3 KALABOSO SA P.2-M SHABU

SWAK sa hoyo ang tatlong istambay nang matiklo sa buy-bust operation at mahulihan ng lagpas sa P.2 milyong halaga ng chongke sa Navotas City.

Arestado sina Abby Alvarez, 22, ng Los Martirez St., Brgy. San Jose, Navotas City; Joshua Miguel Enriquez, 20, ng Leoño St., Brgy. Tañong, Malabon City, at John Prances Sanchez, 19, ng #446 Taganahan St., Brgy. NBBS, Navotas City.

Nabatid, nasakote ang tatlo sa Road 10, Barangay North Bay Boulevard North, alas-4:20 ng hapon noong Oktubre 15 matapos bentahan ng chongke ang isang undercover na parak.

Nakuha sa tatlo ang 1,900 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang P 228,000 ang halaga.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

154

Related posts

Leave a Comment