DPA ni BERNARD TAGUINOD NAALALA ko pa sinabi ng Tatay ko noong bata pa kami na kapag sa isang bahay ay nag-aaway ang mag-asawa, wasak ang tahanan at walang ibang maaapektuhan kundi ang kanilang mga anak at tiyak na sila ay mapababayaan. Bumalik sa aalala ko ang sinabing ito ng aking Tatay dahil sa away ngayon sa pagitan ng Kamara at Senado at nag-aalala ako sa sambayanang Pilipino na tiyak na maaapektuhan sa bangayang ito ng mga senador at congressman. Noon pa man ay maraming hindi napagkakasunduan ang Kamara at…
Read MoreDay: August 14, 2025
HINDI KRIMEN ANG MAGPATAWA
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN KAMAKAILAN, nagbato si Vice Ganda ng biro tungkol sa “Jet ski holiday” na nagpatawa sa mga nanonood at nagpainit ng usapan sa social media. Hindi lang basta imbento ang linya — galing ito sa isang viral na TikTok meme. Ang orihinal na tunog ay mula sa isang British travel ad na may boses na masayang nagsasabing “Nothing beats a Jet2 holiday” kasabay ng kantang Hold My Hand ni Jess Glynne. Sa TikTok, ginamit ito ng mga tao sa nakatatawang paraan, isinasabay sa mga video…
Read MoreBONOAN MAG-LEAVE MUNA SA DPWH
PUNA ni JOEL O. AMONGO TINGNAN natin kung ano ang masasabi ngayon ni House Speaker Martin Romualdez sa ilang kongresista na nadadawit sa katiwalian sa flood control projects. Nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., na mananagot ang mga sangkot sa katiwalian sa bilyun-bilyong pisong flood control projects. Sa magkakasunod na masamang panahon kasama ang ilang mga bagyo na tumama sa bansa, nagdulot ito ng kaliwa’t-kanang pagbaha sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sabay-sabay nagtanong ng mga Pilipino, nasaan daw ba ang mga…
Read More‘NAGMANIPULA’ SA P74-B PHILHEALTH FUNDS PANGALANAN
IGINIIT ni Davao City Rep. Isidro Ungab na pangalanan ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee na naging kasapakat sa paglalaho ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ilalim ng 2025 national budget. “The Filipino people deserve to know exactly who orchestrated the removal of P74 billion that was legally earmarked for their healthcare through the Sin Tax Law,” pahayag ni Ungab kahapon. Ang Bicam ay binubuo ng 10 congressmen at 10 senador na pinamumunuan ng chairman ng House Appropriations Committee at Senate Finance Committee kung saan sina…
Read MoreSa dami ng isinasangkot na kongresista THIRD PARTY INVESTIGATION SA FC ANOMALIES PINABORAN
SINANG-AYUNAN ng dalawang lider sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkakaroon ng third party na mag-iimbestiga sa mga anomalya umano sa flood control project sa gitna ng pagkakasangkot ng ilan nilang kasamahan. Para kina Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez at House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, tama lang na ipaubaya sa third party ang imbestigasyon dahil may mga kongresista ang nakakaladkad sa nasabing usapin. “I think we need a third party to look into it. Kung Congress kasi ang mag-imbestiga baka sabihin na we investigating ourself so…
Read MoreHYBRID CONCON IPU-PUSH MATULOY LANG CHA-CHA
(BERNARD TAGUINOD) MATULOY lang ang Charter change (Cha-cha), ikinokonsidera ngayon ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang “hybrid” na Constitutional Convention (ConCon) na siyang mag-aamyenda sa 1987 Constitution. Sa isang panayam kay House Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo “Ronnie” Puno, mismong si retired Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno ay nagrekomenda ng ‘hybrid’ system sa pag-amyenda sa saligang batas. “Iniisip ko dahil sabi naman ni former Chief Justice Reynato Puno na pwedeng hybrid Constitutional Convention. ‘Di ko alam kung sa tingin nya pwede itong…
Read MoreE-SABONG TALAMAK SA OBET CAYETANO FARM SA BRGY PULONG BAYABAS, SAN MIGUEL, BULACAN
BULACAN – Nanawagan ang netizens sa lalawigang ito na linisin ng kapulisan ang talamak na online gambling, partikular ang kilalang online sabong na umano’y sumisira sa maraming pamilya, maging mga batang mag-aaral. Ang panawagan ay ipinaaabot nila kay DILG Secretary Jonvic Remulla at kay PNP Chief Nicolas Torre at sa Cybercrime Investigations and Coordination Center na sinasabing nangunguna sa kampanya ng gobyerno para puksain ang mga illegal online platforms. Itinuturo ng isang opisyal ng Kapitolyo rito na ang lugar na pinagdarausan umano ng ilegal na sabong sa internet ay isang…
Read MoreMakaraang manaksak ng 3 biktima NANG-HOSTAGE NG MENOR DE EDAD ARESTADO
BULACAN – Kalaboso ang isang lalaki makaraang manaksak ng tatlo katao at mang-hostage ng isang menor de edad nitong Miyerkoles ng madaling araw sa bayan ng Baliwag sa lalawigan. Batay sa ulat ng Baliwag City Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap kaugnay sa nangyaring hostage-taking dakong ala-1:40 ng madaling araw sa Baliwag Public Market. Kaagad namang nagresponde ang mga tauhan ng Baliwag City Police Station sa loob ng tatlong minuto at nakipagnegosasyon sa suspek subalit tumanggi itong sumuko. Nang makakuha ng pagkakataon si PMSg. Francis Damia, dinamba nito ang…
Read MoreOBRERO PATAY SA RETIRADONG NAVY
CAVITE – Patay ang isang construction worker nang pagbabarilin ng isang retiradong miyembro ng Philippine Navy matapos magtalo habang nag-iinuman sa Brgy. Lapitario, Trece Martires City sa lalawigan noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Marlon Pareja Velaso, 47, ng Brgy. Lapidario, Trece Martires City, Cavite. Samantala, hawak na ng pulisya ang suspek na kinilalang si alyas “Ric”, 59, tubong Occidental Mindoro at residente ng Brgy. Lapidario, Trece Martires City, nahaharap sa kasong murder. Ayon sa ulat, bandang alas-2:40 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Lapidario habang…
Read More