LUSOT na sa committee level ng Kamara ang panukalang VAT-exemption na nagpapaliwanag ng diskwento para sa mga Pilipinong edad 60 pataas.
Bukod sa VAT exemption, aprubado na rin sa House committee on ways and means ang panukalang diskwento sa hanay ng mga senior citizens para sa mga buwanang bayarin sa kuryente at tubig.
Gayunpaman, tanging mga bayaring katumbas ng konsumong 150 kilowatts (sa kuryente) at 30 cubic meters (sa tubig) ang pasok sa ilalim ng substitute bill na ipinasa sa komite.
Nakatakda na rin isampa sa plenaryo ang consolidated version ng House Bill 1903 at 3040 na magbibigay ng kabuuang 35% diskwento para sa mga klasipikadong senior citizens.
Sa ilalim ng umiiral na sistemang itinakda sa Republic Act 7432 (Expanded Senior Citizens Act of 2010), 20% ang iginawad na diskwento para sa mga matatandang edad 60 pataas para sa mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain, gamot at maging sa transportasyon. (BERNARD TAGUINOD)
