Grabe ang saya sa Tondo! Ang ISONUS Live Game Show noong August 2 sa Brgy. 98, Tondo, Manila ay mabilisang natapos—isang oras lang tapos na agad ang laban! Dahil ang mga kalahok ay dumating na matatalas, nakatutok, at handang manalo. Bawat round, kumpiyansang sumagot ang mga manlalaro, pinatunayan na ang Tondo ay hindi lang matatag—punô rin ng matatalinong tao. Pero kahit ganon katalino ang mga sumali, wala pa ring nakasunod sa yapak ni Raffie Balaga, ang kauna-unahang jackpot winner natin. At oo, naghihintay pa rin kami ng susunod na malaking…
Read MoreDay: August 6, 2025
LUNOD NA SA UTANG ANG PINOY
DPA ni BERNARD TAGUINOD LUNOD na sa utang ang Pilipinas at kung hindi mareresolba ni Pangulong Bongbong Marcos ang corruption sa gobyerno ay malamang sa malamang ay malalagpasan niya ang inutang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kapag lunod ang isang bansa sa utang, mangangahulugan na madaragdagan ang buwis na pinababayaran ng gobyerno sa mga tao sa ayaw at sa gusto nila, para makabayad ng interes para makapangutang ulit. Si Digong ay nakapangutang ng P7.2 trilyon mula 2016 hanggang 2022 kaya nang umalis siya ay umabot sa P12.7 trilyon ang utang…
Read MoreAng Paggalang sa mga Nag-eexam ay Hindi Kabawasan sa Kalayaan
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN BIGLA na namang uminit ang social media dahil sa isyu ng pagtakbo sa UP habang may UPCAT. Ang daming nag-react. May mga nagalit. May mga nagtanggol. Pero ang tanong: bawal ba talagang tumakbo habang may entrance exam? Simple lang ang sagot. Oo, bawal muna. Dahil may mas mahalagang nangyayari. Hindi lang ito simpleng event. UPCAT ito. Libo-libong estudyante ang nakataya ang kinabukasan. May mga galing pa sa malalayong probinsya. May mga unang beses palang makapapasok sa UP. At sa araw na iyon, gusto lang…
Read MorePGH UMAAPAW NA SA MGA PASYENTE
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKIUSAP na ang Philippine General Hospital (PGH) sa publiko na humanap ng ibang ospital dahil ang kanilang emergency room o ER ay humaharap ngayon sa ‘overcapacity’. Ang ospital ay lumagpas na sa capacity na 400% na may higit sa 300 pasyente na nagsisiksikan sa pasilidad na nakadisenyo lamang sa 75. Hindi muna sila tatanggap ng mga pasyente sa ER maliban na lamang ‘yung mga nasa kritikal na kondisyon. Kinumpirma ni PGH spokesperson/coordinator for public affairs Dr. Jonas Del Rosario ang nakaaalarmang sitwasyon. Upang malimitahan ang…
Read MoreOFW sa Taif, Saudi Arabia humihingi ng tulong sa DMW
ISA na namang kababayan nating overseas Filipino worker (OFW) ang dumaranas ng matinding pang-aabuso sa kamay ng kanyang employer sa Saudi Arabia. Kinilala ang biktima na si Divina Ganoot Perez, isang domestic worker na tatlong taon nang naninilbihan sa Alshafa, Taif. Ngunit sa halip na magandang oportunidad sa abroad ang kanyang matamasa, puro hirap at kalupitan ang kanyang sinapit. Ayon sa salaysay ni Perez, hindi na siya pinasasahod, hindi pinauuwi, at kinuha na rin ng kanyang employer ang lahat ng kanyang personal na dokumento—kabilang ang kanyang passport. Lalo pang pinasama…
Read MorePara sa mental health issue PASTORS, HEALTH PROFESSIONALS PWEDE TAWAGAN SA EMERGENCY 911
UPANG mapalakas ang 911 Hotline ng Philippine National Police, sasaklolo ang ilang pastor, at health professional volunteers para sa mental health emergency. Ayon kay PNP chief, General Nicolas Torre III, kung may isusumbong kaugnay sa kasong bullying ay maaaring tawagan ang Emergency 911. Batay sa datos, simula noong Enero hanggang Hunyo ay nakapagtala ng mahigit 2,000 Pinoy na nag-suicide at ang ilan sa mga ito ay biktima ng physical at online bullying. Maging ang hepe ng Pambansang Pulisya ay aminado na naging biktima siya ng pambu-bully kaya naging adbokasiya niya…
Read MoreMAMAHALING KAGAMITAN NILIMAS SA PAMILYANG INDIAN
RIZAL – Habang nasa bansang India si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang state visit upang patibayin pa ang partnership ng dalawang bansa, isang pamilyang Indian national naman ang nilooban at nilimas ang kanilang mamahaling mga kagamitan ng hindi pa nakikilalang mga suspek, noong Agosto 5, 2025. Ayon sa tinanggap na report ni PLt. Col. Alfredo de Guzman Lim, chief of police ng Cainta Municipal Police Station, bandang alas-3:05 ng hapon nang pumasok sa bahay ng mga biktima ang mga suspek at nagdeklara ng holdap. Sa paunang imbestigasyon, sinabi…
Read More13 tauhan sangkot sa kwestyonableng pag-aresto sa 9 Chinese SPECIAL TASK FORCE NG NBI BINUWAG
BINUWAG ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang Special Task Force (STF) ng bureau dahil sa pagkakasangkot ng mga tauhan nito, kabilang ang kanilang hepe, sa kuwestyunableng pagdakip sa 9 Chinese nationals sa isang resort sa Malolos, Bulacan. Nagbunsod ito sa insidente ng paghuli sa mga dayuhan na umano’y nauugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Ayon kay Director Santiago, isinailalim na sa masusing imbestigasyon ang Special Task Force sa Internal Affairs Division ng NBI. Maging ang hepe ng nasabing task force ay pansamantalang tinanggal sa puwesto…
Read MoreGUN RUNNER TIMBOG SA CIDG SA BATANGAS
BATANGAS – Arestado ang isang hinihinalang gun runner makaraang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP-CIDG sa Sto. Tomas City sa lalawigan. Kinilala ni CIDG Director Police Brig. Gen. Christopher Abrahano ang suspek na si alyas “Zaldy”, naaresto sa isang gasolinahan sa Maharlika Highway, Barangay San Bartolome, Sto. Tomas, Batangas. Ayon sa ulat, isang CIDG poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa suspek at nang magpositibo ay isinagawa ang operasyon na nagresulta ng pagkaaresto sa suspek na nakumpiskahan ng tatlong hindi lisensyadong baril na kinabibilangan ng dalawang 5.56 caliber at…
Read More