DPA ni BERNARD TAGUINOD MAGANDA sanang subukan na buwagin ang political dynasties sa ating bansa dahil may mga pag-aaral na halos lahat ng mga probinsya at bayan na pinatatakbo ng iisa o iilang pamilya, ay lugmok sa kahirapan as in walang asenso. May kasabihan na kung gusto mong mabago ang buhay mo, umalis ka sa nakasanayan mo at sumubok ng iba dahil hangga’t hindi ka umaalis sa comfort zone mo, roon lang iikot ang mundo mo at walang pagbabago na mangyayari sa buhay mo. Kung talagang epektibo ang political dynasties…
Read MoreDay: July 7, 2025
QUALIFIED THEFT VS COMPANY DRIVER ET AL, ISINAMPA SA KORTE
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw sina Rolan Espiritu Domingo, nasa hustong gulang, driver; Paul Ian Domingo, nasa hustong gulang, pahinante/helper, pawang mga residente ng Salacot, San Miguel, Bulacan; walong John Does at isang Jane Doe matapos sampahan ng reklamo ng kinatawan ng kumpanyang Karga Express Intelligence System Inc. ng Qualified Theft sa National Prosecutor Service, Office of the City Prosecutor, Muntinlupa City kamakailan. Batay sa sinumpaang salaysay ni Marilou Baldoza Diolala, 27-anyos, dalaga, nakatira sa Caloocan City, Operation Account Manager ng Karga Express Intelligence System Inc.,…
Read MoreANTI-DYNASTY BILL SUNTOK SA BUWAN
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINIKAYAT ng isang mambabatas ang taumbayan na tumulong para i-pressure ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na maging batas ang mga panukala na tuluyang magbabawal sa mga magkakamag-anak na tumakbo sa iba’t ibang posisyon. Ginawa ni Bukidnon Rep. Keith Flores ang pahayag matapos aminin na maliit ang tsansang maisabatas ang panukala maliban lamang kung sumali ang sambayanang Pilipino sa labang ito. “To be realistic about it, medyo slim,” pag-amin ni Flores na isa sa naghain ng panukala bukod sa grupo ng Makabayang bloc na sina…
Read More27K PAMILYA APEKTADO NG ‘BISING’, HABAGAT – NDRRMC
TINATAYANG mahigit 27,000 katao sa tatlong rehiyon ang apektado ng pinagsamang epekto ng southwest monsoon o “habagat” at Typhoon Bising (international name Danas). Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sa kanilang 8 a.m. report, araw ng Lunes, may 27,401 ang naitalang apektadong pamilya o 82,548 indibidwal mula sa 14 na mga barangay sa Region 1 (Ilocos Region), Region 3 (Central Luzon) at Cordillera Administrative Region (CAR). Sa oras ng ulat, sinabi ng NDRRMC na may dalawang pamilya lamang o 9 katao ang nanuluyan sa dalawang…
Read More‘Wag puro panghuhuli – Isko TRAFFIC ENFORCERS DAPAT UMALALAY SA MGA MOTORISTA
BINALAAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang traffic enforcers na magtino na at huwag puro lamang panghuhuli ang ginagawa. Sa unang flag raising sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila, partikular na binalaan ni Domagoso ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). “Magtino na kayo, siguro naman narinig na ng director ninyo na si Dennis Viaje na ang traffic enforcement is a traffic assistance hindi violation lagi ang hinahanap natin,” babala ng alkalde sa traffic enforcers. Binigyang babala ni Domagoso ang ilang MTPB na…
Read MorePILOT TESTING SA ‘WALANG GUTOM PROGRAM’ SINIMULAN SA TONDO
MAKABIBILI na ng halagang P20 kada kilo ng bigas ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinimulan ang pilot testing ng programa sa Morsac Basketball Court, Barangay 69 sa Tondo, Manila kung saan bawat benepisyaryo ay makabibili ng hanggang 30 kilo ng bigas mula sa accredited retailers at Kadiwa ng Pangulo. Katuwang ng DSWD ang DA sa pagsasagawa ng pilot-testing na hindi lamang ikinasa sa Tondo kundi maging sa Cebu City at CARAGA. Sinabi ni DSWD Sec Rex Gatchalian, 900 ang retailer…
Read MoreDawit sa missing sabungeros POLICE COLONEL, 14 PA INILAGAY SA RESTRICTIVE CUSTODY
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine National Police na may 15 police officers ang isinailalim sa restrictive custody dahil sa posibilidad na may kinalaman sila sa pagkawala ng tinaguriang missing sabungeros. Ayon kay PNP chief, General Nicolas Torre III, labinglimang tauhan ng PNP ang hawak na nila sa Camp crame. Sa ginanap na pulong balitaan, inihayag ni Gen. Torre; “We have placed several personnel under restrictive custody pending the investigation on the missing sabungeros. We have partnered with NAPOLCOM (National Police Commission) for the in-depth investigation of this case to ensure…
Read MoreJEEPNEY NAHULOG SA TULAY, 7 SUGATAN
CAVITE – Pitong kalalakihan ang sugatan kabilang ang driver ng isang pampasaherong jeep, nang mahulog ang nasabing sasakyan sa ginagawang tulay makaraang bumangga sa gutter sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Pawang nilalapatan ng lunas sa Pagamutang Bayan ng Dasmariñas ang mga biktimang sina Che, Ren, Jerome, Emman, Ronald, John at ang driver ng pampasaherong jeep, pawang mga residente ng Dasmariñas City, dahil sa mga sugat sa katawan. Ayon sa ulat, bandang alas-11:50 ng gabi nang mangyari ang insidente sa tulay sa Brgy. Fatima 3, Dasmariñas City habang galing…
Read MoreP300K NATANGAY SA HARDWARE STORE
CAVITE – Tinatayang P300,000 halaga ng cash at mga alahas ang tinangay ng apat na kalalakihan matapos pasukin ang hardware store and construction supplies na pagmamay-ari ng pamilyang Chinese national sa Naic noong Linggo ng hapon. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na mga suspek na inilarawang pawang naka-helmet. Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 ng hapon nang puwersahang pasukin ng mga suspek ang GMZ Hardware and Construction Supplies sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Iginapos ng mga suspek ng duct tape ang mga biktimang sina Liwahe Wu, 56, general manager; Manzu…
Read More