PAGPATAY SA KAGAWAD INIUGNAY SA PULITIKA

PULITIKA ang hinihinalang nasa likod ng pagpaslang sa isang kagawad sa Calamba City, Laguna noong Lunes. Ayon sa kampo ng biktimang si Kagawad Dan Vincent Borja ng Barangay Tres sa Calamba City, kumbinsido silang pinatahimik ito dahil sa pagbubunyag ng mga katiwalian hindi lang sa kanilang lugar kundi sa buong siyudad. Tinambangan si Borja sa Baclaran, Pasay City noong Pebrero 3, 2025. Sinasabing marami nang naibunyag na katiwalian ang biktima mula nang mahalal na kagawad noong 2022 kaya marami umano itong nasagasaan. Kabilang sa mga sinita nito ang pamamalakad ni…

Read More

TAGUIG KAGAWAD NA ‘TAO’ NG KONGRESISTA SINUSPINDE SA KAHALAYAN

SINUSPINDE ng City of Taguig si Barangay Kagawad Apolonio Kibral Fulo, Jr. ng Barangay Pinagsama matapos masangkot sa kasong Acts of Lasciviousness, Grave Misconduct, at Immoral Acts. Bukod sa pagiging kagawad, si Fulo ay kilala ring malapit na supporter at bodyguard umano ni Congresswoman Pammy Zamora ng District 2. Batay sa reklamo, naganap ang insidente noong Abril 6, 2024, alas-1:40 ng madaling araw sa isang hotel sa Cebu City kung saan dumalo sa opisyal na seminar ang biktimang babae at iba pang opisyal ng barangay. Sa gitna ng pagtulog katabi…

Read More

MAHUSAY NA EDUKASYON, MABABANG PRESYO NG PAGKAIN, GAGAWIN NG ATEACHER PARTYLIST

TINIYAK ni ATeacher Partylist nominee Virginia Rodriguez ang pagsusulong ng mga programa para makamit ang mas mahusay na edukasyon at pagpababa ng presyo ng mga bilihin sa bansa, tulad ng bigas at iba pang mga produkto ng agrikultura. Si Rodriguez na isang negosyante at philanthropist, ang unang Pilipinang nagsusulong na maging cancer-free ang bansa na lumikha ng isang organic vitamins na may kakayahang pigilin ang paglaganap ng sakit na cancer. Sinabi ni Rodriguez na bahagi ng programa ng ATeacher Partylist ang pagsusulong ng paggamit ng organic fertilizers at pagkakaroon ng…

Read More

SEN. BATO AYAW TANTANAN

BAGAMA’T nag-apology na, hindi pa rin tinatantanan ng kanyang mga kritiko si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa diskriminasyong pahayag nito laban sa kay Rep. Perci Cendaña na isang stroke survivor. “Walang lugar ang ganyang pambabastos sa political discourse na dapat naka-focus sa issues. Senator dela Rosa’s remarks are not only cruel but reflect the kind of toxic politics that the Duterte’s represent,” ani House deputy minority leader France Castro. Nitong mga nakaraang mga araw, kinuyog ng kanyang mga kritiko si Dela Rosa matapos magbitiw ito ng salitang “Yang mukha…

Read More

LOLA PATAY SA TONDO FIRE

PATAY ang isang 64-anyos na babae sa sunog sa Hermosa Street, Gagalangin, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Pasado alas-11:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Brgy. 182 sa Tondo, Manila na ikinamatay ng isang matandang babae. Dahil sa masikip na daan, nahirapang makapasok sa lugar ang mga pamatay-sunog para maapula ang apoy. Umabot sa ika-2 alarma ang sunog na tumagal ng mahigit isang oras. Bukod sa mga bombero, nagresponde rin sa insidente ang mga tauhan ng Gagalangin Police Community Precinct na sakop ng…

Read More