3RD DEATH ANNIVERSARY NI SUSAN ROCES GINUNITA

GINUNITA ng pamilya ni Senadora Grace Poe ang ikatlong anibersaryo ng kamatayan ng inang si Susan Roces kahapon.

Kasama ang anak na si FPJ Party-list Rep. Brian Poe Llamanzares dumalo sila sa misa at nag-alay ng bulaklak sa puntod ng beteranang aktres sa Manila North Cemetery sa Maynila.

Dumalo rin sa paggunita ang malalapit na kaibigan at tagasuporta ng pamilya upang alalahanin ang iniwang pamana ng minamahal na aktres at personalidad sa sining at kultura ng Pilipinas.

(Danny Bacolod)

47

Related posts

Leave a Comment