TARGET ni KA REX CAYANONG SA harap ng maiingay na paratang at walang basehang espekulasyon, muling ipinakita ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang uri ng lideratong tapat, matapang, at bukas sa publiko. Aba’y sa pagharap niya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), pinatunayan niyang wala siyang itinatago at handa siyang makipagtulungan sa anomang proseso na naglalayong makamit ang katotohanan. Hindi nag-atubili si Cong. Sandro na bigyang kapangyarihan ang ICI na ilabas ang video ng kanyang testimonya kung nanaisin ng komisyon. Malinaw ang kanyang…
Read MoreDay: December 7, 2025
RECTO NILINIS NG KORTE; TANONG NG BAYAN: BAKIT ISININGIT NG KONGRESO ANG PROBISYON SA GAA?
LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS KUNG may dapat magpaliwanag ngayon, hindi si dating Department of Finance Secretary at ngayo’y Executive Secretary Ralph Recto — kundi ang mismong Kongreso na gumawa ng Special Provision 1(d). Korte Suprema na ang nagsabi: Recto acted in good faith. Walang criminal liability. Ayon kay Justice Zalameda ang proseso ay “Strictly ministerial… relied on clearances from the OGCC, COA, and GCG.” Ibig sabihin, bawal siyang tumanggi. Kung hindi niya ipinatupad, sabi ni Justice Villanueva: “Then he may possibly become culpable of violating the law…” Ayun pala.…
Read MoreROMUALDEZ, CO SILIPIN DIN SA PHILHEALTH FUNDS TRANSFER
CLICKBAIT ni JO BARLIZO HETO isa sa mga tanong ngayon na hindi pa direktang sinasagot. Paano nga ba nagsimula ang mekanismong nagsasauli ng P60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury? Kung titingnang maigi, malinaw naman ang trail na galing mismo ito sa Kongreso, lalo na sa panahong Chairperson si dating Cong. Zaldy Co ng House Appropriations Committee. Noong Nobyembre 2023, isinulong ni Co ang House Bill No. 9513, isang panukalang batas na nagpapahintulot sa gobyerno na gamitin ang idle o excess funds ng government-owned or…
Read More2 BI LAWYERS PASIMUNO NG COLOR CODING SCHEME
BISTADOR ni RUDY SIM DALAWANG mataas na opisyal ng Bureau of Immigration, na pawang mga kumag na abogado, ang siyang pasimuno di-umano ng “Color Coding Scheme” bilang palatandaan na ito ay cleared na, at pasok sa kanilang bulsa at hindi na kailangang dumaan pa sa review ng mga tolongges na unit offices ng ahensya. Mula nang ibinisto natin ang bagong raket ng dalawang opisyal na itatago na lamang natin sa pangalang “Atty. Yoga Bear” na miyembro ng isang malaking religious group, at Atty. Home Alone”, ay halos umikot ang mga…
Read MoreMARCOS JR. ‘DOUBLE STANDARD’ SA SAHOD
DAPAT bigyan ng parehong pagpapahalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga manggagawa sa pribadong sektor, tulad ng pagbibigay nito ng umento sa military and uniformed personnel (MUP), ayon kay Deputy Speaker at TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza. Reaksyon ito ng labor solon matapos ipalabas ang Executive Order 107, na magtataas ng base pay at subsistence allowance ng mga sundalo, pulis, bumbero, jail guards, coast guards at mga kawani ng NAMRIA simula Enero 1, 2026. “Mr. President, wala dapat double standard. Kung kaya natin taasan ang sweldo ng…
Read MoreRADIO BROADCASTER PATAY SA SAKSAK
PATAY ang radio anchor na isa ring municipal councilor ng Marihatag, Surigao del Sur matapos pagsasaksakin sa mismong gasolinahan sa Barangay Poblacion, Sabado ng umaga. Dead on arrival sa Marihatag District Hospital ang biktimang si Councilor Gerry Sales Campos, na tinadtad ng saksak sa sikmura. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sandy Constantin Rivas, na agad na sumibat matapos ang krimen pero nahuli rin sa hot pursuit operation. Nakatakda na itong sampahan ng kasong pagpatay. Sa inisyal na imbestigasyon, kabababa lang umano ni Campos mula sa sasakyan sa isang…
Read MoreP107-B NG PDIC DAPAT IBALIK DIN NG BBM ADMIN
IGINIIT ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na dapat ibalik ng gobyerno hindi lang ang P60 bilyong pondo ng PhilHealth, kundi pati ang P107 bilyong kinuha sa Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang paglipat ng PhilHealth funds sa National Treasury (NTr). Ayon kay Rodriguez, proteksyon ng bank depositors ang nakumpiskang pondo at hindi dapat ginamit ng gobyerno sa ibang layunin. “The P107 billion is intended for bank deposit insurance coverage. Its transfer to the national government prejudiced millions of bank depositors,” mariing pahayag…
Read MorePALASYO SA LILIKHAING IPC: BAKA KOPYA LANG NG OMBUDSMAN, DOJ
POSIBLENG magdulot ng “redundancy” o pag-uulit ng tungkulin ang panukalang Independent People’s Commission (IPC) kung itutulak ito ng Kongreso, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro. Sabi ni Castro, papasok sa gawain ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang IPC dahil hindi lamang flood control projects ang saklaw nito kundi pati iba pang infrastructure projects. “Kung gagawa sila ng batas para mag-create ng Independent People’s Commission, sana ‘yung constitutionality nito ay hindi makuwestiyon dahil baka magkaroon ng redundancy,” pahayag ni Castro sa isang panayam. Aniya,…
Read MoreCommuters lawyers sa impounding ng sasakyan ng mga raliyista UTOS NG MALAKANYANG O TRIP NG LTO ENFORCERS?
HUMIHINGI ng paliwanag ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) kay Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Marcus Lacanilao kaugnay ng umano’y pag-impound ng mga sasakyan ng mga lumahok sa isang protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan. Tanong nila, kaninong direktiba ang nasabing aksyon o kung iyon ba ay ‘trip’ lang ng mga enforcer ng ahensya. Ayon sa LCSP, limang jeep at isang van ang hinuli at inimpound ng LTO–NCR enforcers noong Nobyembre 30, 2025 bandang alas-9 ng umaga. Sakay umano ng mga naturang sasakyan ang mga miyembro ng…
Read More