ISANG malaking hakbang para sa energy security ng Pilipinas at rehiyon ang nilagdaan sa pagitan ng Paru Paru Koshiro Machi Construction and Trucking Corp at ng Puang Energy Consortium ng Indonesia. Sa ilalim ng kasunduan, tiniyak ang tuloy-tuloy na suplay ng Indonesian coal sa loob ng limang taon, na layong bawasan ang power shortage, tapusin ang paulit-ulit na brownout, at pasiglahin ang ekonomiya lalo na sa mga probinsya. “Hindi lang ito negosyo, kundi isang paraan para tulungan ang mga kababayan natin. Ang mga nasa probinsya ay karapat-dapat sa maaasahang kuryente.…
Read MoreMonth: September 2025
SAFE ZONE SA MAKATI ISINULONG NG PNP AT JAPANESE BIZ LEADERS
NAKIPAGPULONG ang National Police Commission (NAPOLCOM) at ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa mga miyembro ng Japanese business community sa Isla Group headquarters sa Makati para talakayin ang mga isyu ng kaligtasan at seguridad. “Peace of mind isn’t just about knowing your LPG tank is safe—it’s about feeling secure in your surroundings,” pahayag ni Banjo Castillo, Chief Operating Officer ng Isla Group. “Sa tulong ng NAPOLCOM, mas mapapalakas natin ang tiwala at kapanatagan ng aming mga customer, empleyado, at komunidad.” Pinangunahan ni Tomoaki Asai, CEO ng Isla Group,…
Read MoreALCANTARA, HERNANDEZ, MENDOZA, DISCAYAS PASOK NA SA WITNESS PROTECTION – DOJ
ISINAILALIM na sa Witness Protection Program (WPP) ang limang indibidwal na sangkot sa maanomalyang flood control projects matapos magprisinta ng ebidensiyang posibleng bumulaga sa malalaking personalidad sa gobyerno. Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kabilang sa mga protektado na ngayon sina dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara, dating Assistant District Engineer Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at mag-asawang Sarah at Curlee Discaya. Tumindig ang kredibilidad ng grupo matapos personal na magtungo sina Hernandez at Mendoza sa DOJ dala ang CPU na puno umano ng dokumento at ebidensiyang mag-uugnay…
Read MoreCASTRO SA ICI ISSUE: EBIDENSYA ‘DI PWEDENG IMBENTUHIN
“YOU just cannot get evidence out of thin air!” Ito ang matapang na buwelta ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro laban sa pagkuwestiyon ni Senador Rodante Marcoleta sa pagiging independent ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Giit ni Castro, malinaw ang mandato ng ICI—mag-imbestiga nang patas, walang pinapanigan, walang kinakampihan, at higit sa lahat, walang tinatanggap na suhol. “Mag-iimbestiga ang ICI at lahat ng pwedeng pagkukunan ng impormasyon ay kanilang susuriin—mula sa mga dokumento ng gobyerno hanggang sa iba pang anggulo. Hindi pwedeng imbentuhin ang…
Read MoreCOA COMM. INIIMBESTIGAHAN SA FLOOD CONTROL DEALS NG MISIS
INIIMBESTIGAHAN na ng Office of the Ombudsman si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana kaugnay sa kontrobersyal na pagpasok umano ng kanyang misis sa mga proyekto ng gobyerno, kabilang ang flood control projects. Kinumpirma ito ni Quezon Rep. Mike Tan, sponsor ng budget ng Ombudsman, sa deliberasyon ng Mababang Kapulungan. Sagot ito sa matinding pangungulit ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, na matagal nang bumabatikos kay Lipana. Ayon kay Tinio, nilalabag ni Lipana ang Saligang Batas, pero hanggang ngayon ay nananatili ito sa puwesto. Ang asawa umano nitong si…
Read MoreROMUALDEZ DAPAT PIGAIN SA GAA INSERTIONS – SOLON
KASABAY ng nakatakdang pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga mambabatas na pinangalanan sa Senate Blue Ribbon Committee, iginiit ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na dapat ding magpaliwanag ang dating liderato ng Kamara kung paano nangyari ang bilyon-bilyong insertions sa mga nakaraang General Appropriations Act (GAA). “Dapat lang kasuhan ng NBI. Kailangan na harapin nila charges na ipa-file ng NBI dahil ang pinag-uusapan dito ay pera at kaban ng bayan,” ani Diokno. Kabilang sa mga binanggit ni dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry…
Read MoreFLOOD CONTROL GRAFT CASES TARGET TAPUSIN SA 120 DAYS
PLANO ng Sandiganbayan na tapusin sa loob ng 120 araw ang lahat ng kasong pandarambong — lalo na ang maiinit na kaso ng flood control projects anomaly na kinasasangkutan ng mga bigating politiko. Ibinulgar ito ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa budget deliberation ng korte na may P2.885 bilyong pondo. Ayon sa kanya, bumubuo na ng bagong panuntunan ang Sandiganbayan para pabilisin ang paglilitis. Paalala ni Akbayan Rep. Chel Diokno, kung tatagal na naman ang kaso, baka makalusot ang mga tiwaling opisyal. “Mas matagal, mas mahirap panagutin,” aniya.…
Read MoreDelikado ang kaban ng bayan! TRILYONG PONDO SA 2026 NILULON NG BAYARIN
TILA babala ang inihayag kahapon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mahigit limang trilyong piso lamang ang magiging pondo ng gobyerno sa susunod na taon. Ayon kay Davao City Rep. Isidro Ungab, mahigit P5.440 trilyon lang ang totoong magagamit na pondo ng gobyerno sa 2026 dahil halos P1.190 trilyon ay tuwirang ilalaan sa pagbabayad ng utang. At posibleng lumobo pa ito sa P1.353 trilyon kung hindi mapipigil ang patuloy na paglaki ng utang ng Pilipinas. “Taon-taon, pataas nang pataas ang binabayarang utang ng bansa. Ang masama pa,…
Read MoreWATCH OUT JUAN DE LA CRUZ!
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI SA NAKARAANG kolum, nag-iwan ako ng tanong: Pagkatapos ng malaking kilos protesta laban sa korupsyon…ano na ang kasunod nating hakbang? Ipagpapatuloy na lang ang protesta sa Facebook at dito tayo mag-aalburoto at magmumura na wan-to-sawa? Magbabantay na lang muli tayo sa mga susunod na kabanata sa imbestigasyon ng mga anomalya sa flood control projects ng DPWH? Papalakpak kapag may ilang sinibak sa puwesto, kinasuhan at pansamantalang ikinulong? Ipauubaya na lang natin sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na binuo ni PBBM, upang magkaroon…
Read More