SINAYANG NG OFW PARTY-LIST ANG PAGKAKATAON NA MAKATULONG

RAPIDO ni PATRICK TULFO SA lumalalang problema ng mga abandonadong balikbayan boxes sa Bureau of Customs, nanghihinayang tayo sa pagkakataon na pinakawalan ng OFW party-list na mabigyan sana ng karampatang solusyon ang isyung ito. Ayon sa datos ng Bureau of Customs, nasa 90 containers na ang abandonadong containers at ito ay sa Makati Express Cargo pa lang. Hindi pa kasama ang iba pa tulad ng Tag Cargo, TPE, ACCE, at Cargoplus at kung susumahin ay aabot sa halos 120 containers. Samakatuwid kung pagbabasehan natin ang laman ng isang 40-footer na…

Read More

BIGYAN NG LINAW, HINDI PANIBAGONG PARATANG

CLICKBAIT ni JO BARLIZO ANG mga taong pumupuna ba sa gobyerno ang tunay na may kasalanan o sila lamang ang nagiging mukha ng mas malalim na isyu? Muling umigting ang tanong na ito sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa flood control projects. Marami ang nababahala sa kabagalan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pag-usad ng kaso. Sa ilang buwang lumipas, wala pa ring malinaw na mapapanagot. Dapat na kumilos nang mas mabilis ang komisyon, sapagkat napapagod na ang taumbayan sa puro pangakong aksyon. Makatarungan namang…

Read More

YOSI SA BI JAIL, P10K KADA RIM?

BISTADOR ni RUDY SIM SUNOG ang baga, sunog din ang bulsa. Ganito ilarawan ng foreign inmates na nakapiit sa kulungan ng Bureau of Immigration, warden facility unit sa Bicutan, ang raket ‘di-umano ng isang mataas na opisyal sa pananamantala sa pagbebenta ng bisyong sigarilyo at alak. Kung si Samson sa banal na aklat ay nabiyayaan ng pambihirang lakas dahil sa kanyang mahabang buhok ay iba naman ang lakas na taglay nitong opisyal ng BI na dahil naman sa ibinigay na kapangyarihan ng kanyang superior officer ay tila naging bulag-bulagan ang…

Read More

NEA, PHILRECA AT TFK SANIB-PWERSA SA PAGBANGON NG TYPHOON VICTIMS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA tuwing nananalasa ang malalakas na bagyo sa ating bansa, isa sa mga unang nawawala ay ang kuryente — at kasama nito, ang pag-asa ng mga komunidad na makabalik agad sa normal na pamumuhay. Ngunit sa pagkakataong ito, muli na namang napatunayan na sa harap ng dilim, nariyan ang Task Force Kapatid (TFK) upang maghatid ng liwanag at pag-asa sa mga Pilipinong lubhang naapektuhan ng kalamidad. Pinangunahan ng National Electrification Administration (NEA) sa ilalim ni Administrator Antonio Mariano Almeda, katuwang ang Philippine Rural Electric Cooperatives…

Read More

Challenge accepted! P4.4-B FC PROJECTS SA DAVAO IIMBESTIGAHAN

paolo duterte12

BILANG tugon sa hamon ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte, pormal na naghain ng resolusyon si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio para imbestigahan ang umano’y maanomalyang flood control projects sa Davao City na nagkakahalaga ng mahigit P4.4 bilyon. “When Rep. Paolo Duterte said ‘Davao has nothing to hide,’ he challenged authorities to inspect the projects. We are taking up that challenge. The Filipino people demand accountability from everyone involved in this systematic corruption, whether from the previous or current administration,” ani Tinio. Sa ilalim ng House Resolution No.…

Read More

Panibagong pangako ni Marcos Jr. MGA SABIT SA FLOOD SCAM HIMAS-REHAS SA PASKO

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na makararating ang Pasko sa mga opisyal at personalidad na sangkot sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno. “Alam ko, bago mag-Pasko… palagay ko matatapos na ‘yung kaso nila. Buo na ‘yung kaso nila. Makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas. Before Christmas, makukulong na sila,” pahayag ng Pangulo sa press conference sa Presidential Broadcast Studio, Kalayaan Hall, Malacañang, nitong Huwebes, Nobyembre 13. Nauna nang sinabi ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na kumpiyansa siyang makukulong ang mga sangkot bago…

Read More

MAG-ASAWA NAHULIHAN NG 1 KILO NG SHABU

ZAMBOANGA DEL NORTE – Dalawang high value target ang nahulihan ng isang kilo ng crystal meth o shabu sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug enforcement Agency sa Dipolog City sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, tinatayang P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng kanyang mga tauhan mula sa PDEA Regional Office 9- Zamboanga del Norte Provincial Office. Arestado ang mag-asawa sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA RO9 Zamboanga del Norte Provincial Office, na kapwa umano itinuturing na…

Read More

AGNAS NA SANGGOL, NATAGPUAN SA ILOG

CAVITE – Isang lalaking sanggol na inaagnas na ang natagpuan sa isang ilog sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa nakakita, nangunguha siya ng sili sa kanyang taniman sa tabi ng ilog sa KPNP sa Brgy. Santiago, Gen. Trias, Cavite bandang alas-10:30 ng umaga nang makalanghap siya ng masangsang na amoy. Tinunton niya ang pinanggagalingan ng amoy at bumulaga sa kanya ang isang naaagnas nang bangkay ng isang lalaking sanggol na walang damit at nakalutang sa ilog. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton kung…

Read More

NEGOSYANTE NIRATRAT SA KANYANG RESTO

QUEZON – Patay ang isang negosyante matapos ratratin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng kanyang restaurant sa Sitio Balete, Barangay Sampaloc 2, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan pasado alas-9:00 ng gabi noong Miyerkoles. Kinilala ang napatay na si “Rosidillo”, 53, residente ng nasabing barangay. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril umano ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang biktima habang nasa loob ito ng kanyang kainan. Tinamaan ang biktima ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agarang nitong ikinamatay. Mabilis na tumakas ang mga…

Read More