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo, nananatiling isa sa ilang natitirang mga bansa na walang batas sa diborsyo ang Pilipinas. Kaya ang usapin tungkol dito, lalo pang uminit matapos maipasa ang divorce bill sa Kongreso. Maraming sektor ng lipunan ang nagpahayag ng kani-kanilang posisyon kasama na ang mga kumokontra dito dahil sa pananaw na immoral ito at hindi ginagalang ang sakramento ng kasal. Nariyan din ang nagtutulak na gawin na lang libre ang annulment kaysa payagan ang…

Read More

PAGKATAPOS NG EL NIÑO, LA NIÑA NAMAN ANG DAPAT PAGHANDAAN

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGHAHANDA na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa maaaring maging epekto ng La Niña na inaasahang mararanasan sa paparating na mga buwan. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na humihina ang El Niño at posible itong magwakas sa susunod na buwan, samantalang may 60 porsyentong posibilidad naman na magsimula ang La Niña sa paparating na mga buwan. Sa ngayon, damang-dama pa ang init sa napakaraming bahagi ng bansa pero nitong nakaraang linggo ay naranasan naman sa maraming bahagi ng…

Read More

KONKRETONG HAKBANG PARA SA KALIKASAN

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAPAKAHALAGANG usapin sa buong mundo ang pangangalaga sa kalikasan at naging mas makabuluhan pa ito sa gitna ng kinahaharap nating El Niño. Pagkatapos nitong magtala ng record-breaking na init sa loob ng isang taon, nagpahayag ang mga eksperto kamakailan na patapos na ito pero dahil na nga sa naranasang matinding init, maaari pang lumala ang mga susunod na El Niño. Kaya nga kung hindi man natin mapipigilan ang climate pattern na ito, kaliwa’t kanan naman ang ginagawang mga aktibidad para kahit papaano, matugunan ang tumitinding…

Read More

POTENSYAL NA MAKATUTULONG SA PAGPAPALAGO NG TURISMO SA BANSA

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO BUHAY na buhay na naman ang turismo sa bansa. Nang matapos ang pandemya, talaga namang naging matunog ang “revenge travel” at napakarami ang namamasyal kung saan-saan. Bumalik na rin ang kaliwa’t kanang seat sales ng mga airline, at ang tour packages na inaalok ay hindi lamang sa mga dayuhan kundi para rin sa mga lokal na turista. Ayon sa Department of Tourism (DOT), umabot na sa higit sa dalawang milyon ang international arrivals mula Enero hanggang Abril ngayong taon. Nasa 94 na porsyento nito ay…

Read More

PASENSYA AT PAGTITIPID KAILANGAN TALAGA NGAYONG TAG-INIT

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA kasagsagan ng kasalukuyan nating nararanasang matinding init dahil sa panahon, sunud-sunod pa rin ang ibang suliranin na patuloy na kinahaharap ng napakaraming Pilipino. Sa kabila nang pagsuspinde ng klase ng ating mga mag-aaral dahil sa mapanganib na heat index sa iba’t ibang bahagi ng bansa, tila hindi naman nabawasan ang napakatinding trapik sa Metro Manila. Damang-dama ko ito noong nakaraang linggo dahil ang tipikal na byahe, halos nag-doble ang tagal. Kung nagmamaneho ka, ang dami mo na sanang nagawa kung wala ka sa likod…

Read More