26-ANYOS, NAKUHAAN NG P61.2-M SHABU SA TAGUIG BUY-BUST

ISANG 26-taong-gulang na lalaki ang nakumpiskahan ng mahigit P61.2 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o “shabu” at mga gamit sa pagbebenta nito sa isinagawang buy-bust ng dalawang yunit ng pulisya sa lungsod ng Taguig nitong Lunes nang gabi.

Ang P61.2 milyong halaga ng siyam na kilo ng shabu ay nakuha sa suspek na nakilalang si Gezel Wesley Oliveros na bantog sa alyas na “Boy,” residente sa Bilang 20 Amihan Street ng Brgy. Ususan.

Ayon sa ulat ng Public Affairs Office (PIO) ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasakote si Olivarez ng mga tauhan ng Taguig Police Station Drug

Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Captain Salvador Camacho, Jr. at ng mgaoperatiba ng Southern Police District-District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU) na pinamumunuan naman ni Col. Celso Rodriguez sa kanyang tirahan dakong 9:30 ng gabi.

Bukod sa siyam na kilong shabu na nakasilid sa walong paketeng plastik, nakumpiska rin sa nag-iisang suspek ang isa pang paketeng plastik na mayroon ding lamang shabu, isang timbangang kulay itim, isang P1,000 bill, dalawang P100 bill, P98,000 halaga ng boodle money, isang pirasong berdeng eco bag at isang itim na touch screen cellular phone.

“We cannot imagine where this big amount of shabu could end up if ever this wasn’t busted,” banggit ni NCRPO Director Debold Sinas, matapos ang operasyon.

Sinampahan ng kasong kriminal si Olivarez sa Taguig City Prosecutor’s Office kaugnay sa paglabag sa Republic Act No. 9165. NELSON S. BADILLA

281

Related posts

Leave a Comment