CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang construction workers nang maaktuhan habang umiiskor ng marijuana sa loob ng barracks ng construction site sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article II, Section 13 at 15 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Saijean” at “Dennis”. Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi nang makatanggap ang Section 3 Mobile Patrol ng tawag hinggil sa dalawang construction worker na humihithit ng marijuana sa loob ng kanilang…
Read MoreDay: October 3, 2025
PATAY SA CEBU QUAKE, 68 – NDRRMC
IBINABA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Oktubre 3, ang bilang ng mga nasawi bunsod ng nangyaring magnitude 6.8 na lindol, sa 68 mula sa bilang na 72 noong Huwebes. Ayon kay Diego Mariano, officer-in-charge ng Civil Defense Communications and Advocacy Division, ang inilabas na bilang ay base sa verification na ginawa ng inaktibong Management of the Dead and Missing (MDM) cluster, isang bagong tatag na unit sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Sa inilabas na paliwanag ni OCD VII…
Read MoreDSWD TULOY-TULOY RELIEF OPS SA MGA BIKTIMA NG CEBU QUAKE
TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 24/7 ang kanilang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 6.9 lindol sa Cebu noong Setyembre 30. Ayon kay Asst. Sec. Irene Dumlao, tagapagsalita ng DSWD, naka-full force ang mga “Angels in Red Vests” ng Field Office 7 sa pagbibigay ng maiinit na pagkain mula sa mobile kitchen at malinis na inumin gamit ang water tanker at filtration truck sa Bogo City. Naka-istasyon din ang mobile command center sa lugar upang mapabilis ang komunikasyon at pagtugon, lalo’t limitado…
Read MorePNP MAGPAPADALA NG ENGINEERS PARA SA NASIRANG POLICE STATIONS SA CEBU
MAGPAPADALA ng civil engineers ang Philippine National Police (PNP) para suriin ang pinsalang tinamo ng mga himpilan ng pulisya sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol. Ayon kay PNP Community Affairs Division Chief Col. Esmeraldo Osia Jr., makikipagtulungan ang mga PNP engineers sa mga eksperto mula sa Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) Cebu Chapter. Layon ng assessment na malaman kung ligtas pang gamitin ang mga gusali at kung anong hakbang ang dapat gawin para sa rehabilitasyon. Sinabi ni Osia na 34 na police stations at dalawang headquarters ang…
Read MoreCEBU MULING NIYANIG; MAGNITUDE 5.1 EARTHQUAKE NAITALA
MULING nabalot ng pangamba ang maraming residente ng Bogo City nang muling yanigin ng magnitude 5.1 earthquake ang northern part ng Cebu nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ipinararating din sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, isang tectonic quake ang tumama sa hilagang silangan ng Bogo City bandang alas-5:39 ng umaga. Nilinaw ng state seismic bureau na ang lindol na naitala na nasa lalim na 10 kilometro, ay aftershock lamang ng nangyaring magnitude 6.9 earthquake noong Setyembre 30,…
Read MoreREGIONAL DRUG TARGET NADAKIP NG PDEA
ANGELES CITY – Nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang 28-anyos na lalaking kabilang sa listahan ng regional drug target personalities, sa isinagawang anti-narcotics operation noong Huwebes ng hapon sa Barangay Pulung Maragul sa lungsod. Ayon sa ulat na isinumite ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pampanga Office, kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nadakip sa inilatag na buy-bust operation ang isang alyas “Josh”, 28-taong gulang, residente ng Barangay Bulaon, City sa San Fernando, Pampanga. Sinasabing kabilang si Josh sa talaan ng regional targets for…
Read MoreMIYEMBRO NG 20TH CONGRESS NAKUMPLETO NA
UMAKYAT na sa 318 ang miyembro ng 20th Congress matapos pumasok ang tatlong bagong kinatawan ng party-list. Kahapon ng hapon, pormal nang nanumpa sa plenaryo si Abono party-list Rep. Raymund Estrella. Inaasahan ding manunumpa sina Alfred delos Santos ng Ang Probinsyano party-list at Arthur Yap ng Murang Kuryente party-list matapos silang iproklama ng Commission on Elections (Comelec). Sila ang pumalit sa mga kinatawan ng Duterte Youth party-list na hindi pinaupo matapos bawiin ng Comelec ang kanilang rehistrasyon dahil umano sa mga paglabag sa party-list system. Dahil dito, kumpleto na ang…
Read MoreLA SALLE BOTANICAL GARDENS BINUKSAN SA PAMPANGA
NASA larawan sina: (mula kaliwa pakanan) Arch. Vic Dulloog, Josemari Calleja, Anthony Fernandez, Atty. Isabel Tolosa-Datu, Br. Felipe Belleza Jr. FSC – Presidente, LSBG Inc., Rozanno Rufino, Rainerio Borja, Br. Iñigo Riola FSC – Chairman, LSBG Inc., Kirtida Mekani, Carlo Leonio – Nuevocentro Director & Leonio Land Construction President, Jennylle Tupaz – Ayala Land VP, Br. Raymundo Suplido FSC – President, DLSU Science Foundation Inc., Clarissa Teresita Leonio Asuncion – NCI Chairman, Christopher Maglanoc – Ayala Land Estates President & Nuevocentro Director, at Jorge Buenaventura. (Larawan ni ELOISA SILVERIO) PINANGUNAHAN…
Read More2 KASO NG BID-RIGGING SA FC PROJECTS ISINANGGUNI SA PCC
HAHAWAKAN na ngayon ng Philippine Competition Commission ang dalawang kaso ng bid-rigging na kinasasangkutan ng flood control projects, pahayag ng Department of Public Works and Highways nitong Biyernes. Sa isang pahayag, sinabi ng DPWH na “pormal nitong isinangguni ang dalawang kaso ng bid manipulation at bid-rigging sa PCC para sa preliminary inquiry at posibleng pagsasampa ng mga kaso sa ilalim ng Section 14, Chapter III ng Philippine Competition Act.” Ang unang kaso ay laban sa Wawao Builders, IM Construction Corporation, SYMS Construction Trading, St. Timothy Construction Corporation at mga opisyal…
Read More