MAY PAG-ASA BA TALAGA SA PILIPINAS ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY LAW?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HAWAK pa rin ng mga miyembro ng mga politikal na dinastiya ang karamihan ng pambansang posisyong pampulitika sa bansa, ayon sa Anti-Dynasty Network. Sa pag-aaral ng ADN, sa 20th Congress, 238 o 76% 315 miyembro ng House of Representatives at 20 o 83% ng 24 senador ay mula sa palagay na mga pamilya ng dinastiyang pulitikal. Kung pagbabatayan ang datos na ito, gaano kalaki ang tsansa na tuluyan nang mabuwag ang political dynasties sa bansa? Noong Disyembre, inatasan ni President Ferdinand Marcos Jr. sina Senate President…

Read More

SERBISYONG MAY PUSO: HANAPBUHAY PARA SA SENIOR CITIZENS, PINALALAKAS SA MAYNILA

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NOONG Lunes, February 2 ay Isinulong ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mas inklusibong hanapbuhay sa lungsod matapos lumagda ng kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Starbucks para palawakin ang “Work for Senior Citizens and PWDs” program. Ayon kay Moreno, napatunayan na mas maayos ang samahan sa trabaho at mas maganda ang ugnayan sa kostumer kapag may mga nakatatanda sa hanay ng mga empleyado. Binigyang-diin ng alkalde na matagal nang ginagawa sa ibang bansa sa Asya ang pagbibigay ng trabaho sa…

Read More

VICE MAYOR ELAN AT SANGGUNIANG BAYAN: SERBISYONG HANDA, SAHOD NA INIAALAY PARA SA MGA ESTUDYANTE!

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon na madalas marinig ang reklamo tungkol sa kakulangan ng pondo sa edukasyon, kapansin-pansin ang naging hakbang ng Sangguniang Bayan ng San Leonardo sa pamumuno ni Vice Mayor Froilan “Elan” Nagaño. Sinasabing sa halip na puro pangako, agarang aksyon ang kanilang pinili, isang konkretong tugon sa pangamba ng mga mag-aaral ng NEUST Off-Campus hinggil sa posibilidad ng kakulangan ng pondo at pagsasara ng programa. Ang pagdulog ng mga estudyante ay hindi binalewala. Ito ay hinarap sa mismong sesyon at ginawan ng resolusyon. Ipinakita rito…

Read More

FLOOD CONTROL CASES VS CO, VILLANUEVA ‘FOR RESO’ NA – DOJ

ISINUMITE na para sa resolusyon ng Department of Justice (DOJ) ang mga reklamong isinampa laban kina Senador Joel Villanueva at dating Ako Bicol Party-list representative Zaldy Co kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, nahaharap si Villanueva sa tatlong magkakahiwalay na reklamong malversation of public funds na walang piyansa. Sinabi ni Martinez na nakapaghain na ang senador ng kanyang counter-affidavit upang pabulaanan ang mga alegasyon na una na niyang tinawag na katawa-tawa. Nilinaw naman ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon…

Read More

SARAH DISCAYA KINASUHAN NG TAX EVASION

SINAMPAHAN na ng Department of Justice (DOJ) ng apat na bilang ng kasong tax evasion ang kontraktor na si Sarah Discaya sa Court of Tax Appeals kaugnay ng umano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, isinampa ang mga kaso noong Pebrero 3, 2026 matapos umanong makitaan ng prima facie evidence with certainty of conviction si Discaya sa paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997. Batay sa imbestigasyon, pinaniniwalaang itinago umano ni Discaya ang tunay na kita sa kanyang…

Read More

GOITIA: PILIPINAS WALANG ISUSUKONG TERITORYO

IGINIIT ni Dr. Jose Antonio Goitia na hindi dapat umatras ang Pilipinas sa usapin ng soberanya at karapatang pandagat ng bansa, lalo na sa harap ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea. Ayon kay Goitia, hindi maaaring palampasin ang mga pag-atake laban sa legal na posisyon ng Pilipinas at sa mga institusyong tulad ng Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP). “Ang mga pag-atake sa legal na posisyon ng Pilipinas, lalo na laban sa PCG at AFP, ay hindi maaaring palampasin. Kapag pinahihina ang mga…

Read More

ERWIN TULFO HINIMOK MGA KAPWA MAMBABATAS NA IPASA NA WPS EDUCATION BILL

NANAWAGAN si Senate committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahang mambabatas na pabilisin ang pagpasa ng Senate Bill No. 1625, o ang “West Philippine Sea (WPS) Education Act.” Layunin ng panukalang ito na gawing bahagi ng kurikulum sa basic at higher education ang pag-aaral tungkol sa mga teritoryong pandagat ng bansa. “Bagama’t ito ay isang kritikal na usapin sa soberanya ng Pilipinas, tila marami pa ring mga Pilipino ang walang sapat na kaalaman tungkol sa West Philippine Sea at iba pang teritoryo ng bansa. Kaya naman…

Read More

ISINARANG KALSADA SA LAGUNA NAGDULOT NG TENSYON

LAGUNA – Isinara ang Casile Road sa Cabuyao City sa lalawigan noong Sabado, Pebrero 7 dahil sa matagal nang usapin sa pagmamay-ari ng lupa sa pagitan ng mga residente at isang korporasyon. Ang biglaang pagsasara ay nagdulot ng matinding abala sa mga manggagawa, estudyante, at motorista na gumagamit nito bilang alternatibong ruta patungong Tagaytay. Nagkaroon ng tensyon sa lugar nang magkasagupa ang dalawang grupo na humantong sa batuhan at mga putok ng baril sa kabila ng presensya ng mga awtoridad. Giit ng mga residente, may hawak silang dokumento mula sa…

Read More

P.3-M SHABU NASAMSAM SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang P340,000.00 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam at nagresulta sa pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Biyernes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang suspek na si alyas “Vic”, 40 ng Dasmariñas City. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas Component City Police Station sa…

Read More