FL LIZA LALONG NABAON SA ‘DAMAGE CONTROL’

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA halip makabuti, tila nakasama pa ang inilabas na pahayag ni First Lady Liza Araneta Marcos matapos ang kontrobersyal na ‘pag-agaw’ niya sa wine glass ni Senate President Chiz Escudero dahil lalo itong pinag-usapan partikular sa social media. Sagot ng netizens, “very poorly-written script” ang inilabas na depensa ng Unang Ginang. Maliwanag anilang damage control lalo pa’t lumabas ding kahiya-hiya si Pangulong Marcos sa pangyayari. Viral ang video na nakahagip sa nasabing pangyayari sa Vin D’Honneur sa Palasyo ng Malakanyang noong Miyerkoles. Paliwanag ng maybahay ni…

Read More

PH KABILANG SA 90 BANSA NA DUMALO SA PEACE SUMMIT

KABILANG si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. sa may 90 kinatawan ng iba’t ibang bansa na lumahok sa Ukraine peace summit na ginanap sa Buergenstock, Switzerland. Nagtipun-tipon ang mga pinuno ng iba’t ibang bansa upang magkaroon ng consensus hinggil sa peace proposal ng Ukraine. Magugunitang hinirang mismo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. si OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. na kanyang kahalili para siyang kumatawan sa Pilipinas sa isinagawang peace summit. Nabatid na hindi dumalo sa nasabing event ang China na kilalang all out…

Read More

PANGGIGIPIT NG CHINA KINONDENA NG G7 NATIONS

MATINDING mensahe ang ipinarating ng Group of Seven (G7) nations sa China hinggil sa kanilang lubhang pagkabahala at mariing pagtutol sa anomang unilateral attempt na baguhin ang status quo sa East at South China Seas sa pamamagitan ng puwersa. Ayon ito kay National Security Adviser Eduardo Año, na ikinagalak ang inilabas na pahayag ng mga bansang kasapi ng tinaguriang G7 sa kanilang pulong sa Apulia, Italy. “We appreciate the G7’s explicit condemnation of the increasing use of dangerous maneuvers and water cannons against Philippine vessels. This acknowledgment underscores the international…

Read More

KASO VS MAYOR GUO IKINAKASA NG DOJ

SASAMPAHAN ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pang personalidad na may kaugnayan sa ni-raid na Zun Yuan Technology Inc. noong nakalipas na Marso. Sa matibay na ebidensya na nagpapatunay sa kanyang direktang koneksyon sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hub sa Tarlac, posible umanong madiin sa kasong kriminal ang mayora. Isasampa laban sa nasuspindeng alkalde ang kasong human trafficking at iba pang illegal activities sa darating na Biyernes, June 21 sa tanggapan…

Read More

MULING PAG-ARESTO KAY TEVES, ‘FAKE NEWS’

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) AGAD nilinaw ng kampo ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves na walang katotohanan ang unang iniulat na muli itong inaresto matapos palayain ng korte sa Timor Leste. Masasabing ‘fake news’ ang nasabing ulat matapos linawin ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na inilagay sa court custody ang dating mambabatas upang matiyak ang kanyang pagdalo sa extradition hearings. Nitong Biyernes umano ang huling extradition hearing ni Teves na dumalo sa korte kasama ang kanyang East Timorese legal team na kinabibilangan nina Dr. Jose…

Read More

POGO ISLAND SA CAVITE NEXT TARGET NG PAOCC

MAHIGPIT na sinusubaybayan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mahigit 50 Philippine Offshore Gaming Operations site sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kabilang na ang Multinational Village sa Parañaque at dating Island Cove Resort sa Cavite. Naging sentro kasi ng reklamo ang POGO island sa Cavite at ang Multinational Village mula sa kalapit na komunidad at residente ng barangay dahil ang mga lugar ay pinamumugaran na umano ng Chinese nationals, mga pinaghihinalaang ‘sleeper agents’ ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina. “Nasa 58 na iba’t ibang klase ng online…

Read More

2 TIMBOG SA BOOKIES

ARESTADO sa mga tauhan ng Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District, ang dalawang indibidwal sa kasong operasyon ng bookies sa San Agustin Street, Barangay 540, Sampaloc, Manila noong Biyernes gabi. Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Jaydee”, dalaga ng Navotas City, at “John Louie”, 37, tricycle driver, ng Quezon City. Ang isa sa mga suspek ay staff ng bookies habang ang isa ay mananaya. Nakumpiska mula sa mga ito ang P400 halaga ng taya, isang Dividendazo “Programa”, betting list, ballpen, at isang bundle ng blank betting tickets.…

Read More

WANTED SA RECKLESS IMPRUDENCE NABITAG

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “John-John”, residente ng Navotas City. Ayon sa ulat ng Warrant and Intelligence Section ng Manila Police District, bandang alas-5:40 ng hapon nang madakip ang suspek sa nabanggit na lugar. Natunton ang kinaroroonan ng suspek ayon sa tip ng isang mapagkakatiwalaang impormante. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Sharwin Peter Polayan, ng Regional Trial Court ng…

Read More

HVI ARESTADO SA P187K SHABU

CAVITE – Tinatayang P200,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong indibidwal na kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Silang noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-7:15 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Silang Municipal Police Station, sa Brgy. Biga 1, Silang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Jayson”. Nakumpiska sa suspek ang apat na sachet ng umano’y shabu na tinatayang 27.60 gramo ang…

Read More