HINDI PINAGHANDAAN ANG EL NIÑO

DPA ni BERNARD TAGUINOD BUKONG-BUKO ang gobyerno na hindi talaga pinaghandaan ang El Niño phenomenon kaya nagdurusa ngayon ang taumbayan dahil dagdag pahirap sa kanila ang mataas na presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain dahil sa kakulangan ng supply, at ang delikadong init ng araw. Hindi naman biglang bumulaga na lamang ang El Niño na ito dahil ilang taon na itong ibinabala ng mga eksperto at nagrekomenda ng mga solusyon upang maibsan ang epekto nito lalo na sa agrikultura at supply ng pagkain. Kabilang sa mga rekomendasyon ng…

Read More

WORLD WAR III NALALAPIT NA NGA BA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO HUDYAT na kaya na magkakaroon ng World War III ang patuloy na pagdami ng mga bansa sa buong mundo na nagkakaroon ng giyera. Hindi pa man natatapos ang sigalot sa pagitan ng Hamas sa Gaza at Israel ay muli na namang napipinto ang giyera ng Israel laban sa Iran. Kamakailan ay pinaulanan ng mga raket ng Iran ang tinaguriang Holy Land na kung tawagin sa Biblia ay chosen people. Base sa ating natanggap na impormasyon, ang dahilan ng pambobomba ng Iran sa Israel ay ang…

Read More

ANG KAUGALIANG PINOY NA KINAGIGILIWAN NG IBANG LAHI

At Your Service Ni Ka Francis ANO nga ba ang Kaugaliang Pinoy na kadalasang ‘yan ang nagugustuhan sa atin ng ibang lahi? Ang kakaibang kaugalian ng mga Pilipino na kinagigiliwan ng ibang lahi sa buong mundo ay ang pagiging malinis, maalalahanin, mapagmahal sa kahit anong lahi, matiisin at mapagmahal sa pamilya. Isa sa mga bansang kumikilala sa kagandahang ugali ng mga Pilipino ay ang United Arab Emirates (UAE) partikular ang Dubai City na kung saan kadalasan ipinakikita sa pamamagitan ng ilaw ang Philippine Flag sa pinakamataas na gusaling Burj Khalifa.…

Read More

HAIR FOLLICLE DRUG TEST HAMON KAY PBBM NG ANTI-DRUGS ADVOCATE

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON kahapon ng isang nagpakilalang anti-drugs advocate group si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa hair follicle drug test upang matuldukan na ang mga akusasyon sa kanya. Sa liham ng grupong Laban ng Pamilyang Pilipino Inc. sa Malacañang, umapela ang mga ito kay Marcos Jr. na agad sumailalim sa nasabing pagsusuri ngayong lumalakas ang panawagan ng publiko hinggil dito. Ayon sa grupo, milyong Pilipino sa mundo ang nakaaalam ngayon ng umano’y paggamit ng droga ng Pangulo at ilan sa kanyang Gabinete base na rin sa…

Read More

Paalala ng opposition solon FL LIZA WALANG ‘K’ MAKIALAM SA GOBYERNO

HINDI dapat makialam si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pamamalakad ng kanyang mister na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Paalala ito ni House Deputy Minority Leader France Castro sa misis ni Marcos Jr., sa gitna ng bangayan nila ni Vice President Sara Duterte kung saan inamin ng Unang Ginang na ‘bad shot’ na sa kanya ang huli. “Habang nalalantad ang lumalalang alitan sa pagitan nina FL Liza Marcos at VP Duterte, repleksyon din ito ng lumalaking bangayan ng kanilang mga pamilya. Kailangan ding tandaan na hindi elected official si…

Read More

VP SARA DEDMA SA ‘DRAMA’ NI LIZA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SINAGOT na kahapon ni Vice President Sara Duterte ang mga pahayag ng maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Giit ni VP Sara, walang kinalaman sa kanyang mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan ang personal na damdamin ni First Lady Liza Marcos. Bilang tao aniya, karapatan ni Unang Ginang Marcos na makaramdam ng sama ng loob at galit. “Upang makausad tayo, iiwan na natin sa isang pribadong pag-uusap sa pagitan lamang namin ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ang mga susunod na hakbang. Mga kaigsuonan, nag-atubang ang atong…

Read More

PAGLAYA NG BABAENG PDLs PABIBILISIN NG SC

PURSIGIDO ang Korte Suprema na bumuo ng procedure sa paghawak ng kaso ng Persons Deprived of Liberty (DPLs) na nakapiit sa Correctional Institution for Women (CIW). Ito ay matapos magtungo si Supreme Court Justice Ma. Filomena Singh sa CIW sa Mandaluyong City noong April 18 upang alamin ang kondisyon at mga paraan sa paghawak ng kaso ng women in conflict with the law. Sinabi ni Singh, co-chairperson ng committee on Gender Responsiveness in the Judiciary, makatutulong para sa pagbuo ng procedure ang pagkalap ng mga impormasyon ng technical working group.…

Read More

CROPPING CALENDAR NG MGA MAGSASAKA BALAK BAGUHIN NG NIA

NAGSASAGAWA ng pag-aaral ang National Irrigation Administration (NIA) na baguhin ang cropping calendar sa bansa para mabawasan ang pressure sa mga dam lalo na sa panahon ng El Niño. Layunin din nito na mapangalagaan ang imbak na tubig sa malalaking dam sa Luzon tulad ng Pantabangan Dam na pangunahing source ng patubig sa panahon ng taniman. Ayon kay NIA Administrator Engr. Eduardo Guillen, irerekomenda nilang simulan ang pagtatanim sa Oktubre, sa halip na sa Disyembre, para sumakto ang anihan pagdating ng Pebrero. Paliwanag ni Engr. Guillen, sa pamamagitan ng nasabing…

Read More

500 PASAWAY NA PULIS SA NCR, SINIBAK

UMABOT sa kabuuang 500 pulis mula sa Philippine National Police-National Capital Region Office, ang sinibak sa kanilang pwesto kabilang ang isang police colonel, simula nang maupo si PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., bilang hepe ng PNP-NCRPO. Ayon kay MGen Nartatez, ang decommissioning ng mga pulis ay patuloy na ginagawa sa NCRPO. Inihayag ito ni Nartatez sa monthly forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View restaurant. Sinabi pa ni Nartatez, ang pagpaparusa sa pasaway na mga pulis ay mula demotion, dismissal hanggang sa pagbawi ng mga benepisyo.…

Read More