3.2M PINOY APEKTADO SA PAGKAWALA NG E-SABONG (PART 2)

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

DUMARAMI ang mga walang trabaho dahil daw sa pagkawala ng e-sabong.

Kaya marami ring magulang ang problemado sa pagpasok ng kanilang mga anak ngayong araw, Agosto 22, dahil ilan sa kanila ay jobless nga.

Katunayan, 3.2 milyong Pilipino na nagtatrabaho sa industriya ng online sabong o e-sabong ang apektado sa pagpapasara ng mga ­operasyon nito sa buong Pilipinas.

Kung matatandaan kasi, bago natapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinatigil nito ang e-sabong operations.

Napilitan tuloy ang ilang online betting stalls na magbawas ng tao mula noong buwan ng Mayo ngayon taon.

Naghihimutok si Aling Elvira Tan, may-ari ng isang tayaan sa Quirino Avenue, Quezon City, sa pagkawala ng e-sabong.

Masakit sa kanya na tanggalin ang mga tauhan niya.

Ngunit kung patuloy niya namang papapasukin ang mga ito, siya naman ang lugi.

Walo raw ang mga tauhan niya.

Lahat ay tinanggal na niya kasi nahihirapan na siyang ­igapang ang kanyang ­negosyo.

Halos wala na raw makain ang mga tao niya.

Bunga nito, kahit labag sa kalooban niya na makitang nawalan ng trabaho ang mga tao niya, wala siyang magagawa dahil pati siya ay ­nahihirapan din sa ­kasalukuyang sitwasyon.

Matatandaang sa kasagsaysan ng pag-arangkada ng e-sabong sa bansa, nakapagdadala ito ng higit-kumulang P650 milyon kada buwan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sumampa pa nga sa 1.37 bilyon ang nakolekta ng PAGCOR sa pitong operators ng e-sabong mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.

At nang mag-stop o nasuspinde nga ang operasyon nila, aba’y nasa P5 bilyon naman ang inaasahang kita na mawawala sa PAGCOR ngayong 2022.

Tsk, tsk, tsk.

152

Related posts

Leave a Comment