UPANG masawata ang mga pagtatangkang puwersahang pamamasko o harassment, mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pag-iinspeksyon ng business establishments sa lungsod ngayong holiday season. Ito ay napag-alaman kay City Administrator Bernie Ang, matapos na mag-isyu ng memorandum sa mga sangay ng pamahalaang-lokal na may kinalaman sa pagsasagawa ng mga inspeksyon. Sabi pa ni Ang, ang pagbabawal sa lahat ng uri ng inspeksyon ay epektibo kaagad at sumasakop sa lahat ng uri ng establisimyento kasama na ang shopping malls kung saan maraming stalls, gaya ng 168 at 999…
Read MoreDay: November 28, 2024
REMULLA WALANG MALUBHANG SAKIT – DOJ
WALANG anomang malalang sakit si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Ito ang nilinaw ni DOJ Undersecretary Jesse Andres sa gitna ng mga kumalat na balitang nasa Intensive Care Unit (ICU) ito ng isang ospital. Ayon kay Andres, malabong may malubhang sakit ang kalihim dahil dumadalo pa ito sa mga miting ng ehekutibo at hudikatura. Inilalaan lamang niya ang kanyang oras sa mahahalagang bagay para hindi masayang. Matatandaang noong nakalipas na taon sumailalim si Sec. Remulla sa wellness leave matapos ang kanyang heart bypass operation. Kasabay ng kanyang pag-amin nitong Pebrero…
Read MoreSEN GO, ITINANGGI KAIBIGAN NIYA DRUG SUSPECT NA SI ALLAN LIN
INALMAHAN ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kaibigan niya ang drug suspect na si Allan Lin. Binigyang-diin ni Go na matindi ang galit nila sa droga at lalo na sa mga drug lord kaya napaka imposibleng maging kaibigan niya si Lin. Una rito, tinukoy ni PDEA Deputy Director for Operations Assistant Secretary Renato Gumban sa pagdinig ng Kamara si Go bilang isa sa mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may kaugnayan kay Alan Lin o Lin Weixiong. Iginiit pa ng…
Read MoreSCAMMERS NAGLIPANA NA NAMAN NGAYONG PAPALAPIT NA PASKO!
RAPIDO NI TULFO DOUBLE time na naman sa pagtatrabaho ang mga scammer ngayong papalapit na ang Pasko. Kamakailan ay nagkaproblema ang digital app na Gcash kung saan maraming kliyente nito ang nawalan ng kanilang iniingatang pera, online. Hindi naman nagpaliwanag ang Gcash sa nangyaring ito at puro pangako na mag-iimbestiga sila. Ang tanong may mga naibalik na bang pera sa mga nawalan? Budol din ang style ngayon ng karamihan ng mga online shopping app. Madalas ay ibang produkto ang ipinadadala ng mga ito sa kanilang customer. Hangga’t maaari kung bibili…
Read MorePAGKAKAISA ANG KAILANGAN
TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG SA gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, muling nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa pagkakaisa at responsableng pamumuno. Isang makahulugang paalala mula kay Antipolo Bishop Ruperto Santos ang panawagan sa ating mga lider na isantabi ang kani-kanilang pagkakaiba upang magtulungan para sa kapakanan at kaunlaran ng buong bansa. Hindi maikakaila ang epekto ng alitan sa pagitan ng dalawang pinakamataas na mga opisyal ng bansa. Ang mga pahayag ni VP…
Read MoreASK, SEEK AND KNOCK
HOPE ni Guiller Valencia 11/27/24 ITULOY natin ang ating topic about prayer, ngayon ay tungkol naman sa paghingi (ask). “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangagkasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan: Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.” (Mateo 7:7-8) Likas na sa mga makasalanang espiritwal na estado ang madaling sumuko. Ang sawikain ay, “Kung sa una mong pagtatangka ay hindi nagtagumpay, huwag kailanman subukang muli.” Ang ating mga talata para sa ngayon, na ituro ang kabaligtaran na…
Read MoreFREE TRIP TO JAPAN AT GERMANY SA KAPALPAKAN NI KUME?
BISTADOR ni RUDY SIM MATAPOS nating ibunyag nang buo at walang bahid na pagkukunwari sa madla ang ginawang pagtatago ng Bureau of Immigration tungkol sa isyu ng 41 foreigners na nasakote ng Philippine Anti-Organized Crime and Corruption (PAOCC) sa isang POGO hub sa bayan ng Bagac, Bataan, ay agad na nagbigay ng kanyang praise release si BI Commissioner Joel Anthony Viado sa legalidad ng kanyang desisyon na ipa-under recognizance sa kanilang legal counsel na si Atty. Dela Cruz at ni Bataan Representative Albert Garcia, ang 41 dayuhan na sangkot sa insidente.…
Read MorePhilTower and PNP Unite for Safer and More Connected Communities
QUEZON CITY, November 22, 2024 – A milestone partnership between the Philippine National Police (PNP) and PhilTower Consortium Inc. was formalized through the signing of a Memorandum of Understanding (MOU) at Camp Crame. This collaboration aims to enhance public safety and expand telecommunications infrastructure across the Philippines within PNP-owned properties, setting a new standard for community-centered safe and secure digital connectivity. Signing the MOU were (from left) PhilTower and MIDC Chief Government Relations & External Affairs Officer Kalvin Parpan, PhilTower and MIDC President and CEO Devid H. Gubiani, PNP Director…
Read MoreKILOS-PROTESTA PAPUPUTUKIN SA BONIFACIO DAY
ISANG malaking kilos-protesta ang ikinakasa ng mga militanteng hanay manggagawa sa darating na Bonifacio Day sa Nobyembre 30, 2024. Inihayag ng Kilusang Mayo Uno at All Workers Unity na pinaghahandaan nila ang papuputuking malawakang kilos-protesta sa darating na Bonifacio Day sa Maynila para sa agarang kaginhawaan at PBBM’s accountability. Sa ginanap na pulong balitaan sa Kamuning Bakery Café, inihayag ng hanay manggagawa ang kanilang panawagan, “Ipaglaban ang ginhawa ng mamamayan! Panagutin ang abusado at kawatan!” Ilulunsad ang nasabing pagkilos sa gitna ng umiinit na political crisis sa bansa bunsod ng…
Read More