INANUNSYO ng state workers’ pension fund Government Service Insurance System (GSIS) na magbibigay ito ng emergency loans sa mga miyembro at pensioners nito sa mga lugar na apektado ng Bagyong Enteng. Sa isang kalatas sinabi ng GSIS na ang emergency loan para sa Enteng-hit members at pensioners ay kagyat na sisimulan sa mga lugar na deklaradong nasa ilalim ng state of calamity kasunod ng kamakailan lamang na weather disturbance. Sinabi pa rin ng GSIS na ang emergency loan para sa Enteng-affected members at pensioners ay ikakasa sa nagpapatuloy na emergency…
Read MoreDay: September 4, 2024
DRUG MONEY PUHUNAN SA POGO
LUMILINAW na sa imbestigasyon ng Quad Committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mula sa kita sa illegal drugs sa bansa ang ginamit sa pagpapatayo ng mga Chinese national ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Isiniwalat ito ni House committee on public order and safety chairman Rep. Dan Fernandez sa ikaapat na pagdinig ng Quad Comm sa pagkakaugnay ng illegal drug trades, POGO at Extrajudicial killings (EJK). “In the course of our inquiry, I believe that one thing will eventually be made clear: that drug money is the source of…
Read MoreCHILD HAUS @ 22
IPINAGDIWANG ng The Center for Health Improvement and Life Development (CHILD) Haus ang ika-22 nitong anibersaryo kamakailan sa main building nito sa Maynila. Pangunahing nakiisa sa selebrasyon ang CHILD Haus founder na si ‘Mader’ Ricky Reyes at SM Prime Holdings Inc. Executive Committee Chairman Hans Sy. Naroon rin ang mga benepisyaryo ng naturang foundation. 26
Read More2 HOLDAPER NASABAT SA OPLAN SITA
HINIHINALANG mga holdaper ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na nakumpiskahan ng baril ng mga operatiba ng Tactical Motorized Rider Unit (TMRU) ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, nang sitahin ng mga awtoridad sa isinagawang Oplan Sita sa panulukan ng Tomas Mapua at Ongpin streets nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ang dalawang inaresto na nagpakilalang isang cellphone technician at delivery rider, ay may gulang na 26 at 27-anyos, nakatira sa Sampaloc at Tondo, Manila. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-3:25 ng madaling araw nang…
Read MoreDEATH TOLL SA TS ENTENG: 15
UMAKYAT na sa 15 ang bilang ng mga nasawi sanhi ng tropical storm Enteng, habang may 21 ang iniulat na nawawala, ayon sa nakalap na ulat ng Office of Civil Defense (OCD). Sa situation briefing sa NDRRMC, inihayag ni OCD Operations Service Director Cesar Idio, kabilang sa mga reported death ang walong naitala sa Rizal; dalawa sa Cebu City; dalawa sa Northern Samar; dalawa rin sa Naga City; at isa sa Negros Occidental. Karamihan sa mga nasawi ay bunsod ng pagkalunod at landslides. Samantala, dalawa ang iniulat na nawawala sa…
Read MoreQUEZON PROVINCE NIYANIG NG MAGNITUDE 5.6 EARTHQUAKE
MATAPOS ang nararanasang mga pag-ulan at pagbaha, niyanig naman ng magnitude 5.6 na lindol ang island municipality sa Northern Quezon dakong alas-7:16 nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natagpuan ang epicenter ng lindol, may 37 kilometro sa silangan ng Jomalig, Quezon na naitala bandang 7:16 ng umaga. Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 10 kilometro. Samantala, walang inaasahang pinsala subalit nagbabala ang Phivolcs sa mararanasang aftershocks matapos ang lindol na naramdaman hanggang Quezon City. Nabatid na sinundan…
Read MoreMARIAN EXHIBIT SA BULACAN
BINIBIGYANG pagkakataon ang mga deboto na makita ang iba’t ibang Marian life-size na imahe ni Mama Mary sa SM Center Pulilan sa pagdiriwang ng Nativity of the the Blessed Virgin Mary na tatagal mula Setyembre 1 hanggang 8. (LARAWAN NI ELOISA SILVERIO) TAMPOK ang mga higanteng imahe ni Mama Mary sa Marian exhibit sa Bulacan para sa nalalapit na Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ang “Hermandad de la Ascension del Señor ng Parokya ng Pag-akyat sa Langit ni Hesukristo” na masisilayan sa SM Center Pulilan sa Bulacan.…
Read MoreANYARE SA ONE BILLION TREES?
DPA ni BERNARD TAGUINOD KAPAG bumabaha at nagkaka-landslide na nagiging dahilan ng kamatayan ng mga tao at pagkasira ng mga ari-arian at kabuhayan, pumapasok sa isip ko ang one billion trees program na sinimulan noon pang panahon ni dating House Speaker Jose De Venecia Jr. Mahigit dalawang dekada na ang nakararaan mula nang ilunsad ang inisyatibang ito kung saan isang bilyong seedlings ng iba’t ibang uri ng mga puno ang itatanim sa buong bansa para ipanlaban sa baha at nakapapasong sikat ng araw. Kung naitanim lang ang mga punong ito,…
Read MoreANTI-DRUG CAMPAIGN NAKATUTOK SA MAS MALILIIT NA TARGET?
PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG pagbabasehan ang isinasagawang imbestigasyon, lumalabas ang pagiging malapit ni Michael Yang sa dating Duterte administration. Lumalabas din na mas nabigyan ng pansin ang mas maliliit na target, kung ikukumpara sa majors players na tulad ni Yang, na naging taliwas sa layunin at integridad ng anti-drug campaign ng dating administrasyon. Kung totoo ang alegasyon, ang relasyon ni Duterte kay Yang ay maaaring kumatawan sa isang kaso ng state-sponsored criminality na kung saan ginamit ang kagamitan ng pamahalaan sa pagprotekta at paganahin ang mga kriminal na…
Read More