3 MURDER SUSPECTS TIKLO, 1 NAPATAY NG PNP-PRO5

“AN idiot with a plan can beat a genius without a plan,” pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos mapatay ang isa habang nadakip ang tatlo pa na pangunahing mga suspek sa Rommel Bermas murder case noong Disyembre 26, 2020.

Kinilala ang napatay na si Roger Balderama Basaysay na umano’y nanlaban habang inaaresto ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Wilfredo V. Sy sa isinagawang follow-up operation kaya nagkaroon ng palitan ng putok.

Unang nadakip ng PRO5-Regional Special Operation Unit, Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (lead units), katuwang ang Police Intelligence Unit-Albay; Bacacay MPS, 2nd Police Mobile Force Company at RSOU 5, si Mark Volante Bermas sa Barangay Bonga, Bacacay.

Sumunod na nadakip ang suspek na si Gerald Bo Basaysay na nakorner sa follow-up operation nina P/Lt. Col. Sy at P/Maj. Ramon Czar D. Solas sa Purok 5, Brgy. San Joaquin, Legazpi City, Albay.

Nahuli naman ni P/Lt. Bobby V. Pabelonia sa Brgy. Sta Teresa, Malilipot, Albay ang isa pang suspek na kinilalang si Rommel Bo Basaysay.

Pansamantalang idinetine sa Malilipot MPS lock-up jail ang tatlong nadakip na mga suspek. (JESSE KABEL)

133

Related posts

Leave a Comment