4 FIRMS, INIHABLA SA P178-M TAX ASSAULT

SINAMPAHAN ng mga kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang apat na korporasyon at ang kani-kanilang mga opisyal makaraang mapatunayan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nila nabayaran ang kabuuang P178 milyong halaga ng buwis sa pamahalaan, sa magkakahiwalay na mga taon.

Idiniin ng BIR-Revenue Region No. 8B-South National Capital Region (NCR) na nilabag ng apat na korporasyon ang ilang seksiyon ng Tax Code of the Philippines.

Kinasuhan ng ahensiya ang Efco Philippines, Ltd. (EFCO) dahil hindi nito umano nabayaran ang kabuuang P120,192,706.12 buwis, kasama ang increments, sa BIR noong 2017.

Kasama sa isinampang kaso ang mga opisyal ng EFCO na sina Brian West (bise presidente ng kumpanya), Mario Jamolangue (resident agent), Noberto Pangilinan (resident agent), Tyrone Gutierrez (resident agent/district manager), Vidal Roque Jr. (resident agent/regional engineer), Emelino Maestro (officer-in-charge for special concerns ng Finance Department) at Helen Galvez (resident agent/financial administrator).

Dalawang kaso ang inihain ng BIR laban sa EFCO. Ayon sa BIR, foreign corporation ang EFCO na nagnenegosyo sa bansa.

Mayroon itong tanggapan sa Lungsod ng Muntinlupa at Lungsod ng Makati.

Ang ikalawang inihabla ng BIR ay ang STAR ASSET Management NPL Inc. (STAR ASSET) dahil sa atraso nitong P49,119,784.94 halaga ng buwis kasama ang increments, noong 2013.

Isinama ng BIR sa kaso sina Manuel Frondoso (chairman ng STAR ASSET), Mark Frondoso (pangulo), Joseph Ryan Sycip (tesurero) at Franchette Acosta (corporate secretary).

Ang STAR ASSET ay mayroong tanggapan sa Taguig City.

Ang ikatlong sinampahan ng kaso ay ang Mansion Maintenance Company Inc. (MANSION MAINTENANCE).

Isinama rin ng BIR ang mga opisyal ng MANSION MAINTENANCE na sina Cesar Basasay (chairman/president/chief executive officer ng kumpanya), Gloria Uy-Basasay (vice president/chief financial officer) at Richard Basaysay (direktor).

Umabot naman sa P1,884,806.34 (kasama ang increments) ang hindi nabayarang buwis ng MANSION MAINTENANCE at ng mga opisyal nito noong 2016.

Matatagpuan ang nasabing kumpanya sa Barangay Western Bicutan, Lungsod ng Taguig.

Ang ikaapat na korporasyon na lumabag umano sa ilang probisyon ng Tax Code ng bansa ay ang Inter-Island Lift Exchange Corporation (ILEC).

Kasama sa kaso ang mga opisyal ng ILEC na sina Manuel Saoit (pangulo ng kumpanya) at Arlene Saoit (chief financial officer).

Ang ILEC at mga opisyal nito ay inihabla ng BIR dahil sa hindi nabayarang P6,823,926.80 buwis, kasama ang increments nito, para sa taong 2016.

456

Related posts

Leave a Comment