DEATH TOLL SA POWER PLANT FIRE, UMAKYAT SA 3

QUEZON – Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pagsabog at sunog sa Pagbilao Power Plant sa Barangay Ibabang Polo sa bayan ng Pagbilao sa lalawigan noong gabi ng Oktubre 31. Pinakahuling binawian ng buhay si Alvin Subeldia, empleyado ng Kapit-Bisig Ugnayan Multi-Purpose Cooperative, pumanaw nitong Huwebes ng umaga sa The Medical City, Pasig City, matapos ang halos dalawang linggong pakikipaglaban para sa kanyang buhay. Sa opisyal na pahayag ng Pagbilao Energy Corporation (PEC), labis ang kanilang ang pagdadalamhati sa pagkamatay ni Subeldia, ang ikatlong biktima…

Read More

Solon: Anti-dynasty bill tutuldok sa ‘pamana-style’ na pulitika ‘KABIT’ NG POLITIKO IBABAWAL DIN SA GOBYERNO

Dinagat Rep Arlene Bag-ao

KAHIT ang mga live-in partner ng incumbent officials, bawal nang kumandidato sakaling maipasa ang bagong anti-political dynasty bill na isinusulong ngayon sa Kamara, ayon kay Dinagat Islands Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao. Sa ambush interview matapos ihain ang House Bill 5905 o “The Anti-Political Dynasty Act,” nilinaw ni Bag-ao na sakop ng pagbabawal hindi lang ang mga asawa, anak, magulang, biyenan, lolo’t lola at first cousins, kundi pati ang mga live-in partners ng kasalukuyang halal na opisyal. “Kasama dito ang lahat ng klase ng spouses kahit po yung hindi legally married…

Read More

MARCOS: PASSPORT NI ZALDY CO KAKANSELAHIN ‘PAG MAY KASO NA

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad niyang ipag-uutos ang pagkansela sa pasaporte ni dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co sa oras na pormal nang maisampa ang mga kasong kriminal laban dito kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects. Sa press conference sa Presidential Broadcast Studio sa Kalayaan Hall, Malacañang, nitong Huwebes, Nobyembre 13, tinanong ang Pangulo kung kakanselahin ba agad ang pasaporte ni Co o pipilitin itong bumalik sa bansa para harapin ang mga kaso. “I think that is best directed at lawyers because that is…

Read More

FILIPINO WAR VETERAN BINIGYAN NG BAHAY NG SOUTH KOREA ARMY

BAHAGI ng paglalarawan na hindi nakalilimot ng kanilang utang na loob ang South Korea sa Pilipinas, isang Filipino Korean War veteran ang pinagkalooban ng pabahay sa Laguna ng South Korea Army. Bilang katibayan ng matatag na pagkakaibigan ng Pilipinas at South Korea, isang housing unit ang ipinagkaloob kay Philippine Expeditionary Force to Korea (PEFTOK) veteran, Sgt. Florendo Benedicto (Ret.) na inilaan para sa Korean War veterans, sa ginanap na awarding ceremony sa Barangay Parian, Calamba, Laguna noong Miyerkoles. Pinangunahan nina Ambassador of the Republic of Korea in the Philippines Lee…

Read More

DOT: P95-M PRESIDENTIAL AID INILAAN SA NEGROS

NANGUNA sa relief operations sa Negros sina DOT Secretary Christina Garcia Frasco at Education Secretary Sonny Angara kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para tulungan ang mga nasalanta ng bagyo. Kasama sa tulong ng gobyerno ang pagkakaloob ng P95 milyong presidential aid para sa Negros matapos bisitahin ang lugar. Ang inilaang pondo ay upang palakasin ang rehabilitation efforts ng gobyerno. Sa nasabing pondo, P50 milyon ang mapupunta sa probinsya ng Negros Occidental, at tig-P10 milyon sa La Carlota City at munisipalidad ng La Castellana at Moises Padilla.…

Read More

7 GENERALS, 3 COLONELS SAPOL SA PNP RESHUFFLE

ALINSUNOD sa General Order ni PNP Acting chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa isinailalim sa balasahan ang pitong heneral at tatlong colonel. Kabilang sa pitong heneral na isinailalim sa panibagong balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ay si PBGen. Wilson Asueta na uupo bilang bagong hepe ng PNP Anti-Cybercrime Group mula sa Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM). Habang si PBGen. Eleazar Matta na mula naman sa Police Regional Office 9 o Zamboanga Peninsula PNP, ay siyang papalit kay Asueta sa DICTM. Buhat…

Read More

INTERESTED BUYERS NG LUXURY VEHICLES NG DISCAYAS DUMAGSA SA ADUANA

DUMAGSA sa Bureau of Customs ang mga interesadong bumili ng luxury vehicles ng mag-asawang government contractors na sina Pacifico “Curlee” Discaya At Cezarah “Sarah” Discaya na umano’y nasa likod ng multibillion flood control scandal. Inihayag ng BOC, maraming interested bidders ang nagtungo nitong Huwebes sa Aduana para personal na masilip ang pitong luxury cars ng mag-asawang Discaya na pakay na isubasta sa Nobyembre 20, 2025. Nabatid na huling araw ngayon ng public viewing ng mga mamahaling sasakyan na nagsimula pa noong Nobyembre 12, 2025. Ang nasabing luxury vehicles ay naka-display…

Read More

Senador tumakbo sa Supreme Court CIDG: HANDANG ARESTUHIN SI BATO KUNG MAY ICC WARRANT

INIHAYAG ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II na wala pa silang natatanggap na anomang dokumento o warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Gayunman, tiniyak ni Morico na handa silang tumulong sakaling ipasagawa sa kanila ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP). “Kung sakaling makatanggap kami ng kopya ng warrant of arrest ng ICC, handa kaming isilbi. Bahagi ng aming mandato ang imbestigahan at arestuhin ang…

Read More

BARZAGA KINASUHAN NG SEDITION SA MADUGONG RALLY SA MAYNILA

KINUMPIRMA ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagsampa ito ng kasong inciting to sedition laban kay Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa Quezon City Prosecutor’s Office. Ayon kay CIDG Director Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, ang reklamo ay may kaugnayan sa kaguluhan sa Recto at Mendiola sa Maynila noong Setyembre 21 sa gitna ng tinaguriang “Trillion Peso March.” Kasama si Barzaga sa 97 indibidwal na kinasuhan. Hiwalay ito sa nauna nang kaso laban sa kanya dahil sa pagdalo sa rally kontra gobyerno sa Forbes…

Read More