NADISKUBRE ang tangkang pagpuslit ng kahon-kahong mga sigarilyo sa Davao City nang masangkot sa aksidente ang truck na pinagkargahan ng multi-milyong halaga ng smuggled cigarettes sa Brgy. Panacan, Davao City. Kasalukuyang pinaghahanap ng Davao City PNP ang driver ng nasabing 10 wheeler truck na may kargang puslit na mga sigarilyo matapos maaksidente at bumangga sa center island na ikinasira pa ng traffic lights bandang alas-9:30 ng gabi noong Miyerkoles. Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng DCPO, kasalukuyan nilang tinutunton ang may-ari ng dump truck na may kargang 30…
Read MoreDay: March 14, 2024
Flexible work arrangement isinulong KABABAIHAN BIGYAN NG TRABAHO – NOGRALES
ISINULONG ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles ang pagkakaroon ng ‘flexible work arrangement’ para sa mga babae na gustong magtrabaho habang nasa bahay. Ayon kay Nograles, maraming babae ang nais magtrabaho at kumita habang nasa bahay upang matulungan ang kanilang mga asawa sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. “Unpaid domestic and care work hinders women from fulfilling their potential and engaging in paid labor. Especially in a climate where it is increasingly becoming difficult for sole breadwinners to provide for their families, we must exert more effort so that women…
Read MoreLGU OFFICIAL, 1 PA ARESTADO SA P6.8-M SHABU BUY-BUST
ARESTADO ang isang umano’y local government official at kasamahan nito sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Don Alejandro Roces Ave. sa Quezon City noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa PDEA, nakumpiska sa mga suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon makaraang kumagat sa kanilang pain. Inihayag ni PDEA agent Grace Cruz, team leader ng PDEA RO-NCR RSET1, bago ang nasabing buy-bust operation, isinailalim nila sa halos dalawang buwang surveillance operation ang dalawang drug personalities na umano’y magpinsan…
Read MoreINVASION SCENARIO DRILL IKINASA NG ARMY
KASALUKUYANG nagsasagawa ng simulated invasion drill ang Philippine Army na nakapaloob sa kanilang “Combined Arms Training Exercises” (CATEX) Katihan. Ito ang pinakamalaking Combined Armed Training Exercise na ikinasa ng Philippine Army na sasalihan ng humigit kumulang sa 6,000 sundalo kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo. Ayon kay Philippine Army commander, Lt. Gen. Roy Galido, kinabibilangan ng large-scale formations na gagalaw mula Visayas at Mindanao patungo sa Luzon, ang nasabing malawakang pagsasanay ng mga sundalo. Paliwanag ni Gen. Galido sa isang pulong balitaan, sa pamamagitan nito ay sini-simulate ng Hukbong Katihan…
Read More