OKTUBRE NA, MAY NAKULONG NA BA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI na ata matatag ang ayuda nation. Kasi naman, malamang nasa 7 milyong indibidwal ang hindi makatatanggap ng social welfare kung babawasan ang pondo para sa Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS). Tapos walang inilaang pondo para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita program (AKAP) sa panukalang 2026 budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang binawas sa pondo para sa protective services ng DSWD sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP) ay halos P50…

Read More

SALUDO SA MGA GURO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO Kahapon, ipinagdiwang ang World Teachers’ Day na itinalaga bilang araw ng pagkilala at pasasalamat sa mga guro na nagsisilbing haligi ng edukasyon at pangalawang magulang ng mga kabataang pumapasok sa eskwelahan. Kahit na alam natin ang napakahalagang papel na ginagampanan ng mga guro sa edukasyon, batid din natin na maraming pagsubok at hamon sa pagganap nila sa kanilang tungkulin. Ayon sa 2024 report ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), mahigit 80% ng public school teachers ang nagsabing hindi sapat ang kanilang buwanang sahod upang tustusan…

Read More

MASUSING PAGSUSURI NI CONG. PRESLEY DE JESUS SA LUMPSUM ITEMS NG 2026 NAT’L BUDGET

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng plenary debates sa Batasan para sa panukalang 2026 National Budget, kapansin-pansin ang matalim at makabuluhang interpellation ni Rep. Presley de Jesus ng PhilRECA Party-list, hinggil sa lump sum allocations ng pamahalaan. Sa pakikipagpalitan niya ng tanong kay House Appropriations Committee Chairperson Rep. Mika Suansing, binigyang-diin ni De Jesus ang kahalagahan ng transparency at tamang paggamit ng pondo, lalo na sa mga programang may malaking epekto sa buhay ng mamamayang Pilipino—partikular sa disaster preparedness, disaster response, at pension obligations para sa uniformed personnel.…

Read More

Hangga’t may unprogrammed appropriations 2026 BUDGET MAAARI PA RING MAABUSO

HINDI umano maiiwasang muling maabuso ng mga tiwali sa gobyerno ang pambansang pondo hangga’t hindi binubura ang Unprogrammed Appropriations (UA) sa national budget. Ito ang iginiit ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña matapos matiyak na mananatili pa rin ang UA sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) na inaasahang pagtitibayin ng Mababang Kapulungan ngayong linggo. Ayon kay Cendaña, tinatayang 70% ng UA ay nakalaan pa rin sa infrastructure projects, kabilang ang P97.3 bilyon para sa Support to Foreign-Assisted Projects at P80.9 bilyon para sa Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social…

Read More

Kung ayaw mag-resign ni Marcos SNAP ELECTION HIRIT NG PDP

NANAWAGAN ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa ilalim ni deputy spokesman Atty. Ferdinand Topacio na magpatawag ng snap election kung ayaw magbitiw sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa isang press briefing ng Manila City Hall Reporters Association na ginanap sa Century Seafood Restaurant sa Malate, Maynila, sinabi ni Topacio na, “Kung ayaw niyang mag-resign, magpa-snap election na lang siya.” Kabilang ang PDP sa mga grupong nananawagan ng “Marcos Resign” o ng pagsasagawa ng snap election. Samantala, sinopla ng Department of National Defense (DND) ang mga nag-uudyok na lumahok…

Read More

ZALDY CO PINAKAKANTA SA PINONDOHANG PARTY-LIST GROUPS

BINIRA ng vlogger na si Mark Anthony Lopez ang nagbitiw na si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at inakusahan itong pinondohan ang ilang party-list group nitong nakalipas na midterm election. Nag-iwan din ng palaisipan sa kanyang mga follower ang tanong ni Lopez kung ano ang deal ni Co sa Comelec matapos iproklama ang tatlong party-list bilang kapalit ng diniskwalipikang Duterte Youth. Ani Lopez, dapat isiwalat na ni Co ang nalalaman niya sa mga party-list na kanyang sinuportahan dahil tatraydurin din umano siya ng mga ito. Diumano, maraming party-list na…

Read More

HALOS P1-B BUDGET NG OVP NAMUMURONG TABLAHIN SA KAMARA

DAHIL umano sa pag-aastang “bratinela” ni Vice President Sara Duterte, mistulang hindi nakumbinsi ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na aprubahan ang halos P200 milyong dagdag na pondo na hinihingi ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon. Ayon kay Lanao del Norte Rep. Zia Alonto Adiong, malaki ang posibilidad na mapanatili sa P733 milyon ang 2025 budget ng OVP matapos tatlong beses balewalain ni Duterte ang imbitasyon ng Kamara na dumalo at ipaliwanag ang kanyang hinihinging karagdagang pondo. “May nag-propose na i-maintain na lang ang fund…

Read More

CONSPIRACY PARA PATALSIKIN SI PBBM ITINANGGI NG AFP

TAHASANG itinanggi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga lumabas na alegasyong nakikipagsabwatan umano ang militar sa mga retiradong heneral at relihiyosong grupo para mapatalsik si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “The coup rumors are not true. I myself was surprised when I saw the article,” pahayag ni Brawner sa isang forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines na ginanap sa Camp Aguinaldo. Ito ay kaugnay sa lumabas na artikulo na isinulat ni Pulitzer awardee Manny Mogato, na nagsasabing may isang retiradong heneral…

Read More