BUNSOD ng nararanasang El Niño phenomenon, hinikayat ni Rizal 4th District Cong. Fidel Nograles ang mga komunidad na magtanim ng mga puno sa buong bansa para makatulong na pagaanin ang malupit na epekto ng matinding init ng panahon. “Hinihikayat natin ang ating mga kababayan na patuloy na magtanim ng mga puno sa kanilang komunidad para maibsan ang epekto ng El Niño,” ani Cong. Nograles. “Tree planting is an excellent communal activity that has a positive effect, and I hope more local leaders will organize and engage in this activity so that…
Read MoreCategory: CONG. FIDEL NOGRALES
Pagkakaisa at bayanihan sa ika-152 taon ng Montalban FORWARD NATURE NILARGA NI NOGRALES
(JOEL O. AMONGO) PINANGUNAHAN ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang pagtitipon ng mahigit anim na libong residente ng Montalban noong Huwebes (Abril 27), ng alas-6 ng umaga. Inilunsad ng mambabatas ang programang Forward Nature: Unity Walk and Tree Planting for Montalban Day sa Wawa, Brgy. San Rafael, Montalban bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng nasabing bayan na bahagi ng lalawigan ng Rizal. Sa pagdagsa ng mga lumahok sa programa, nanawagan si Nograles ng lubos na pagkakaisa at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at…
Read MoreAnti-flood projects sa Montalban nirerepaso TAG-ULAN MAAGANG PAGHANDAAN – REP. NOGRALES
MULING nag-ikot si Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles at ininspeksyon ang sakop ng Upper Marikina River na malaking bahagi ng Montalban, na dinadaluyan at inaagusan ng iba’t ibang sangang-daanan ng tubig, munting ilog, maliit na sapa at batis para masolusyunan at hindi pagmulan ng pagbaha pagdating ng tag-ulan. Bukod dito, kabilang sa mga ininpeksyon ni Nograles ay ang Puray River, Pakiing River, Lukutang Malaki River, Lukutang Maliit River, Bautista Creek, at Manggahan River, pawang nasa bayan ng Montalban. Ang pag-apaw ng nabanggit na mga anyong tubig ang isa sa…
Read MorePASAKIT NA KALSADA SINOLUSYUNAN NI CONG. NOGRALES
(JOEL O. AMONGO) MAIIBSAN na ang kalbaryo ng mga motorista matapos makarating sa kaalaman ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang masamang lagay ng kalsada sa bahagi ng Litex-Payatas, Mayon Avenue at Tanag Road sa bayan ng Montalban. Agad nakipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) si Nograles upang masolusyunan ang mga baku-bakong bahagi ng nasabing lansangan na takaw-disgrasya sa mga motorista. Nais matukoy ni Nograles ang mga bahagi ng Litex-Payatas, Mayon at Tanag Road na may butas, sira, lubak, at tapyas. Inalam din niya kung saan…
Read MoreDAGDAG PONDO SA GIYERA VS. ONLINE ABUSE – REP. NOGRALES
SA hangarin na tuluyang mapuksa ang mga sindikato sa likod ng online sexual abuse and exploitation sa hanay ng mga kabataan, dagdag-pondo ang hirit ng isang mambabatas sa pamahalaan para matustusan ang implementasyon ng mga angkop na estratehiyang magbibigay proteksyon sa tinaguriang ‘millennials.’ Para kay Rizal 4th district Rep. Fidel Nograles, hindi dapat ipagwalang bahala ng pamahalaan ang banta sa kinabukasan ng mga tinawag niyang ‘pag-asa ng bayan’ – bagay na aniya’y matutugunan lamang kung may sapat na pondong paghuhugutan. “We have already come up with the law. Now we…
Read MoreCHILD LABOR PINATUTULDUKAN NI REP. NOGRALES
(JOEL O. AMONGO) SA gitna ng malawakang pang-aalipin sa hanay ng mga tinaguriang ‘pag-asa ng bayan, iminungkahi ng isang batang kongresista sa pamahalaan ang pagbalangkas at agarang implementasyon ng mga programang magbibigay proteksyon sa sektor ng kabataang biktima ng child labor. Ayon kay Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na tumatayong chairman ng House Committee on Labor and Employment, napapanahon nang manindigan at ipagtanggol ang mga kabataang aniya’y sinasamantala kung hindi man ganap na inaabuso sa pwersahang pinagtatrabaho. Paglalarawan pa niya, nakapanlulumo ang kinasadlakan ng mga batang napilitang maghanapbuhay sa…
Read MoreREP. NOGRALES NAKIWALIS KASAMA NG TUPAD BENEFICIARIES
(JOEL O. AMONGO) MAS maaliwalas ang kinabukasan kung malinis ang kapaligiran. Ito ang mga katagang binitawan ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles sa gitna ng programang linis-lansangan kasama ang mga benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced (TUPAD) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon kay Nograles, hindi tsapa ang pwesto sa pamahalaan para makaiwas sa mga gawaing ‘marumi at hindi bagay’ sa paningin ng ilang taong-gobyerno. Partikular na tinukoy ni Nograles ang paglilinis ng kapaligiran na aniya’y karaniwang ini-aasa lang sa mga kaminero,…
Read MoreFORWARD NEGOSYO NI CONG. NOGRALES MULING UMARANGKADA
BILANG katuparan sa pangakong binitawan sa mga residente sa kanayunan, muling umarangkada ang programang Forward Negosyo ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles. Sa pagpapatuloy ng programa ni Nograles, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), makakatanggap ng P10,000 ang nakatalang ikalawang bugso ng mga benepisyaryo bilang suporta sa pangarap na negosyo. “Hindi po ito ayuda,” paglilinaw ni Nograles. Aniya, ang nasabing halaga ay may kalakip na panuntunan – puhunan para sa maliit na kabuhayan ng mga maralitang mamamayan na apektado ng nakaraang pandemya sa bayang nasasakupan. “Suporta po ito…
Read MoreSa tulong ni Cong. Fidel Nograles 200 TAGA-MONTALBAN NAGTAPOS SA TECHNICAL COURSES NG TESDA
(JOEL O. AMONGO) PINANGUNAHAN ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang pagtatapos ng mahigit dalawandaang (200) residente ng Montalban sa iba’t ibang technical courses na ipinagkaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa seremonya na ginanap sa gymnasium ng nasabing bayan kamakalawa. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Ben-hur Baniqued, Provincial Director ng TESDA Rizal, aniya napakalaking tulong sa kanila ang tulad ni Cong. Nograles sa pamamagitan ng paglalaan nito ng pondo para mabigyan ng mga ganitong kasanayan ang mga residente ng Montalban. Anya, kung hindi dahil…
Read More