MERALCO PINAIGTING ANG WIRE CLEARING OPERATIONS BILANG PAGHAHANDA SA TRASLACION

Pinaigting ng Manila Electric Company (Meralco) ang wire clearing operations nito sa Quiapo, Maynila bilang paghahanda sa Pista ng Jesus Nazareno sa ika-9 ng Enero 2025 kung kailan inaasahang dadagsa ang milyun-milyong deboto. Nakipagtulungan ang Meralco engineers at linecrew sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila para masigurong ligtas at iwas-sabit ang mga daraanan ng andas na sakay ang imahe ng Jesus Nazareno. Itinaas ang mga nakalalaylay na kable at sinuri na rin ang mga poste sa kalsada ng Conception Aguila upang maiwasan ang mga aksidente habang idinaraos ang…

Read More

‘BUKBOK RICE’ NG MGA QUIMBO BINATIKOS NG MARIKENYO

TINAWAG ng mga taga-Marikina na “bukbok na pamamahala” ang “Bagong Marikina” team ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo matapos itong mamigay ng bigas na puno ng bukbok kamakailan. Sa kuwento ng isang Reddit user, nakatanggap ang kanyang nanay ng stub para sa ayudang ipinamimigay ng “Bagong Marikina” team noong ikaapat ng Enero. Pinalitaw umano ng kampo ni Quimbo na ito’y galing sa kanila ngunit ito pala ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon sa Reddit user, laking gulat ng kanyang ina nang makita na puro…

Read More

SEAG GOLD MEDALIST PINATAY

WALA nang nagisnang umaga ang isang national athlete na miyembro ng Philippine Air Force nang pagsasaksakin ito habang natutulog sa bahay ng isang barangay kagawad nitong Martes ng madaling araw sa Calapan City sa Oriental Mindoro. Patay ang biktimang si Mervin Maligo Guarte, 33, Southeast Asian Games (SEAG) gold medalist, at miyembro ng PAF nakatalaga sa Fernando Air Base sa Lipa City. Nagawa pang maitakbo si Guarte sa Sta. Maria Village Hospital bago inilipat sa Mindoro Medical Center kung saan siya idineklarang patay. Lumitaw sa imbestigasyon, nangyari ang krimen sa…

Read More

‘MONSTER SHIP’ NG TSINA NAKABABAHALA

NABABAHALA ang Malakanyang sa “monster ship” ng Tsina na unang namataang malapit sa Zambales at pagkatapos ay lumipat ng lokasyon sa Lubang, Occidental Mindoro. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang presensiya ng “monster ship” sa rehiyon ay isang “matter of projection.” Tiniyak naman ni Bersamin na patuloy na hahamunin ng puwersa ng Pilipinas ang sasakyang pandagat ng Tsina sa kabila ng pagiging ‘non-confrontational’ nito. “We view it with concern. So far, we have been challenging the presence of that monster ship, our Coast…

Read More

Nagbabadya martial law? DEMOKRASYA BANTAYAN – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON) NANAWAGAN si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez sa publiko na maging mapagmatyag at bantayan ang kalayaan sa gitna ng mga aksyon ng pamahalaan. Sa maikling Tiktok video, binanggit ni Rodriguez ang usap-usapan sa posibleng pagbabalik ng martial law base na rin sa reaksyon ng nakararami sa biglaang reorganisasyon sa National Security Council (NSC) bago nagtapos ang taong 2024. “Atin pong bantayan ang ating demokrasya, atin pong bantayan ang ating kalayaan. Let us help each other to protect and defend our constitution. Huwag na nating hayaang bumalik ang…

Read More

DECEMBER INFLATION BUMILIS SA 2.9% – PSA

NAITALA sa 2.9 porsyento ang pagbilis ng inflation rate sa Pilipinas noong Disyembre 2024. Mas mataas ito kumpara sa naitalang 2.5% inflation noong Nobyembre ng nakalipas ding taon. Mababa naman ito kung ikukumpara sa 3.9% na naitala noong Disyembre 2023. Iniulat nitong Martes ni Philippine Statistics Authority (PSA) chief USec. Dennis Mapa na ang pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation noong Disyembre ay ang mas mabilis na pagtaas ng mga presyo o halaga sa pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang langis. Nagdala naman ito sa annual average inflation rate…

Read More

Pagtutuwid sa prangkisa hirit ng kongresista P204.3-B KINOLEKTA NG NGCP PINARE-REFUND

TINAWAG ng chairman ng House committee on ways and means na ‘historical mistake” ang ibinigay na prangkisa sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at dapat din aniyang isoli nito sa mga consumer ang ilegal na kinolektang P204.3 billion. “We correct our historical mistakes,” ani Albay Rep. Joey Salceda kaya kailangang amyendahan ang prangkisa ng NGCP at alamin kung may paglabag sa anti-dummy law dahil ang State Grid Corporation of China (SGCC) ang namamahala rito gayung 40% lamang ang kanilang parte sa kumpanya. Ayon sa mambabatas, tanging ang NGCP…

Read More

Mga mambabatas sa halip magpapogi SUBSIDIZE SSS CONTRIBUTION HIKE

(CHRISTIAN DALE) NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga mambabatas na i-subsidize ang panukalang pagtataas sa kontribusyon ng mga miyembro nito. Idinaan ni SSS president and chief executive officer Robert Joseph De Claro ang kanyang apela sa isinagawang press briefing sa Palasyo ng Malakanyang sa gitna ng panawagan ng mga grupo kabilang na ang mga mambabatas na suspendihin ang planong ‘contribution increase.’ Idinepensa naman ni De Claro ang nakatakdang pagtataas sa contribution rate ng SSS dahil marami anyang maaapektuhan kung ipagpapaliban ang adjustment. “Kasi ho mas marami ang maaapektuhan…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA AWAY SA VIDEOKE

CAVITE – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang pinsan nito nang mauwi sa pananaksak ang pagtatalo hinggil sa nakabubulahaw na videoke matapos sitahin ng Bantay Bayan sa Gen. Trias City noong Lunes ng gabi. Isinugod sa General Trias Medical Center ang mga biktimang sina James Bryan Luna y Sumpay, 34, at Aldrin Toribio y Sumpay, 19, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas si Luna dahil sa saksak sa tagiliran. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si alyas “Johnson”, isang Bantay Bayan ng Brgy. Santiago, Gen.Trias City, na tumakas…

Read More