CAVITE – Tinatayang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Bacoor City noong Sabado ng umaga.
Ayon sa ulat, bandang alas-5:15 ng umaga nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Tabing Dagat, Brgy. Maliksi 2, Bacoor City hanggang sa nadamay ang katabing mga bahay na pawang gawa sa light materials at umabot sa ikalawang alarma.
Mabilis namang nagresponde ang iba’t ibang pamatay-sunog at nang humupa ang apoy ay tinatayang 20 kabahayan ang nadamay.
Idineklarang fire-out ng Bacoor City Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog bandang alas-5:40 ng umaga noong Sabado habang inaalam pa ang sanhi nito. (SIGFRED ADSUARA)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)