ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City noong Lunes ng gabi.
Magkakasunod na ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Fortunato Blanco, 30; Raymark Bautista, 30, at Jay-ar Urbano, 21, mga residente ng Malabon City at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa ulat, alas-11:00 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Macopa Road, Brgy. Potrero na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito makaraang bentahan ng P500 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover cop.
Nakumpiska sa mga suspek ang 2.05 gramo ng shabu na may standard drug price na P13,940, at P500 buy-bust money. (ALAIN AJERO)
137 