26K PETITIONS FOR REVIEW SA DOJ, IBOBODEGA NA!

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

PLANO ni bagong Justice ­Secretary Jesus Crispin ­Remulla na ibodega na lamang ang 26 thousands na petition for reviews na nakasampa sa Department of Justice (DOJ).

Sa kauna-unahang press conference sa Justice Beat ­Reporters ni Secretary Remulla, sinabi nito na ang naturang mga kaso ay kanila pang minana mula sa nakaraang mga kalihim ng ­Kagawaran ng Katarungan.

Paliwanag ni Secretary Remulla, iyon ang kanilang nakitang paraan upang magawan ng aksyon ang naturang mga kaso na karamihan ay mula pa noong 1990-2022. Naniniwala ang kalihim na maaaring karamihan sa nakabimbing mga kaso ay hindi na interesado ang litigants kung kaya’t natengga nang sobrang tagal sa DOJ at posible rin umanong ang iba naman ay ­nadesisyunan na ng mga korte.

Gayunpaman, tiniyak naman ni Secretary Remulla na idadaan nila ito sa tamang proseso bago pa man nila i-archive o ilagay sa bodega ang naturang mga kaso.

Paglilinaw pa ng kalihim, bago umano nila e-archive ang nasabing mga petition for ­review ay kanila itong ilalathala sa ­media upang ‘yung mga ­interesado pa sa kanilang mga kaso ay ­makagawa sila ng hakbang ­tulad ng paghahain ng mosyon upang maresolba pa rin ang ­kanilang mga kasong niluma na ng panahon.

Umapela rin ang kalihim sa lahat ng litigants sa oras na kanila na itong nailathala sa tri-media ay kailangang kaagad silang mag-hain ng mosyon sa DOJ upang mai-segregate ang kanilang mga kaso sa mga ibobodega o ia-archive na mga petition for review.

Samantala, siniguro naman ni Secretary Remulla na simula noong July, sa unang araw ng kanyang panunungkulan ay 100% o isang daang porsyentong kanilang naaksyunan ang mga isinampang petition for review sa DOJ.

Kumpiyansa rin si Secretary Remulla na hindi na madadagdagan pa ang mga kasong kanilang ibobodega dahil na rin sa diumano’y pagtutulungan na nila ng kanyang undersecretaries sa Pangunguna nina Usecs. Jesse Andres, Raul Vasquez at Deo Marco, sa pagresolba ng mga petition for review na isinampa sa ilalim ng kanilang pamumuno.

Pinanatag naman ng kalihim ang litigants sa mga haka-hakang baka mas lalo pang lumubo ang mga hindi naaksyunang mga ­petition for review sa Department of Justice.

162

Related posts

Leave a Comment