LAGUNA – Bulagta ang isang 17-anyos na estudyante matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 7, Ilaya, Barangay Parian, Calamba City nitong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa report ng Calamba City Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang naglalakad ang biktimang si alyas “JP” sa hindi kalayuan sa kanilang bahay. Bigla na lamang umanong sumulpot ang dalawang suspek at pinagbabaril ang biktima sa hindi malamang dahilan. Natadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktima na agaran nitong ikinamatay. Agad namang…
Read MoreDay: July 17, 2025
HIGIT P21-M BUTANE CANISTERS KINUMPISKA NG CIDG SA BULACAN
BULACAN – Umabot sa P21 milyong halaga ng butane canisters ang nakumpiska ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang warehouse sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan noong Martes, Hulyo 15. Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan, sinalakay ng PNP-CIDG) Regional Field Unit 3, katuwang ang Regional Special Operations Group at Sta. Maria MPS, ang warehouse sa Brgy. Pulong Buhangin, dakong alas-3:00 ng hapon. Nag-ugat ang pagsalakay makaraang dumulog sa CIDG ang abogado ng complainant kaugnay ng…
Read More3 NASILO SA P816K SHABU SA RIZAL
RIZAL – Arestado ang tatlong indibidwal, kabilang ang dalawang itinuturing na high-value individuals (HVI), sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Taytay Municipal Police Station noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon dakong alas-11:00 ng gabi sa Barangay San Isidro, kung saan isang poseur buyer ang matagumpay na nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa isa sa mga suspek. Matapos tanggapin ang marked money, agad inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek na sina alyas “Weng” at “Nizel”, kapwa…
Read MoreDILG NANAWAGAN SA LGUs MAGPASA NG BATAS LABAN SA 911 PRANKSTERS
BAGO pa tuluyang ipatupad ng pamahalaan ang upgraded Emergency 911 system ngayong buwan ng Agosto, nanawagan na si Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa lahat ng local chief executives na magpasa ng kanilang mga ordinansa na nagpapataw ng kaparusahan sa prank callers sa national emergency hotline. “Dapat may ordinance ang lahat ng LGUs na may monetary fine, jail time basta prank call,” ani SILG Remulla. Ayon sa kalihim, marapat lamang na magkaroon ng ordinansa ang lahat ng lokal na pamahalaan sa buong bansa na may…
Read MoreNDRRMC AT OCD RED ALERT KAY ‘CRISING’
GANAP na tanghaling tapat kahapon ay tinaas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang antas ng alerto mula sa Blue Alert Status patungo sa Red Alert Status dahil sa banta na dala ng Bagyong Crising sa bansa na posibleng palalain pa ng nararanasang Habagat o Southwest Monsoon. Kasabay sa pag-iral ng pinakamataas na alerto ng NDRRMC, inatasan na ang lahat ng ahensya na nasa ilalim ng NDRRMC, na maging handa at patuloy na nakaantabay sa mga posibleng kaganapan at magiging epekto ng bagyo. Nanawagan at nagpaalala ang Office…
Read MoreBANTA SA BUHAY NG PASIG RTC JUDGES IIMBESTIGAHAN NG SC
KINUMPIRMA ng Korte Suprema na nakatanggap ng online threats ang mga hukom ng Pasig Regional Trial Court nitong Miyerkoles ng umaga, Hulyo 16. Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, ipinadala ang banta sa pamamagitan ng email at kasalukuyan na itong iniimbestigahan sa pakikipagtulungan ng mga awtoridad. Agad ding ipinatupad ang mga kaukulang hakbang para sa seguridad ng mga hukom, court personnel at publiko. Tiniyak ng Korte Suprema na mananatiling matatag ang hudikatura sa pagtupad ng tungkulin nang may integridad, katarungan, at paggalang sa batas. Hinikayat din ng SC…
Read MoreP749-M SHABU SA BALIKBAYAN BOXES, HULI SA MICP
PINAKITA sa media ni Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang 110 kilos na shabu na nagkakahalaga ng P749 million na nakatago sa balikbayan box mula sa California, USA matapos itong masabat ng Customs Intelligence Investigation Services sa Manila International Container Port sa pamumuno ni CIIS Chief Alvin Enciso. UPANG ipakita ni Bureau of Custom Commissioner Ariel F. Nepomuceno na seryoso ang Aduana sa pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na pagsawata sa pagpupuslit ng ilegal na droga sa bansa, ipinag-utos nito ang malalimang imbestigasyon sa nabulgar…
Read MoreSM MOA Arena celebrates inclusivity at the Miss International Queen PH 2025 Pageant
Miss International Queen Philippines Anne Patricia Lorenzo-Diaz is crowned as winner at the SM Mall of Asia Arena. Forty-four candidates from regions across the country gathered to celebrate beauty in all its forms at the Miss International Queen Philippines 2025 competition held last July 9 at the SM Mall of Asia (MOA) Arena. The crowned queen, Anne Patricia Lorenzo-Diaz, will represent the Philippines at the international finals in Thailand. The pageant is recognized as one of the affiliated branches of the largest global pageant for transgender women since its inception…
Read MoreBistro Deli Opens New Branch at Go Hotels North EDSA, Enhancing Guest Convenience!
Roxaco-Asia Hospitality Corporation (RAHC) proudly announces the opening of Bistro Deli’s newest branch at Go Hotels North EDSA, bringing a delightful dining option to one of Metro Manila’s busiest areas. Located in the thriving northern district of Metro Manila, Go Hotels North EDSA is strategically positioned near major malls, transport terminals, and commercial centers—making it a top choice for both business and leisure travelers. The addition of Bistro Deli further elevates the hotel’s offerings by providing an accessible and cozy dining spot for both in-house guests and walk-in customers. Bistro…
Read More