PH, CHINA NAGDAOS NG BILATERAL TALKS SA CEBU UKOL SA USAPIN NG SCS

NAGDAOS ng bilateral talks ang mga senior diplomat mula sa Pilipinas at Tsina ukol sa pinagtatalunang South China Sea sa sidelines ng ASEAN ministerial meeting sa Cebu. Pinangunahan ang pulong nina DFA Undersecretary for Policy Leo Herrera-Lim at Hou Yanqi, Director-General ng China’s Department of Boundary and Ocean Affairs, kung saan tinalakay ang maritime issues at ang implementasyon ng umiiral na non-binding ASEAN-China code. Ayon sa DFA, naging bukas at prangkahan ang palitan ng pananaw hinggil sa bilateral relations, regional concerns at international issues na may mutual interest. Nagbabala ang…

Read More

HIGIT P10-M CANNABIS SINUNOG NG PDEA

TINATAYANG mahigit P10.6 milyon halaga ng marijuana plants ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency sa dalawang araw na operasyon sa Sitios Les-eng at Batangan, Tacadang, Kibungan, Benguet. Ayon kay PDEA PIO Director Laurefel P. Gabales, sinuyod ng mga operatiba ang 7,150 metro kuwadradong taniman at winasak ang humigit-kumulang 53,650 puno ng marijuana na nilinang sa 15 magkakahiwalay na lugar. Ang mga halaman ay agad sinunog sa mismong lugar at ibinaon ang mga abo. Wala mang naaresto, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang may-ari ng lupa at ang mga responsable…

Read More

OIL SPILL BANTA SA LUMUBOG NA MV TRISHA KERSTIN 3; OVERLOADING SINISILIP

INIIMBESTIGAHAN ng Philippine Coast Guard ang posibilidad ng oil spill sa bahagi ng dagat na pinaglubugan ng ill-fated MV Trisha Kerstin 3 habang nagpapatuloy ang masusing beripikasyon sa kabuuang bilang ng mga sakay ng lumubog na ferry. Ito ay kasunod ng paglalabas ng Sulu Disaster Risk Reduction and Management Office ng online list ng “suspected missing persons” na umaabot umano sa 49 katao na mas mataas sa unang bilang na inilabas ng PCG. Patuloy ang search, rescue, at retrieval operations sa mga nawawalang pasahero sa katubigan ng Baluk-Baluk Island, Basilan.…

Read More

3 NASAWI SA ROAD MISHAP SA CAMSUR

PATAY ang tatlo katao habang isa ang nasa kritikal na kalagayan matapos suyurin ng isang SUV ang dalawang motorsiklo at isang trimobile sa Barangay San Juan Bautista, bayan ng Goa, Camarines Sur. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake umano ang SUV driver sa isang trimobile nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at masagi ang sasakyan. Dahil dito, kinain ng SUV ang kabilang linya at tuluyang sumalpok sa dalawang kasalubong na motorsiklo. Dead on the spot ang magkapatid—isang babae at isang lalaki—na sakay ng unang motorsiklo, gayundin ang…

Read More

APAT NA MAGKAKAANAK PATAY SA PAMAMARIL SA COTABATO, ISA KRITIKAL

NASAWI ang apat na magkakamag-anak habang isa ang sugatan matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sitio Esrael, Barangay New Abra, Matalam, Cotabato nitong Huwebes ng gabi. Ayon sa ulat ng Matalam Municipal Police Station, bandang alas-7:10 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag kaugnay ng insidente at agad na rumesponde sa lugar. Pagdating ng mga awtoridad, bumungad ang duguang mga biktima kung saan apat ang patay na at isa ang isinugod sa pagamutan. Kinilala ang mga nasawi na sina Rashid Sahay Mampo, Rica Jane Maidlos, Daryl…

Read More

COMELEC INILABAS CALENDAR OF ACTIVITIES PARA SA BSKE 2026

PORMAL nang inilabas ng Commission on Elections ang calendar of activities para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026. Kabilang sa mahahalagang petsa ang nationwide voter registration mula Oktubre 20, 2025 hanggang Mayo 18, 2026, maliban sa BARMM na magsisimula sa Mayo 1 hanggang 18, 2026. Isasagawa ang filing ng Certificates of Candidacy mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2026, habang ang campaign period ay mula Oktubre 22 hanggang 31, 2026. Ang election day ay nakatakda sa Nobyembre 2, 2026. Ang election period naman ay mula Oktubre 3 hanggang Nobyembre…

Read More

NARTATEZ SA NCRPO AT PRO-3: PAGPASLANG SA BABAENG PULIS AT ANAK, SOLUSYUNAN AGAD

INIUTOS ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa NCRPO at Police Regional Office 3 na bigyang prayoridad ang imbestigasyon sa brutal na pagpaslang sa isang babaeng pulis at kanyang 8-anyos na anak. Ipinag-utos ng PNP chief ang paggamit ng lahat ng available resources upang mabilis na maresolba ang pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido ng Taguig City at sa kanyang anak. Si Mollenido ay nakatalaga sa Regional Personnel and Records Management Division ng NCRPO. Huling nakitang buhay ang mag-ina noong Enero 16 matapos umanong ibenta…

Read More

PANIBAGONG OPH SA SUSUNOD NA LINGGO POSIBLE— DOE

gas

MULING magtataas ng presyo ang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy. Batay sa pagtataya ng Oil Industry Management Bureau, maaaring tumaas ng humigit-kumulang P0.10 kada litro ang gasolina, P0.85 sa diesel, at P0.45 naman sa kerosene. Ayon sa DoE, ilan sa mga dahilan na nakaaapekto sa inaasahang pagtaas ng presyo ang masamang panahon sa Estados Unidos, mga insidente ng sunog at power issues sa Kazakhstan, patuloy na risk premium kaugnay ng Iran, at ang desisyon ng OPEC+ na ihinto ang pagtaas ng oil output.…

Read More