MAHIGIT 40 lugar sa Hilagang Luzon ang nalubog sa tubig-baha sanhi ng walang tigil na pag-ulan dala ng Tropical Storm Danas at ng nararanasang Monsoon rain na nakaapekto sa libo-libong tao bukod pa sa naitala ring mga pagguho ng lupa. Nitong nakalipas na linggo ay patuloy ang ginagawang assessment ng Office of Civil Defense na nagsagawa ng coordinated response sa buong Northern Luzon kasunod ng ulat na landslide sa Benguet. Pansamantalang isinara ang Kennon Road, noong Linggo, Hulyo 6 ng gabi, matapos na gumuho ang ilang mga bato malapit sa…
Read MoreDay: July 7, 2025
VILLAR GIGISAHIN SA KAPALPAKAN NG PRIMEWATER
HINDI isinasara ng isang administration congressman ang posibilidad na ipatawag si Sen. Mark Villar sa isasagawang imbestigasyon sa masamang serbisyo umano ng PrimeWater Infrastructure Corp., sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa isang panayam kay Zambales Rep. Jay Khonghun, agad na sisimulan ang imbestigasyon sa PrimeWater pagkatapos na pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa mambabatas, bagama’t may umiiral na parliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang Kapulungan, iimbitahan nila si Sen. Villar kung kinakailangan dahil base sa report ng Malacañang, sa…
Read MoreMARCOS KINALAMPAG SA LUMALALANG KAHIRAPAN
MARAMING pamilyang Pilipino ang dalawang beses na lamang kumakain kada araw dahil sa lumalalang kahirapan sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi natugunan sa unang tatlong taon nito sa kapangyarihan. Reklamo ito ng mga miyembro ng Gabriela na sumugod kahapon sa Department of Agriculture (DA) para sa pagsisimula ng kanilang “Kalampagan Protest” sa pagsisimula ng huling tatlong taon ng administrasyong Marcos. Ayon kay Cora Agovida, deputy secretary general ng Gabriela, isa sa bawat limang pamilyang Pilipino o katumbas ng 20% ang nakararanas ng…
Read MoreApela sa NFA, LGUs PALAY DIREKTANG BILHIN SA MAGSASAKA
HINILING ni Senador Kiko Pangilinan sa National Food Authority o NFA at sa mga lokal na pamahalaan na agad bilhin ang mga palay at iba pang ani ng mga magsasaka sa presyong makatarungan. Sa gitna ito ng ulat na nabibili na lang ngayon sa halagang P13 kada kilo ang palay sa ibang mga lugar sa bansa. Iginiit pa ni Pangilinan na hindi makatao, hindi makatarungan at lugi ang mga magsasaka dahil nasa P14-15 kada kilo ang gastos sa produksyon. Hinikayat din ng senador ang mga lokal na pamahalaan na i-activate…
Read MoreHindi lang sa Taal Lake itinapon MISSING SABUNGEROS SINUNOG, IBINAON – PNP
HINDI lang sa bahagi ng Taal Lake inihulog ang mga nawawalang sabungero dahil marami sa kanila ang sinunog o kaya’y ibinaon sa ibang lugar. Bahagi ito ng ibinunyag ni PNP chief General Nicolas Torre lll sa isinagawang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga, Hulyo 07. Ito ay batay na rin sa salaysay ng iba pang saksi at sa kasalukuyan ay patuloy itong biniberipika ng PNP. Inamin naman ni Torre, nagkausap na sila noon ni Julie Patidongan, alyas “Totoy” at kinilabutan umano siya sa mga rebelasyon nito. Alam…
Read MorePAGLABAG SA PROTOCOL SA PRES’L COVERAGE ‘DI DAPAT MAULIT – PCO
IPINAGTANGGOL ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz ang desisyon ng Media Accreditation and Relations Office (MARO) na humiling ng kapalit para sa reporter ng Net 25 na si Eden Santos, na lumabag sa itinakdang media protocols sa ginanap na aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tarlac noong Hunyo 25. Sa kanyang opisyal na tugon kay Officer-in-Charge ng Malacañang Press Corps (MPC) Ivan Mayrina, binigyang-diin ni Ruiz na ang insidente ay hindi basta pagkukulang kundi isang seryosong pangyayari na nagbanta sa seguridad ng Pangulo at nakasira sa…
Read MorePAGSISID SA TAAL LAKE PARA SA MISSING SABUNGEROS POSIBLE NGAYONG LINGGO – DOJ
POSIBLENG simulan ngayong linggo ang pagsisid sa Taal Lake para hanapin ang mga labi ng mga missing sabungero. Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, aniya hiniling na niyang simulan ngayong linggo ang technical diving operation sa Taal Lake para matunton ang mga hinahanap na bangkay. Sa ambush interview, sinabi ni Remulla na hindi pa kasali ang Japan sa operasyon pero inaasahan nilang tutugon ito sa hiling ng Pilipinas na tumulong sa paghahanap sa Taal Lake gamit ang kanilang mga makabagong equipment. May posibilidad din umanong hindi…
Read MoreSa gitna ng welga ng union officers PATAS AT ‘COMPETITIVE’ SAHOD SA KAWASAKI MOTORS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IGINIIT ng Kawasaki Motors (Phils.) Corporation (KMPC) na makatarungan at competitive ang pasahod at mga benepisyong ibinibigay nito sa mga empleyado, sa kabila ng patuloy na welgang inilunsad ng ilang opisyal ng Kawasaki United Labor Union(KULU) na nagsimula noong Mayo 21, 2025 at patuloy na nakaapekto sa operasyon ng planta sa Muntinlupa City. Ayon sa KMPC, sa kabila ng matinding epekto ng pandemya—kabilang ang pagbagsak ng benta at produksyon—nanatili itong nakatuon sa kapakanan ng mga empleyado sa pamamagitan ng pasahod at benepisyong mas mataas kaysa sa…
Read MoreANTI-E-SUGAL BILL NADAGDAGAN
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga mambabatas na nagsusulong ng panukalang batas laban sa online gambling subalit hindi itinutulak ang tuluyang pagbabawal nito tulad ng ginawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Kahapon ay pormal nang inihain nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña, Dadah Ismula at Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao ang House Bill (HB) 1351 o Kontra E-Sugal Act of 2025 na una nilang ipinangako. Karagdagan ito sa HB 721 na unang inihain nina Bukidnon Reps. Jonathan Keith Flores, Rep. Jose Manuel Alba, Rep. Audrey Zubiri, Rep.…
Read More