3 MOUNTAINEERS MISSING SA MT. BALATUKAN

MT BALATUKAN

BUTUAN CITY – Nagkasa ng search and rescue operation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Army kaugnay sa tatlong nawalang mountaineers na taga Nasipit, Agusan del Norte.

Sa imbestigasyon ng Gingoog PNP, noong Enero 3 nang umakyat sa Mount Balatukan ang 13 mountaineers ngunit sampu na lamang ang nakababa sa Gingoog City noong Lunes.

Naniniwala ang mga kasama nila na naligaw ang tatlo nang makaranas ng masamang panahon sa nasabing bundok.

Dagdag ng PNP, walang koordinasyon sa pulisya at sa LGU ang grupo nang sila’y umakyat sa bundok.

Hindi muna pinaalis ang mga unang nakababa habang hinihintay ang tatlong nawawala. (KIKO CUETO)

314

Related posts

Leave a Comment