ANDREW E, BUGOY DRILON, IBA PANG SIKAT NA PERFORMERS PABOBONGGAHIN KICKOFF CAMPAIGN NG ‘ALYANSA’ SA LAOAG

CAMPAIGN kickoff, may kasama pang party, party! Inaasahang buhay na buhay at super bongga ang malakihang kickoff campaign ng administration-backed Senatorial slate na ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ (APBP) na gaganapin sa Laoag City ngayong Pebrero 11, Martes, sa balwarte ng mga Marcos sa Ilocos Norte para sa midterm elections sa darating na Mayo. Tiyak na dadagundong ang Centennial Arena sa pambungad na kampanya ng administration Senate slate dahil magbibigay-kulay at buhay sa kickoff rally ang sikat na rapper at singer na si Andrew E. Makakasama ng rapper ang ilan…

Read More

3 ISRAELI, 174 PALESTINO NAPALAYA SA TULONG NG ICRC

NAMAGITAN ang International Committee of the Red Cross para sa pagpapalaya sa tatlong Israeli at 174 Palestinian detainees at nakabalik na sa kanilang mga lugar. Muli sa kanilang ikalimang humanitarian mission, ay ligtas na napalaya nitong nakalipas na linggo ang tatlong bihag ng Hamas na Israeli mula sa Gaza patungo sa Israel. Sa ligtas na pamamagitan ng ICRC, tuluyang nakalaya ang 174 Palestino na detenido sa detention facilities ng Israel sa Gaza at West Bank. Ang ICRC ay nagsisilbi ngayong tulay at siyang nangangasiwa sa operasyon ng pagpapalaya. Ayon sa…

Read More

BARIL, BALA ISINUKO NG PRIVATE ARMED GROUP

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Inihayag noong Linggo ng Police Regional Office 3 (PRO3), ilang loose firearms ang boluntaryong isinuko ng umano’y mga miyembro ng pribadong armadong grupo sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sinabi ni PRO3 Regional Director BGen. Jean S. Fajardo, noong Pebrero 7, 2025, sa Brgy. Papaya, San Antonio, Nueva Ecija, ay matagumpay na isinuko sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), sa pamumuno ni PCol. Ferdinand Germino, ang ilang hindi lisensyadong baril mula sa umano’y miyembro ng isang pribadong armadong grupo. Ang matagumpay na…

Read More

P34-M SHABU NASABAT SA 4 BIGTIME DRUG DEALERS

UMABOT limang kilo ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotic operation sa Caloocan City noong Linggo ng gabi. Ayon sa PDEA RO-NCR-NPD, bukod sa nasamsam na ilegal na droga na nagkakahalaga ng P34 milyon, nadakip ang apat na hinihinalang big time drug dealers sa nasabing buy-bust operation. Ayon sa ulat, matapos ang case build-up at intelligence operation laban sa high value targets, nagkasa ang PDEA RO-NCR ng dragnet operation, katuwang ang PDEA RO-NCR RSET2, NICA, at Northern Police District (NPD), sa…

Read More

NAGPUPUSLIT NG DROGA SA BALIKBAYAN BOXES TARGET NG BOC

TINIYAK kahapon ng Bureau of Customs (BOC) na hindi nila sasantuhin ang sinomang maaaktuhan nilang nagpupuslit ng ilegal na droga sa balikbayan boxes. Ito ang babala ng ahensya kasunod ng pahayag na mayroon silang mahigpit na ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para tuluyang masugpo ang pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot. Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, may ilang insidente na silang naitala sa pagpupuslit ng ilegal na droga sa mga balikbayan box. Dagdag pa ng opisyal, mayroon silang mga kaparaanan para agad matukoy kung positibo ito. Hindi sila…

Read More

RAPPLER BINIRA SA SOCIAL MEDIA: NAGPAPAGAMIT SA MGA KAALYADO NI QUIMBO?

IDINAAN ng mga taga-Marikina sa social media ang pagkadismaya sa Rappler dahil hindi umano nito inalam ang background ng kanilang forum partner. Tinutukoy ng mga residente ang ginanap na “Make Manila Liveable: Elections Kapihan with Marikina Candidates”. Para sa kanila, tila nagamit ang Rappler ng kampo ng mga Quimbo dahil sa kabiguan ng media company na mag-research ukol sa kanilang naka-partner na grupong Sulong. Anila, kung nakapag-research lang nang maigi ang Rappler, malalaman nito na ang Sulong ay isang grupo na kaalyado ng mag-asawang Quimbo at isa sa mga opisyal…

Read More

SUPPORTERS AT VOLUNTEERS NAGKAISA PARA SA 1MUNTI PARTYLIST

MAHIGIT 300 na mga bata at kanilang mga magulang ang nabigyan ng tulong sa “Batang Juan Caravan” na inorganisa ng 1Munti Partylist nitong Lunes, February 10, sa San Dionisio Old Gym, Parañaque City. “Nagpapasalamat tayo sa lahat ng supporters at volunteers na walang pagod na kumikilos para sa kapakanan ng mga bata,” ayon kay Atty. Raffy Garcia, nominee ng 1Munti Partylist. Ang Batang Juan Caravan ay isa sa mga regular na programa ng 1Munti Partylist na naghahatid ng iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng late birth registration upang matulungan ang…

Read More

Sa bilyong ‘singit’ sa 2025 budget GRAFT CASE ISINAMPA VS ROMUALDEZ, 3 PA

(PRIMITIVO MAKILING) HINDI lamang falsification of legislative documents ang isinampa ng grupo ni dating House speaker at ngayo’y Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez laban kay Speaker Martin Romualdez at tatlo pang opisyales ng Kamara, kundi graft and corruption case, kaugnay ng daan-daang bilyong piso na isiningit sa 2025 national budget. Kasama sina Atty. Ferdie Topacio, Atty. Jimmy Bondoc, BGen Virgilio Garcia, Diego Magpantay, pangulo ng Citizen’s Crime Watch, sinampahan sina Romualdez, dating House Appropriations chair at AKO Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, appropriation vice chairman Stella Quimbo at…

Read More

ESCUDERO, VILLANUEVA DUMALO SA JIL CHURCH WORLDWIDE VISION CASTING 2025

DUMALO sina Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senador Joel Villanueva sa Jesus is Lord (JIL) Church Worldwide Vision Casting 2025 noong Sabado (Pebrero 8) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Sa pangunguna ng kanilang Founder at Spiritual Director Bro. Eddie Villanueva, inilunsad ng JIL ang kanilang Executive Selection Committee na naatasang mamili ng mga kandidatong kanilang susuportahan. Dinaluhan ng mahigit 15,000 pastor, church leaders at workers mula sa Luzon, Visayas at Mindanao maging sa iba’t ibang parte ng mundo ang nasabing pagtitipon. (DANNY BACOLOD) 9

Read More