202ND: BEST ARMY BRIGADE

BAGO TO

Ang mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988 na nasa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay papalapit na rin sa rurok ng kanilang serbisyo. Ilang taon na lamang at sila’y balik na rin sa pagkasibilyan, retired na. Karamihan sa mga miyembro ng Maringal class ay nasa Philippine Army kung kaya masikip na masikip ang posisyunan para sa kanila sa mga tinatawag na most-coveted position gaya ng Chief of Staff, Army chief, Air Force chief, at Navy chief, at iba pa.

Gaano man sila karami mayroon at mayroong hindi mapigilang manguna sa kanila, gaya nitong si Brigadier General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ang kasaluku­yang commander ng 202nd Infantry “Unifier” Brigade ng 2nd Infantry Division. Ang brigade ni Burgos ay nakabase sa Laguna. Ang division ay nasa ilalim ng Southern Luzon Command (SOLCOM).

Nitong Marso 15, pangalawang magkasunod na taon na nakuha ng liderato ni Burgos ang “Best Infantry Brigade” sa ginanap na 32nd Founding Anniversary ng SOLCOM na may sakop sa Regions 4A, 4B at 5 na nakabase sa Camp Nakar, Lucena City.

Congratulations BGen. Burgos at sa lahat ng officers, men and women ng Unifier Brigade!

Sa mga ganitong pagkakataon, mismong si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at AFP chief Gen. Benjamin Madrigal Jr. kasama si SOLCOM chief Lieutenant General Gilbert Gapay ang nagbigay ng pagkilala sa pamunuan ni BGen. Burgos.

“I want to dedicate and share this honor and glory not only with all the officers, men and women under my command but also with our families, friends, partners and stakeholders who have been an inspiration for all of us. They have significantly contributed a lot for us to realize this goal and fulfill our mission to the people. Mabuhay po kayo!” ani BGen. Burgos sa kanyang post sa Facebook.

Kung ang isang brigade commander ay magkasunod na nakopo, ang pinakamagaling na command ng SOLCOM, lamang na puntos ba ito para umusad na patungo sa division commander sa 2nd ID?

Ang siste, mukhang may “ia-accommodate” na two-star general sa 2nd ID kapalit ng paparetirong commanding general nito sa buwan ng Agosto nitong taon. Ang tanong, bakit sasalpakan ng major general ang naturang dibisyon samantalang dapat ay brigadier general dahil sa naturang command makukuha ang pangalawang star o ang ranggong major general! “Bata-bata system” nga naman.

Si BGen. Burgos ay natatanging Maringal member dahil bukod sa magaling na operations commander ay bihasa rin ito sa public affairs ng AFP, Kung ‘di ako magkakamali siya ang may pinakamahabang panahon at pinakamraming AFP chief na pinagsilbihan bilang PAO chief ng General Headquarters sa Camp Aguinaldo. Maraming mga pagkakataon na concurrent siya bilang AFP spokesman.

Sa media, isa siya sa mga pinakagigiliwang PAO chief at AFP spokesman dahil sa kahangahanga nitong diplomasya sa pagtalakay ng mga maiinit na usapin sa AFP. (Bago  to! / FLORANTE S. SOLMERIN)

 

291

Related posts

Leave a Comment