BINIGYAN ng 10 araw ng Korte Suprema ang Senado, House of Representatives at iba pang respondents upang magkomento sa petisyong inihain ni Vice President Sara Duterte laban sa kanyang impeachment. Ito ay matapos talakayin ng Supreme Court En Banc ang pinagsamang petisyon nina Atty. Israelito Torreon at ng Bise Presidente. Kinuwestiyon sa petisyon ang constitutionality ng impeachment proceedings na kasalukuyang tinatalakay sa House Committee on Justice. Hinihiling ng kampo ni VP Sara na maglabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) upang ipahinto ang proseso, at ideklarang unconstitutional ang dalawang…
Read MoreDay: April 8, 2026
MALACAÑANG PINASINUNGALINGAN ISYU SA KALUSUGAN NI PBBM
PINABULAANAN ng Malacañang ang kumakalat na espekulasyon sa social media hinggil sa umano’y seryosong karamdaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “He is well,” pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Nilinaw ni Castro na ang pagpayat ng Pangulo ay dulot ng pag-iingat sa pagkain matapos makaranas ng sakit na dulot ng diverticulitis. “Noon pa yan… kaya nag-iingat na siya sa pagkain dahil ayaw na niyang maranasan ang pain na yun ulit,” ani Castro. Dagdag pa niya, wala umanong ibang seryosong kondisyon ang Pangulo at nasa…
Read MoreSA PAGSIPA NG INFLATION SA 4.1%, PERA PINATATAASAN
UMAPELA si ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad aprubahan ang pagtaas ng Personnel Economic Relief Allowance (PERA) kasunod ng pagsirit ng inflation rate sa 4.1% nitong Marso. Ayon kay Tinio, halos nadoble ang inflation mula 2.4% noong Pebrero, dulot ng umiiral na global crisis. “Every peso of a teacher’s pay buys less. Combined with relentless oil price hikes, this is an emergency for educators and public servants. PERA must be increased now,” ani Tinio. Binigyang-diin ng mambabatas na nananatiling P2,000 ang…
Read MoreAUTOMATIC INFLATION-TRIGGERED FUNDING KONTRA PAGTAAS NG BILIHIN, IGINIIT
IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat maging batas na ang pagpapatupad ng ‘automatic inflation-triggered funding’ para sa social assistance programs kapag umabot sa kritikal na antas ang presyo ng mga bilihin, pamasahe, at utilities tulad ng kuryente at tubig. Sinabi ni Gatchalian na nakapaloob na rin ito sa rekomendasyon ng Senate PROTECT Committee na naglalayong protektahan ang mga tinatawag na vulnerable families mula sa matinding epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan. Sa ilalim ng iminumungkahing sistema, ang mga kasalukuyang benepisyaryo — gaya ng mga nasa ilalim ng 4Ps —…
Read MoreKAMPANYA LABAN SA CHILD LABOR, PINAIIGTING NG DOLE
MAS pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kampanya laban sa child labor sa ilalim ng Philippine Program Against Child Labor (PPACL). Layunin ng programa na wakasan ang sapilitang pagtatrabaho ng mga bata at matiyak ang kanilang access sa edukasyon at proteksyong panlipunan. Mula 2022 hanggang 2024, bumaba ang bilang ng child laborers mula 828,000 sa 509,000, habang mahigit 232,000 bata ang nailayo sa mapanganib na trabaho. Sa ilalim ng Project Angel Tree, higit 59,000 bata ang nabigyan ng tulong tulad ng pagkain, damit at school supplies. Samantala,…
Read MoreTEODORO SA ARAW NG KAGITINGAN: “MANINDIGAN PARA SA REPUBLIKA!”
NANAWAGAN si Department of National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. sa mga Pilipino na “piliin ang Republika” sa gitna ng mga hamon ng bansa. Ito ay kanyang sinabi sa wreath-laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani bilang bahagi ng ika-84 na Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week. “Hindi tayo pwedeng tumiklop sa harapan ng mga interes ng ating bansa,” diin ni Teodoro. Binigyang-diin din ng kalihim ang kahalagahan ng pagpapalakas ng bansa upang makasabay sa ibang mga bansa at hindi “pagtulak-tulakan” sa pandaigdigang entablado. Kasabay nito, patuloy ding…
Read MoreP15-B DOJ BUILDING SA PARAÑAQUE, MAGAGAMIT NA NGAYONG 2026
LILIPAT sa Parañaque City ang bagong gusali ng Department of Justice (DOJ) ngayong 2026 na nagkakahalaga ng P15 bilyon. Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Frederick Vida sa kanyang 100-day report, kung saan sinabi niyang ililipat ang pangunahing tanggapan mula Padre Faura, Maynila patungo sa Aseana Avenue. Ani Vida, magsisilbing sentrong tanggapan ang bagong gusali para sa iba’t ibang opisina kabilang ang Office of the Secretary, National Prosecution Service, at iba pang legal units. Matatagpuan ang bagong DOJ complex malapit sa mga tanggapan ng Bureau of Immigration (BI), National Bureau…
Read MoreLTFRB: HALOS P1-B FUEL SUBSIDY NAIPAMAHAGI NA SA PUV SECTOR
MANILA, Philippines — Umabot na sa halos P1 bilyon ang naipamahaging fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility vehicle (PUV) driver at operator sa buong bansa. Batay sa pinakahuling datos, kabilang sa mga nakatanggap ang mga nasa National Capital Region na umabot sa P200 milyon, gayundin ang mga rehiyon ng CALABARZON, Central Luzon, at Central Visayas. Tig-P5,000 ang ibinibigay sa bawat benepisyaryo na kinabibilangan ng mga driver at operator ng jeepney, UV Express, bus, taxi, transport network vehicle service (TNVS), tricycle, delivery services,…
Read MoreCORPORATE RECORDS NI VP SARA, MISTER HININGI NG KAMARA SA SEC
INATASAN ng House Committee on Justice ang Securities and Exchange Commission (SEC) na isumite ang corporate records nina Vice President Sara Duterte at asawang si Manases Carpio kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment proceedings. Sa subpoena na pirmado ni House Speaker Faustino Dy, pinadadalo si SEC Chairperson Atty. Francis Edralin Lim sa pagdinig sa Abril 14, 2026 sa House of Representatives. Kabilang sa pinasusumiteng dokumento ang certified true copies ng General Information Sheets at audited financial statements ng mga kumpanyang nakapangalan sa mag-asawa. Layunin ng hakbang na mapagtibay ang reklamo hinggil…
Read More