NASA kustodiya na ng Indonesian authorities ang kapatid ni Alice Guo at opisyal ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga na si Katherine Cassandra Ong. Kinumpirma ito ni Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez sa ikalawang araw ng Quad Committee sa ugnayan ng Pogo, Illegal drug trade at Extra-Judicial Killings (EJK) kahapon. “Considering the communication that was sent to us as well that Cassandra Li Ong was already in the custody of the Bureau of Immigration of Indonesia. And as a matter of fact, our police attaché and…
Read MoreDay: August 22, 2024
TUMABLA KAY VP SARA SA DSWD IIMBESTIGAHAN
IIMBESTIGAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para alamin kung sino ang tumabla kay Vice President Sara Duterte nang humingi ito ng ayuda para sa mga taong lumapit sa kanyang tanggapan. Ito ang nabatid kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa ambush interview sa Kamara matapos dumalo sa budget hearing na kanyang pinamumunuang ahensya. “I will get in touch with her office para makuha lahat ng detalye para maimbestigahan natin ng mabuti,” ani Gatchalian. Nauna rito, sinabi ni Duterte na napupulitika umano ang ayuda kaya isinama nito sa kanyang…
Read MorePINOY BINUBUSABOS NI MARCOS JR.
(BERNARD TAGUINOD) BUSABOS ang tingin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa manggagawang Pilipino. Reaksyon ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos aminin ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa budget hearing sa Kamara na ginagamit nila ang kontrobersyal na poverty threshold bilang batayan sa pagtatakda ng sahod sa bansa. “Ginagawa nilang busabos ang mga manggagawa. It is unacceptable that we base wages on this unrealistic data,” ani Brosas. Base sa pinakahuling poverty threshold, P13,873 lamang kada buwan ang kailangan ng isang pamilyang may 5 miyembro…
Read MoreP7.2 TRILYON INUTANG NG DU30 ADMIN SISILIPIN
IMINUNGKAHI ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan ang P7.2 trillion na inutang ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng anim na taon. Ayon kay Deputy Majority Leader Janette Garin, karapatan ng taumbayan na malaman kung saan ginamit ang inutang ng nakaraang administrasyon at kung talagang nakinabang dito ang sambayanang Pilipino. “Government loans are very serious matter. Why? Sinangla mo kasi yung future ng iyong mga anak at mga apo and sometimes it’s even more than that. So why is it important to talk…
Read MorePAGBANGGA NG TSINA SA PH VESSEL KINONDENA NG US
KINONDENA ng US National Security Advisor ang “sinadyang pagbangga’ ng People’s Republic of China sa dalawang Philippine Coast Guard vessels na nago-operate ng naaayon sa batas malapit sa Sabina Shoal sa exclusive economic zone ng Pilipinas nitong Agosto 19. Sa isang kalatas, sinabi ni NSA Jake Sullivan na kinausap na niya si Philippine National Security Adviser Eduardo Año para talakayin ang kamakailan lamang na anunsyo na $500 million na U.S. military aid, na makatutulong para gawing modernisado ang Philippine Armed Forces at Coast Guard. “Mr. Sullivan reiterated the ironclad U.S.…
Read MoreHAKBANG LABAN SA MPOX PINATITIYAK SA MGA PAARALAN
PINATITIYAK ni Senador Win Gatchalian sa mga paaralan na magpapatupad ng mga hakbang upang itaguyod ang kalusugan at kaligtasan ng mga guro at mag-aaral laban sa mpox. Ito ay kasunod ng ulat ng Department of Health (DOH) na may 33-anyos na tinamaan ng mpox na walang travel history sa labas ng bansa. Bagama’t mababa ang panganib na mahawa ang mga bata sa mpox ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos, binigyang diin ni Gatchalian na dapat magpalaganap ang mga paaralan ng kaalaman at magsulong ng…
Read MoreKinastigo sa Senado BREATHALYZERS NG LTO MAHAL PERO DEPEKTIBO
LABIS na ikinairita ni Senador Raffy Tulfo ang procurement ng Land Transportation Office ng anya’y mamahalin subalit depektibong breathalyzers na gamit sa pagtukoy ng level ng alcohol na nainom ng isang driver. Sa pagdinig sa Senado, lumitaw na bumili ang LTO ng 756 na unit ng breathalyzers sa presyong P68,000 bawat isa o kabuuang halaga na P51.4 million. Hinati-hati ito ng LTO kung saan ang 215 ay ibinigay sa Metropolitan Manila Development Authority, 50 sa Pambansang Pulisya at ang iba ay dinistribute sa LTO Regional Offices. Para kay Tulfo, mataas…
Read MoreMadaling sumulat ng maikling kwento KRITIKO SINUPALPAL NI VP INDAY
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) AGAD naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte matapos mag-viral ang kanyang librong “Isang Kaibigan” na sinasabing kinopya umano mula sa isang English book. Katwiran ni Duterte, hindi niya kailangan mangopya dahil madaling sumulat ng maikling kwento lalo pa kung base sa sariling karanasan. “Napakadaling sumulat ng maikling kwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa. Ang proyekto ay para mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kwento,” ayon sa pahayag ng bise presidente. Tinawag din niyang…
Read MoreRESORT OWNER PATAY SA PAMAMARIL NG KARIBAL SA NEGOSYO
QUEZON – Patay ang isang resort owner matapos na barilin ng may-ari ng katabing beach resort sa Barangay Bignay 1, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ng Sariaya Police ang biktimang si Teodoro Abdon, 64-anyos, idineklarang dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa report, hinintay ng suspek na kinilalang si Jerry Caponpon at apat pa nitong kasama, ang pagdating ng biktima sa kanyang resort dakong alas-11:00 ng umaga, Nang akmang papasok na ito sa…
Read More