P2.8-B INFRA PROJECTS NAKATIWANGWANG

UMAABOT sa P2.83 bilyon ng 2023 Health Facilities Enhancement Program (HFEP) budget ng gobyerno ang naantala o hindi naipatupad, ayon sa Commission on Audit (COA). Sa annual audit report nito para sa Department of Health para sa taong 2023, sinabi ng COA na sa P2.8 bilyon, P2.44 bilyong piso ang natuklasang dumanas ng ‘delayed completion/implementation.’ Ang mga naantalang HFEP infrastructure projects ay matatagpuan sa: Region 6 (Western Visayas): Dalawang Proyekto Region 9 (Zamboanga Peninsula): Isang Proyekto Region 11 (Davao Region): Dalawang Proyekto Region 12 (Soccsksargen): Tatlong Proyekto Idagdag pa rito,…

Read More

BACKSTAGE DRAMA SA 2024 MMFF GABI NG PARANGAL

NAGKAROON pala ng ibang drama sa backstage matapos sumablay ang isang presenter sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival. Paano ba naman, hindi binasa nitong presenter na tila lutang ang citation na nagpapaliwanag sa ipiprisinta niyang award. Iyon na nga lang ang gagawin niya, pero hindi pa ito nagawa ng wala sa hulog na presenter, na bigla na lang binanggit ang pangalan ng tatanggap. Dahil sa kapalpakan na ito ng aktor, nagtanong tuloy ang tumanggap kung para saan ang nasabing award sa kanyang speech. Awkward! Nabanggit sa akin…

Read More

3 ROBBERY SUSPECTS NASAKOTE SA MAYNILA

TATLONG indibidwal ang nasakote ng mga awtoridad habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” sa Tomas Pinpin Street, Sta. Cruz, Manila bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ray”, 32; “Jo”, 26, at “Gerry”, 24-anyos. Base sa ulat ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Gandara Police Community Precinct, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander ng Manila Police District – Meisic Police Station 11, bisperas ng Bagong Taon nang mangyari ang insidente sa naturang lugar Lulan ng e-trike ang tatlong biktimang pawang…

Read More

6 INDIBIDWAL ARESTADO SA ‘GOV’T POSITION FOR SALE’

SWAK sa selda ang anim na indibidwal makaraang madakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kasong syndicated estafa at paglabag sa Article 177 (Usurpation of authority or official functions) ng Revised Penal Code. Nabatid mula kay NBI Director Jaime Santiago, ayon sa inihaing reklamo noong Enero 02, 2025, sa tanggapan ng Special Task Force (STF) at Cybercrime Division (CCD), noong Disyembre 29, 2024, isa sa mga suspek ang nakipag-ugnayan sa complainant at inaalok ito ng puwesto bilang miyembro ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)…

Read More

TUMANGAY NG GAS STOVE SA CAVITE, NASAKOTE

kulong

CAVITE – Bagsak sa kulungan ang isang hinihinalang akyat-bahay makaraang makilala na siyang tumangay ng isang gas stove sa niloobang canteen sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw. Hawak na ng GMA Municipal Police Station (GMA) ang suspek na si alyas “Ramir” matapos namukhaan na siya ang nakitang bitbit ang gas stove. Ayon sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang nadiskubre ng may-ari ng canteen sa Brgy. Nicolasa Virata, GMA, Cavite, na nawawala ang gas stove na gagamitin sa pagluluto. Nagtanong-tanong ito sa…

Read More

MOTOR BANCA AT TOURIST BOAT NAGBANGGAAN, 23 NASAGIP

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 23 indibidwal makaraang magbanggaan ang isang motor banca at tourist boat sa baybayin ng Consuelo, Cantilan, Surigao del Sur. Base sa imbestigasyon, ang insidente ay sanhi ng miscommunication sa vessel signaling. Ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Cantilan ay nagsasagawa ng coastal security patrol nang mangyari ang insidente dahilan para maglunsad agad ng Search and Rescue (SAR) operation. Kasama sa nasagip ang 16 pasahero, ang tourist boat captain, isang tourist boat crew, ang motorbanca captain at apat na motor banca crew members. Isang pasahero…

Read More

NCR HOSPITALS, VOLUNTEERS ALL SET NA SA TRASLACION 2025

(JULIET PACOT/CHRISTIAN DALE) NAKAALERTO na ang mga ospital sa buong Kamaynilaan bilang paghahanda sa tradisyunal na Feast of the Black Nazarene na taunang dinadagsa ng mga deboto sa darating na Huwebes, Enero 9, 2025. Ito ay makaraang isailalim ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang mga ospital para sa pagresponde sa emergencies sa anomang oras partikular na ang mga concerned hospital personnel gaya ng doktor, nurses, surgeons at iba pa. Iniulat sa press conference ni DOH Health Emergency Management Bureau chief Dr. Irvin Miranda, bukod sa NCR,…

Read More

KAMARA NAGTALA NG PINAKAMARAMING NAIPASANG PANUKALA SA PAMUMUNO NI SPEAKER ROMUALDEZ

NAITALA ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang bagong rekord sa pinakamaraming naipasang panukalang batas, isang patunay ng pagiging produktibo ng Mababang Kapulungan ngayong 19th Congress. Ang naabot ng Kamara ay nagtataas sa standard na dapat sundan ng mga mambabatas sa hinaharap at nagtataas sa reputasyon ng Kamara bilang isang kapulungan na umaaksyon ng may resulta. Mula sa pagbubukas ng 19th Congress noong Hulyo 25, 2022 hanggang noong Disyembre 27, 2024, umabot sa 13,454 ang mga inihaing panukala sa Kamara. Sa bilang na…

Read More

NCR MAY PINAKAMARAMING FIRE INCIDENTS

NANGUNGUNA ang National Capital Region sa may pinakamaraming fire incidents na naitala nitong nakalipas na taon ng 2024, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon sa inilabas na datos ng BFP, ang NCR ang nangunguna sa mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sunog sa bansa. Ayon sa talaan, nakapagtala ito ng 3,408 fire incidents at sinundan naman ng Region 6 na nakapagtala ng 3,334 na mga insidente ng sunog. Habang malayo naman ang CALABARZON na nasa ikatlong pwesto na may 2,045 recorded fire incidents. Nasa ika-apat naman…

Read More