TATLO pang miyembro ng Onnie drug group ang nadakip at nakumpiskahan ng mahigit P.8 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.
Balik-selda ang mga miyembro ng sindikasto na sina Alfredo Boyose alyas “Fredo”, 52, ng Block 33, Lot 15, Phase 3 F-1, Dagat-dagatan, Brgy 12, Caloocan City, dati nang nahuli noong Agosto 2005 at lumaya noong Oktubre 2016; Rodrigo Diana alyas “Buboy,” 42, ng Block 31, Lot 15, Phase 3 F-1, Sabalo St. corner Langaray St., Dagat-dagatan, Brgy. 14, Caloocan City, dinakip noong Agosto 24, 2018 at kalalaya lang noong Setyembre 23, 2019; at Joseph Sison alyas “Jo”, 52, ng Block 31, Lot 15, Phase 3 F-1, Sabalo St., corner Langaray St., Dagat-dagatan, Brgy. 14, Caloocan City, dati na ring nakulong.
Nasakote ang tatlo sa bahay ni Sison alas-11:30 ng gabi noong Setyembre 10 sa buy-bust operation ng pulisya.
Tinatayang 120 gramo ng shabu na P816,000 ang halaga ang nakumpiska sa mga suspek, isang cellular phone, buy-bust money at dalawang pouch.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)
151
