WAR ON CORRUPTION ISUSULONG NI FORMER ES RODRIGUEZ SA SENADO

(JOCELYN DOMENDEN) SA gitna ng malaking hamon sa pamamayagpag ng korupsyon sa pamahalaan, handa ang dating executive secretary ng Marcos administration na si Atty. Vic Rodriguez na pangunahan ang pagsusulong ng giyera laban dito sa Senado. Si Rodriguez ay lumahok sa halalan bilang independent candidate at nais pamumunuan ang tunay na oposisyon. Nakuha niya ang endorsement ni dating pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi sa ilalim ng PDP-Laban. Naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador si Rodriguez sa Manila Hotel Tent City nitong Martes. Isa sa dahilan ng paglahok niya…

Read More

BITAY SA GOV’T OFFICIAL NA MAGNANAKAW NG P100-M

NAIS ng isang grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mabitay ang mga government official na magnanakaw ng hanggang P100 million sa kaban ng bayan. Ayon kay Cibac party-list Rep. Eddie Villanueva, panahon na para bitayin ang mga corrupt official dahil ang mga ito umano ang hadlang sa pag-unlad ng bansa at nagpapalugmok sa sambayanang Pilipino sa kahirapan. “Biblically, ang death penalty ay approved ng Dios sa heinous crime kaya naisip namin sobra ang corruption kahit anong gawin natin kaya ang unang batas na isa-submit namin ay death penalty para…

Read More

MADALAS NA PATROLYA SA WPS HIMOK SA PCG, PH NAVY

HINIMOK ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy na dalasan pa ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea. Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy at ang seguridad sa ating teritoryo. Sinabi ni Estrada na kung dati ay mga mangingisda at PCG ang madalas na pinatitikim ng water cannon at pambu-bully ng China Coast Guard, ngayon maging ang maritime scientists na mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay nakararanas na rin at paulit-ulit nang nalalagay sa panganib. Idinagdag ng…

Read More

BATAAN NUKE PLANT REVIVAL STUDY POPONDOHAN NG KOREA

POPONDOHAN ng South Korea ang feasibility study kung maaaring buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant, ayon sa Department of Energy (DoE). Sa isang kalatas, sinabi ng DOE na ang pag-aaral ay mayroong dalawang phase: ang una ay susuri sa kasalukuyang kondisyon ng BNPP at bahagi nito habang ang pangalawang phase ay magsasabi kung ang planta ay maaari pang ayusin at baguhin. Kung makikita kaagad sa first phase na hindi advisable na magpatuloy pa sa susunod na phase, maaaring magrekomenda ang Korea Hydro and Nuclear Power Co. (KHNP) ng alternatibo, kabilang…

Read More

PRESIDENCY NAGAMIT NI PBBM PARA TAKASAN PANANAGUTAN NG PAMILYA

NALANTAD na ang talagang misyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagtakbo nito noong 2022 presidential election, hindi para magsilbi sa Pilipino kundi para takasan ang pananagutan ng kanilang pamilya lalo na sa nakaw nilang yaman. Ito ang malinaw ngayon sa Kabataan party-list na kinakatawan ni Rep. Raoul Manuel sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos ibasura ng Sandiganbayan ang P276 million ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos. “Si Marcos Jr. ang modelo ng paggamit sa halalan at sa posisyon para takasan ang pananagutan sa mga krimen ng kanyang dinastiya sa…

Read More

REMULLA SA DOJ AT DILG IKINABAHALA

BAGAMAN hindi isyu para kay bagong Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kung maging bahagi man sila ng gabinete ng Kapatid na si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, iba naman ang pananaw ng publiko. Sa social media, marami ang nagpahayag ng pagkadisgusto, pagkabahala at pagkainis sa malinaw anilang pagpabor ng administrasyong Marcos sa mga Remulla. May mga nagdududang bayad-utang ang appointment ni Jonvic lalo pa’t humamig ng malaking boto si Pangulong Bongbong Marcos noong 2022 elections sa balwarte ng mga ito sa…

Read More

MAYOR, KONGRESISTA NAGSURENDER NG BARIL

ISINUKO ng dalawang mataas na local official sa Imus City, Cavite ang kanilang service firearm bilang pagtalima sa kautusan ng Philippine National Police (PNP) at pagpapakita ng halimbawa sa kanilang mga kababayan. Ipinadeposito nina Imus City Incumbent Mayor Alex Advincula at Representative Adrian Rey Advincula ang kanilang baril sa Imus Component City Police Station alinsunod sa programa na PRO4 IMPLAN F.E.E.L S.A.F.E of Firearms and Explosive from Candidate /Supporter/Kins Juridical for Safekeeping and or Disposal, And Effort Leading to a Secure, Accurate and Fair Election in CALABARZON Region. Ito ay…

Read More

BAGATSING-OCAMPO NAGKAISA PARA SA BAGONG PILIPINAS

PORMAL na naghain ng kanilang kandidatura ang mga kinatawan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP)-Manila sa Commission on Elections filing site sa SM Manila nitong Okt. 8. Pinangunahan ni Ramon San Diego Bagatsing III at kanyang running mate na si Pablo Dario Gerosin Ocampo na tatakbo bilang bise-alkalde. Sa ilalim ng makasaysayang pamana ng paglilingkod ng mga Bagatsing at Ocampo na nagkakaisa para sa Bagong Pilipinas, nanatiling buo ang kanilang dedikasyon na ipagpatuloy ang kanilang malinis na pangalan sa pamamahala sa kabila ng hamon ng panahon. Kilala ang mga Bagatsing…

Read More

KWATRO KANTOS, MAINIT NA TALAKAYAN SA BNC

KWATRO Kantos ay isang walang takot na talk show na tumututok sa iba’t ibang usapin mula sa komplikadong isyung pulitikal, iba pang paksa na kinabibilangan ng mga social issue. Bawat episode nito ay nagpapakita ng malalimang diskusyon at eskpertong pag-analisa sa mga usapin na inaasahang magbibigay sa mga manonood ng mas malalim na pang-unawa sa bawat isyu sa loob ng bansa. Ang live telecast na ito ay umeere tuwing Sabado, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at mapapanood naman ang replay tuwing weekday. Tumatayong host dito ang apat na…

Read More