Hindi lang expulsion PLUNDER VS ZALDY CO

HINDI sapat ang simpleng pagpapatalsik kay Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co bilang miyembro ng Kamara — dapat umano itong sampahan ng non-bailable case na plunder. Ito ang mariing pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco matapos ang pormal na pagsasampa ng reklamo laban sa dating chairman ng House Committee on Appropriations sa House ethics committee. Lumabas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nagbaba umano si Co ng P35 bilyong proyekto sa kanyang distrito sa Bulacan mula 2022, kung saan kinotahan umano ito ng 25% na komisyon, ayon kay…

Read More

PROTEKSYON SA KARAPATAN NG MANGGAGAWA PINALAKAS

MANILA — Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 97 na layong tiyakin at palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na malayang bumuo ng unyon, sumali sa asosasyon, at makilahok sa mga lehitimong aktibidad nang walang pangamba ng harassment. Tinintahan nitong Lunes, in-adopt ng EO ang Omnibus Guidelines on the Exercise of Freedom of Association and Civil Liberties at inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa, alinsunod sa Saligang Batas at international labor standards. Tugon ito sa rekomendasyon ng…

Read More

Insertions sa budget pumalo sa P35.24-B P1-B KICKBACK IDINILIBER NG BGC BOYS KAY ZALDY CO

MULING humarap kahapon sa Senate Blue Ribbon committee hearing ang mga personalidad na iniuugnay sa flood control projects anomalies. (DANNY BACOLOD) (SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMABOT umano sa P1 bilyon ang perang dinala sa penthouse ni Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co sa Shangri-La Hotel, Taguig. Base ito sa alegasyon ng dalawang dating district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kabilang sa tinaguriang BGC boys sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, Setyembre 23. Ayon kay Brice Hernandez, dating Bulacan 1st District Engineer, mahigit…

Read More

FREEZE ORDER SA YAMAN NG MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL – SOJ REMULLA

INIHAYAG ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na naglabas na ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa mga indibidwal na iniimbestigahan kaugnay ng maanomalyang flood control projects. Ayon kay Remulla, ang hakbang ay kasunod ng pagsumite ng sworn affidavit ni dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, na naglantad ng umano’y iregularidad sa mga proyekto. Kabilang sa mga tinamaan ng freeze order ang ari-arian at bank accounts nina Senador Joel Villanueva, Senador Jinggoy Estrada, Ako Bicol Rep. Zaldy Co, dating DPWH Undersecretary Roberto…

Read More

3 PATAY, 5 NAWAWALA SA PANANALASA NG BAGYO AT HABAGAT

INIULAT ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon na tatlo na ang nasawi sa pananalasa ng Tropical Depression Mirasol, Super Typhoon Nando, at southwest monsoon. Batay sa situation report, dalawa ang namatay sa Central Luzon at isa sa Cordillera Administrative Region (CAR). Siyam ang sugatan habang lima ang patuloy na pinaghahanap. Hindi pa kasama rito ang iniulat na pagkamatay ng isang matandang biyahero mula Tarlac na nadaganan ng gumuhong lupa nitong Lunes. Isa ring pasahero mula Pasig City ang isinugod sa Saint Louis University Hospital matapos masaktan…

Read More

PATONG-PATONG NA KASO VS RIOTERS SA ANTI-CORRUPTION RALLY

MAHAHARAP sa samu’t saring kaso ang mga nanggulo sa September 21 anti-corruption protest, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso. Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na nasa kustodiya nila ang 127 adults at 89 minors. Sa bilang ng mga menor de edad, 67 ang itinuring na Children in Conflict with the Law (CICL) habang 24 naman ang tinukoy na Children at Risk (CAR). Bukod sa 24 CAR, aabot sa 192 rioters ang kakasuhan ng paglabag sa Batas Pambansa 880 (Public Assembly Act of 1985), Article 146 ng Revised Penal Code…

Read More

JINGGOY, BONG REVILLA SAPUL KAY KIKO

TILA tinumbok ng banat ni Senador Kiko Pangilinan sina Senador Jinggoy Estrada at dating Senador Bong Revilla ukol sa pagkaka-absuelto nila sa kontrobersyal na pork barrel fund scam. “Kung ‘yung sa Napoles cases nauwi sa halip na abswelto ay kulong, hindi na nangyari itong mas malaking kurakot. Plunder ang mga kaso noon, nakakulong na nga pero na-abswelto,” wika ni Pangilinan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Pangilinan, ang pagkakaabsuwelto ng ilang mga sangkot sa pork barrel scam ay humantong sa panibagong…

Read More

BOC–FIL-CHI CHAMBERS NAGKASUNDO VS KORUPSYON AT PARA SA FULL DIGITALIZATION

NAKIPAGPULONG si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa mga miyembro ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) para talakayin ang mga hinaing sa kalakalan at palakasin ang kooperasyon ng Aduana at pribadong sektor. Pinuri ni FFCCCII President Victor Lim si Nepomuceno at nagpasalamat sa pagkakataon na direktang makaharap ang pamunuan ng Customs. Giit ni Lim, mahalaga ang bukas na talakayan at sabayang pagkilos para sa mas maayos na kalakalan. Muling tiniyak ni Nepomuceno ang commitment ng BOC sa transparency at reporma. Aniya, prayoridad…

Read More

‘BIG FISH’ DAPAT MANAGOT SA GHOST FLOOD PROJECT — LCSP

Atty Ariel Inton-6

NANAWAGAN ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na panagutin ang “malalaking isda” sa pulitika at gobyerno kaugnay ng kontrobersyal na ghost flood project upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, hangga’t walang napaparusahan na kongresista, senador at opisyal ng gobyerno, paulit-ulit na mauulit ang kilos-protesta at rally gaya ng naganap noong Setyembre 21, 2025 sa Luneta at EDSA Shrine. “Nagsagawa ng kilos-protesta ang mamamayan upang ipahayag ang kanilang disgusto laban sa maanomalyang flood control…

Read More